79 Các câu trả lời
Ang galing naman ng 3 med student na yan pag ako residente ng mga yan sa clerkship irerepeat rotation ko sila di cla nag gagather ng facts.. Hindi mo masasabing si guy 1 yan.. Or si guy 2 yan... Lalo na PCOS ka may tendency na nag oovulate ka or hnd ka nag oovulate.. May tendency na akala mo nasa open window ka ng fertility mo pero yun pala safe period ka.. Sabihin mo mapag aaralan ng 3 med student yan pag nasa OBGYNE rotation na sila.. Sarap idemerit ng mga yan.. May cases din kasi na 2 days after mens nag oovulate ka na kaya minsan akala mo safe ka kaya cge lang putok sa loob.. Pag pcos ka hnd mo maprepredict ang exact date ng ovulation mo.. At may sukat ang follicles natin para macheck if mature na ito at ready to conceive.. 🙄 The best test is to have DNA.. And miss pa take ka ng HIV test, Syphilis test, Hepa B test.. Since multiple partners ka. Pag positive ka sa test na yan magmamanifest yan sa baby kawawa naman.. Check mo rin miss background ng dalawang lalaki if meron sa kanila may congenital disabilities na nag rurun sa family dahil namamana mana yan. Kawawa baby mo pag d mo pag nagka congenital problems yan sya magsusuffer sa nagawa mo.
Nung month nang April madami akong spotting. :/ pero nung nag Do kami ni Guy 1 wala na akong spotting ang naaalala ko lang po parang may discharge ako na white ng April 23 kahit yung mga sumunod na araw na kasama ko si Guy 1 . Last na spotting ko na po is May 12 ,(parang brown) at medyo masakit puson ko. After nun wala na di na ako dinatnan, at dun na ako nakaramdam ng antok antok at pagka sensitive sa amoy. Maraming salamat po sa mga opinion nyo. Babalik po ako sa post na ito kapag lumabas si love kong baby at nalaman ko na yung sagot sa sarili kong tanong. Sasabihin ko po sa inyo at mag thank you uli sa time na binigay nyo lalo na po sa mga nag explain. Sobrang nagsisisi ako kasi hindi ko ma enjoy pregnancy ko dahil sa ginawa kong to. Sa loob loob ko mga mommy, si Guy 1 ang gusto kong maging daddy ni baby ko. Super sakit sa ulo ng gulo na ginawa ko, matatapos din to at biggest lesson sa buhay ko to at biggest blessing si Baby! Maraming salamat po uli!..
Hay mamsh, can't judge you. I had multiple partners din dahil PCOS ako, ang wala akong balak mag settle down. Tapang ako eh. Bakit ba, sayang naman na di ako nabubuntis at gusto ko lumande. Pero same case first pregnancy ko, fertile window yun unprotected sex ko, then after 2 weeks nakipag threesome ako with the same guy and his friend. Pero yun 1st guy ang father. Nalaman ko kasi sabi nya di daw kanya kahit sinabi ko na di ko sya hahabulin at all, kasi pinag dasal ko na maging kamukha nya na kikilabutan nanay nya pag nakita yun baby. Kaya lang nakunan ako nun 5 months pa lang si baby sa tummy. Iyak sya kasi kamukhang kamukha nya. Ahhahha! And wala akong pake majudge kasi choice ko lahat ng ginawa ko. Pero nagbagong buhay na ko. Na in love ako eh, sa taong di madunong mag judge. ❤️
Linis nyo eh
Hi. PCOS din ako at nagtry na magkababy within 9yrs. Ngayon lang ako biniyayaan sa guy pa na naging jowa ko lang last March. May fiance ako nung naging kami nitong tatay ng baby ko and sobrang dami pagsubok. Nagkamali ka man ang importante ngayon is si baby. Wala namang perpekto pero indi pa huli ang lahat para itama pagkakamali natin lalo na may blessing na dumating. Last mens ko is April 26 and due date ko is Jan 26, 2020. Bale 18weeks and 5days ko ngayon kay baby. So dahil indi tayo nagkakalayo ng EDD, sa tingin ko si guy 1 yan. 😊 Congrats! And dont wori, who are we to judge. Tao lang tayo! Ingat kayo ni baby! God Bless!
