How long were you in labor?
Mommies, gaano katagal ang labor experience mo? Share your stories. May mga record breaking times ba dyan?
First baby. Baby boy. Approximately 28-29 hours 🥴 EDD: Dec. 17, 2021 (via 1st Ultrasound with Heartbeat) Dec. 15 ng mga 12 to 1 ng tanghali, may konting kirot-kirot na ng tiyan at balakang ko. Mga 10-11 PM pumunta na kami ng Lying-In para magpa-check kahit konting kirot pa rin, at kaya-kaya pa naman. Pag-IE sa akin, 1-2cm lang. Kaya agad lang din pinauwi. Dec. 16 ng madaling araw, aba hindi na ako pinatulog. Medyo maya't maya na yung sakit. At masakit na nga talaga. As in sobrang sakit ng likod part ko. Kaso mga 5-10 mins pa lang ang interval, pero masakit na talaga. Hanggang umaga, ganun pa rin. Wala kong maayos na tulog. At wala na kong ganang kumain sa sakit na ng mga nararamdaman ko. Dec. 16 ng tanghali start na rin ng mga 2-4 mins na yung interval ng contractions. Kaya kada contraction, iniire ko, parang nabasa ko kasi before parang nakakatulong ata siya sa pagbuka rin ng cervix, o mapababa si baby. Pero parang hindi rin naman. Pero yun nga, pagdating ng mga 3 PM, nung pagkakirot, inire ko, saka ng bumulwak na yung panubigan ko. Kaya agad din kaming pumunta na ng Lying In. Pero matubig naman ako, kasi pagdating sa Lying In may tubig pa ring tumatagas, hanggang naire ako meron pa rin. 4 PM hanggang 5 PM hindi ko na kaya talaga yung sakit, na gusto ko na magpapunta talaga ng Hospital para magpabiyak na lang, wala na akong pake, kasi hindi ko na talaga kaya. Nakita rin ako ng asawa ko nun na nanghihina na, sumusuko na. Pero magaling din Midwife ko, pinapasok asawa ko nga nun, at minotivate ako ganun na kaya ko, na palabas naman na, ganun ganun. Kaya nag stay lang kami. Pinahirapan ako ng sobra ng baby ko kasi ayaw niyang bumaba, ang tagal. Pero push lang ng push. Kaya mga 5:40 PM na lumabas ang aking baby boy haha! First time, at never makakalimutan talaga. 😅
Đọc thêmJuly 10 naglabas yung panubigan ko mga 7pm tapos nagpa admit ako mga alas 8pm sa Hospital. chineck ako ng OB ini IE ako, sabi ng OB ko rupture na daw ako. Pero that time wala pa akong naramdaman na pain or mga hilab sa tiyan ko umabot na ng mga alas 12 wala parin ako naramdaman, ini IE ulit ako ng OB ang sabi nasa 6-7cm na daw ako tapos nilagyan ng prime rose ang pwerta ko mga anim na piraso. Mga bandang 4am doon may napansin na ako na humihilab hilab pero di pa ganun ka sakit hanggang sa tumagal unti unting sumakit pero tinitiis ko kasi walang nakabantay na doctor sa akin, mga alas 6 naramdaman ko na natatae na ako kasama sa hilab, so di ko napigilan natae ako at timing mga ilang minutes lang dumaan gin-IE ulit ako ng OB ang sabi nya 8-9cm na daw ako tas pinaEre nya ako, yun lang pinagalitan pa ako kasi mali daw ang Ere ko tas umalis na sya.. ilang minutes na namn nagdaan feel ko parang nasa pwerta ko na si baby buti may nurse dumaan kaya tinanong ko kung itutuloy tuloy ko na ba pag ere di ko na mapigilan andito na sa pwerta si baby. At doon na nagtawag ng doctor si nurse para magpaanak sakin. Pinatayo pako,pinalakad papuntang delivery room,kinaya ko talaga kahit parang ang sarap ng e ere, kaya nung na posisyon na ako, nung sinabi ng doki na mag ere, aba sinagad ko na dalawang beses lang .. labas agad baby boy ko 🥰❤️
