Long Distance Relationship
Sobrang hirap na nga kapag wala pang anak, eh pag buntis or may anak na? Paano yun?! Kakayanin pa ba yun? Share your stories with us, mommies.
Ldr kami ng asawa ko since the beginning of our relationship. Para sakin hindi naman mahirap. Nasanay na din ako na mag isa, na wala yun physical presence nya. Lagi naman kaming nag uusap at magka videocall, salamat sa gadgets at parang andito din sya. Malakas ang support system ko from my family kaya hindi ko na fefeel na kulang. May kasama ako sa pag alaga sa anak namin. Konting tiis lang at konting ipon pa, magkakasama na kaming pamilya ❤️
Đọc thêmMy husband was away from my 3rd month of pregnancy. He’s a seafarer. I finished pregnancy without him. I gave birth without him. However, I was taken care of by people who cares for us. He also didn’t fail to give support even if he’s miles away. It’s hard but what can I do? This is the life I chose. We just need to always find things to be grateful for.
Đọc thêmhays di ko alam kung kakayanin ko na malayo sa asawa ko at anak ko 😣 matatapos maternity leave ko january next year babalik na ako sa makati where my office is located . and kailangan mag stay dito sa laguna ng asawa ko kasi nandito work niya. while yung anak ko dadalhin ko sa bulacan baby ko para maagalaan ng maayos ng mama ko. hays sana kayanin.
Đọc thêmyes mahrap pro laban lng ,tlgang kakaicp ko nagkaroon aq ng anxiety and depression kc ibang lahi then i have trauma before sa past relationship ko ndi ko maiwasang mgicp but ndi nmn sya ngkukulang financially and always video call and message.i hope mkpgflight na pra mgkasama sama na kme. prayers nlng pra mawala na covid.
Đọc thêmSometimes, kasi gusto ko habang lumalaki sana mga kids kasama ko si hubby na gumagabay sa kanila araw araw. Iba kasi pag daddy ang nag guide lalo na all boys ang kids namin. Pero in terms sa relationship namin magasawa hindi naman mahirap kasi may communication naman. Basta may tiwala at respeto sa bawat isa hindi mawawala ang pagmamahal.
Đọc thêmYes mahirap lalo na sa panahon ngayon...pag ang partner mo wlang tiwala sau laging hinala...madalas away at tampuhan..pero buti nalang mahaba pasensya ni hubby sakin kahit anung daldal ko hindi nalang xia kumikibo..still proud ako sa kanya sa hirap at sakripisyo nya para samin ni baby...
2 years po akong LDR sa asawat anak namin. working po ako at sinusuportahan pag aaral ng husband at anak namin. after nila magbakasyon dito sakin, i got pregnant sa 2nd baby namin.. working, alone, while pregnant.. ang hirap. pero nakayanan namn. for me, patience, trust and loyalty are the keys.. ☺️
Đọc thêmPara sa akin po hindi, simula mag jowa kami ldr na kami, nung nabuntis ako sa first baby namin mag kalayo din kami ngayon sa second baby namin walang pinag bago sa sobrang sanay ko na malayo siya hindi kami pwede mag sama ng matagal isang buwan lang kasi pag lagpas nun nag babangayan na kami
Yes. Kaya bilib ako sa mama ko. Sobrang laki ng sacrifice niya samin magkakapatid. And now magkaka apo na ayaw padin umuwi. Kaya pangako ko sakaniya pagkatapos ng kapatid ko sa college 6 years nalang naman hindi ko na siya pag abroad. Magtatayo nalang kami negosyo.
mag gf/bf palang kami LDR na and then now magkaka-baby na kami LDR pa din pero sabi nila sanayan lang ang mga ganitong sitwasyon. Kaya natin to mga ka-LDR 😊 Stay positive and always pray para safety ng bawat isa
Same, po tayo sa sobrang sanay minsan mas gusto kong nasa malayp siya 🙂
1st time Mom ❤️