Hindi. Pero kampante ako na indi ako mabuntis kasi PCOS ako, indi kami withdrawal. Ayun nagulat nalang ako na indi ako dinatnan for 2mos, buntis na pala ako nun. 😊
Parang guy 1 po sis. May PCOS din ako, pansin ko lang dami n may ganitong case na malaki possibilities mabuntis.🙂 kami ni hubby 2 mos pa lang nakabuo agad..nagulat p ako kasi di ko expected😅 though hoping ako kasi knowing our case mahihirapan talaga. At first in denial then mixed emotions. Amazing talaga si God. Praying for your healthy pregnancy sis. Kung magkakameans ka, pa paternity test mo pa rin para sure. Pero as of now, focus on your baby, yourself and your pregnancy.
Mga mommies! Gusto ko lang mag thank you kasi so far wala akong nababasa na judgments kahit alam ko sa sarili ko na ka judge judge yung ginawa ko. Thank you sa mga sagot nyo na walanh halong panlalait. God bless you po sa inyo , sa mga pregnant mommies sana po healthy pregnancy all the way hanggang paglabas ni little one! Maswerte mga babies nyo dahil may mother sila na hindi mapanghusga ng kapwa kahit meron silang reason para manghusga! Maraming salamat po ulit :)
I think it's the way how you stated your case, you were coming from a standpoint na inaamin mo na agad so ano pa ang masasabi nila? Yung iba po kasi would put on a defensive stance kaya sa halip na may makisimpatya, natitrigger ang ibang mommies to pass on a judgement. Anyway, kung ako tatanungin hirap kasi hulaan ng fertile window mo since irreg ka. Yung menstrual cycle mo maaring mahaba o maikli but if nag spotting ka malamang implantation bleeding parang si guy 1 kasi malapit ka na uli sa cycle mo nung ngcontact kayo ni guy 2, yan ay kung normal na 28-30 day cycle ka at lalabas na day 14 ang ovulation mo. But may chance dn kasi si guy 2 kung mahaba ang cycle mo.
again.. PCOS ang case ng pasyenteng nag oopen up.. Wag natin bigyan ng hope na si guy 1 or guy 2.. may history taking nagagawin idedetalye mo sa OB mo ung symptoms and case ng mens mo kung regular ka ba o irregular ka ba... hindi lahat ng tao porket same ang Due date at LMP ay pareho na din ang ovulation period... Kahit kaninong OB ka magtanong kung sino ama ng anak mo.. isa lang sasabihin namin sayo pa DNA test si baby...
Thank You po Doc. <3
Sa tingin ko hindi naman pagkakamali yun. Blessing in disguise nga eh. Siguro kung hindi ka "lumandi" according sayo, hindi mabubuo si baby. Which is for me blessing lalo na sa tulad mong may PCOS. E paternity test mo nalang pag lumabas na si baby. Saka mo na isipin ang consequences pag nakaraos na kayo dalawa. Para maalagaan mo health mo at pati narin si baby. ☺️
Welcome po. Kasi may friend din po ako na PCOS. 10 years na sila nagsama ng asawa nya at akala di na mabubuntis. Ngayon 2 months na po syanh buntis at ako yung una nya pinagsabihan nung mag pt sya at positive. 😊
Guy 1 tska depende kasi yan sa last mens mo. Kasabayan kita sis edd ko jan20 din, kung sa buong april si guy 1 yan. Tas nalaman mong buntis ka na ng dalawang buwan nuong june kay guy 1 yan kasi kung kay 2 nung time na nag pamultrasound ka dapat 1 month pa lang kasi May ka nayo nag do.
Most likely yung guy 1 po yung tatay. Based on your EDD. Probable conception date is April 27- May 1 2019 Probable dates of sexual intercourse that led to pregnancy- April 24-May 1 2019 If you feel doubtful parin, better to conduct DNA TEST.
Anonymous