Đọc thêm3 days labor ako, nauna blood saken, nov 25 ng start nako duguin, nagpa swab test nako agad ng 9am morning then nilakad lakad ko sa mall hanggang hapon, 7pm may result na swab test ko nagpadala nako sa ER kz dumadami na ung blood and hindi na masyado magalaw si baby, pagdating sa ER ng check ung doctor ok pa namn dw and 2cm pa lang so pinauwi kami around 10pm, pag uwi sa bahay nag start na sya mag contract then hindi nako pinatulog until morning, lakad lakad ulit kahit masakit and monitor ko ung contractions kung maigsi na lamg ung intervals, around 4pm Nov 26 kumain na kami and nag ready na punta ulit sa ER kz hindi na tolerable ung pain tapos 5pm bigla pumutok na ung panubigin ko, 6pm nasa ER na kami, 5cm pa lang so waiting until dinala nako sa labor room ng 10pm, niready nako for trial labor via ACOG, sinaksakan nako ng epidural anesthesia 12 Midnight mataas pa din si baby, until morning 10am fully dilated na sya ayaw pa din bumaba ni baby, wla na halos talab ung anesthesia ko kz mababa na lang dosage nasobrahan na kaka inject, dry labor na din ako, 12 30 they call my attention na kz talagang humihina na heart beat ni baby kung d ko pa sya mailabas mag emergency CS nako, they help me push the baby then assisted with vacuum forceps and in God's grace she's out by 1: 28pm
Đọc thêmalmost 1 day dhil check up ko nun dhil duedate ko na ng mga 4days na nakalipas nalagpasan ko na duedate ko kaya nagpacheck up ako sa midwife namin dito close cervix pa daw... then sabi ko check up kami para d ako nag aalala.. that time kc 8 months last ultra ko nag req. cla ung ultrasound na pinaka latest nakita na nuchal chord c baby.. then sabi sa lying in try inormal dun tumagal ang labor gabi na ako nag active labor then kinabukasan pa ako na cs ng hapon 4:28pm... nsa 22 hours ako naglabor.. nag inject na ng pampahilab nsa 9-10cm na ako wla pdn ung hilab na need para lumabas antagal bago hihilab ulit.. ayaw tlga nya lumabas... kc nga nakapalupot ung pusod sa leeg nya...kaya nga kako sa kanila ok lang po ung sakit mas msakit ung labor..para skn..d ko makakalimutan ung on the way na kami dhil need na ilabas c baby dahil pumutok na panubigan ko e humihilab kc lying in lang sya na nd nag ccs.. sabi ko sa knila ng dumating kami.. ics nyu na po ako d ko na kaya..😥😥😥😥 kaya ok na muna ung 1 na lang muna sya.. kaya cguro naging makakalimutin ako para malimutan ko un naransan ko
Đọc thêm1st (2006) Dec 6 walang hilab pupunta sana ko ng Cr pagtau ko sa higaan pumutok na panubigan ko akala ko lng na naihi ako after nun humilab na ng 5am den nagpadlana nagpadlana ko sa lying in 7am lumabas na sya 2nd (2009) halos ganun din humilab ng 2am den 4am lumabas na sya 3rd (2010) dito ako nagtagal na naglabor my konting dugo muna labas tas pasakit sakit buong bewang at balakang ko pagpunta namin ng center ng 8am 6cm palng daw ako pinaglakad lakad muna muna ko pero subrang kirot ng buong balakang ko saka my agos paring ng dugo den d rin mapakali mister at panganay ko nung abot ng lunch time umuwi muna magama ko after magluch ung midwife ayun pumutok na panubigan ko den sinae na ko nakita na nya ung ulo sab lalabas na ayun nakailang ire pa ko nahirapan akong ilabas at nakapulopot s knya ung umbilical cord nya buti dumating ung isapang midwife tinulungan akong magpush KY baby around 1pm ko na sya na labas 4th 2022 ngaun pang 7months ko pa lang sa pagbubuntia hope na manormal ko ilabas c baby ☺
Đọc thêmFirst baby, 12 hours. (Dec 22, 2021 saktong duedate ko) 8am naghatid pa ako ng for pickup na orders saken sa kanto namen l, buhat ko ay almost 8kgs pagbalik ko sa bahay start na lumabas yung mucus plug, tapos napunta ako sa friend ko para magtanong tanong nangcocontract na that time then umuwi ako sa bahay namen pahiga-higa lang ako "side lying" 4pm na kame pumunta sa lying in kasi ramdam na ramdam ko na talaga yung sakit. Pagdating sa lying in, inIE ako 6cm pa lang, around 7:55 9cm na ako. Sinabihan ako mga RM at Nurses maglakad lakad ginawa ko lumabas ako ng lying in tinawag ko asawa ko para magpabili ng tubig, pagbalik ko sa higaan biglang putok ng panubigan, sinabihan ko na RM at Nurse chineck 10cm na niyaya na ako sa Delivery Room syempre lakad lang, paghiga ko nandyan na pala si baby, pagkacut. Isang mahabang ire lang, 8:06pm baby's out 😊💜
Đọc thêm3hrs labor lang pigil pa yun dahil yung OB ko otw pa lang sa hospital nun. 12:20nn biglang hilab as in sunod sunod tapos nag wiwi ako tuloy tuloy yung tubig pumutok na panubigan ko. pag dating sa hospital 3cm na waiting for 1hr and 30mins kasi inayos pa yung room ko that time for confinement na kasi ako. then pag akyat deretsyo ako sa labor room. 8cm real quick pinapa pigil yung pag labas kasi wala pa daw doctor ko. Pero nilagay na nila ako sa delivery room kasi anytime lalabas na talaga so ready na si OB na lang inaantay. tapos pag dating nya naka 5 ire lang ako baby out. 2:59pm Narinig ko pa talaga iyak nya jusqo tapos napa dede ko pa. safe delivery via NSD by the way 1st baby.
Đọc thêmako Kasi iba iba Yung labor sa Tatlo kung anak. My eldest daughter para lang ako natatae 😁 Yun Pala labor na Yung naramdaman ko Wala pa akong lam nun Kasi first time mom at the age of 20. Around 4am masakit yung balakang ko tapos natatae ako. Fast-forward around 6am medyo humihilab na tiyan ko tapos dugo Yung unang lumabas mga 30 mins lang yata ako nag labor sa eldest daughter ko Kasi 6:25 am lumabas na sya. Sa second child ko Naman boy, madali lang ako nanganak Yung labor lang Ang matagal mga 3hours haha. sa Third child ko Naman boy din, same lang sa second ko na matagal Ang labor pero mabilis rin syang lumabas ☺️ and I thank you ❤️ sorry napahaba 😁
Đọc thêm1st baby q pinagputukan aq ng panubigan q ng 11pm at naza lavaz pa aq ng bahay nggagala at ng labor talaga aq ng 4am-5:59am at exact 6am ng deliver aq sa baby girl q.. 2nd baby q naman ay 4am-5:59am din aq ng labor then at 6am din aq ng deliver sa baby boy q.. last ay at 7am-10:36am aq ng labor then 10:37 ay ngdeliver aq sa baby boy q.. ang last baby q aq sobrang nahirapan mg labor dahil sa 2 q ay panubigan talaga ang unang lumavaz d gaya ng last baby q ngaun ay dugo talaga kaya hirap na hirap aq ngaun..
Đọc thêmmadaling araw ng sunday May 22 around 2am nagstart na contractions ko .then mga 8am nagdecide kami ni hubby na mamalengke muna at maglakad lakad.11am kami nakauwi. then mga 1pm ng medyo mas sumasakit na tumakbo na kami ng lying in.inIE ako at 4cm na nagstay na kami dun.the whole stay sa labor room puro sigaw hahah hanggang sa nagsuka na ko sa sakit.past forward nailabas ko si baby girl ko ng May23 na ng 6:56 am. so yeah almost 29hrs😅.but it all worth it❤️❤️
Đọc thêm