Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
soon to be mom
delivered at 27weeks
WARNING!! Lengthy post: kwento ko lang para gumaan loob ko. Sobrang roller coaster nangyari samin. 23weeks 4days pa lang, nag open cervix ko ag naospital for 10days. Complete bed rest without bathroom priveleges. Binigyan ako ng gamot pampa mature ng lungs ni baby in case lumabas sya. Pero dasal kami ng dasal at kinakausap namin sha na wag muna masyado pang maaga. Nakauwi din kami and for 2weeks ok naman. Day after ff-up ko kay baby, bigla ako nilabasan ng tubig,madami, d ko macontrol. Sumugod kami sa ospital, 26wks 6days si baby. Tas na admit ako ulit. For 2 days binigyan ako ng gamot para kay baby, sabi ni OB kahit daw lumabas si baby basta makumpleto gamot nya. Nakinig ata si baby.. After 2 days lumabas na sya. 5pm nagstart yung conttractions, maiksi pero sunud sunod..patagal ng patagal paintense na paintense. 7pm dumating si OB pag ie sakin 3cm na daw at wala na syang makapang tubig. Good thing ang little warrior namin stable at ok walang problema. Saktong 10:44pm lumabas na si baby. Pero now nasa NICU pa sya. Day after ko manganak nadischarge ako, at kinabukasan sinugod ulit sa hosp dahil sa post partum pre-eclampsia. Grabe ang trauma ko sa mga pangyayari. Pakiramdam ko down na down ako. Yung anxiety ko sumusumpong at kakaba kaba ako lagi. Mga mommy na baka sakaling nakaranas ng ganitong sitwasyon o pakiramdam, any word of encouragement po. Lilipas din naman po to noh ?
Right time for expressing breastmilk
Hello po, kailangan po ba may schedule ang pag pump? Sino po sainyo gumagamit ng FARLIN ng electric breast pump? Alin po sa mga parts nya ang need sterilized? At ano pong diswashing soap ang pwede gamitin? Ok na po ba ang joy? Tia!
minimal mucus discharge with streak of blood
24wks and 1day, open ang cervix about 0.95cm currently confined for 4 days now. Umihi ako. Wala naman pain, contractions. After ko umihi may lumabas na mucus konti lang naman tas my konting asbin konting blood kasi a bit reddish po. Nataranta ako kaya pinatawag ko nurse. Pag check ng FHT ok naman daw. As log as walang pain or contractions ok daw. May nakaexperience na po ba sainyo ng ganito? Pashare naman po please. FTM here. Due on april 8, 2020.
did my water broke?
Currently confined in the hosp for 3 days now. Prior to confinement, OB's initial diagnosis is premature labor with 1cm opened cervix. (+) pain po during contractions pero di sunud sunod. 24th week ko p lng. Nakaswero with isoxilan drip. Since kahapon ok naman at may progress no more painful contractions noted., painless na lang around 3-4x maghapon. Now fter ako i-morning care may lumabas sakin na watery discharge, no mucus, no blood mga 2ml ang dami. No pain and contractions ako na nafeel. Na inform na si OB, sched ako for utz later at 11am. Still sobra akong worried..possible.ba na di nama BOW yun? Sino na po nakaexperience saiyo ng ganito pero ok naman na ngayon. Thanks
ihi ng ihi
At 24wks nag open cervix ko ng 1cm. Nakaconfine ako now for 2days na with isoxilan drip. Ihi ako ng ihi. Ganon ba talaga yon? Mula kanina ng 5am 10x na ako umiihi.
premature labor
23wks and 3days preggy pa lang ako. Nakakaramdam ako ng sakit sa tyan pag nagko contract and bumibilog tyan ko. Pasumpung sumpong in a day..kaya tinext ko si OB sabi nya icheck nya ako, pag ultrasound sakin ok si baby pero pag pelvic ultrasound nakita nya open cervix ko. Nag ie sya, 1cm open na cervix ko..d na nya ako pinaglakad..automatic confinelent and strict bed rest. Bawal bumaba ng bed at nakaswero. Need pigilan na mauwi sa preterm labor kasi too early. May same case ba sakin dito? Naiyak talaga ako..
baby gender
Yung super excited na ako malaman gender ni baby, pero nadelay ng 2x kasi inabutan ng cut off ni OB. Tas ngayon eto na yung day na malalaman dapat namin gender ng firstborn namin...kaya 2hrs ahead ako sa sched pero nalate si doc ng 1 hr, pero ok lang willing ako maghintay?☺️what is 3 hrs?? kaso ayun nga..pag ultrasound sakin, suhi si baby..umikot sya from cephalic naging breech? at di daw makikita ang gender. Huhu! Kaya next month na daw, pero dahil next month papatak ng christmas day ang ff up ko, at wala sya almost half ng month of december...pinababalik nya ako ng january na. Huhu! Sobra na ako naiintriga sa gender ng baby namin??.
pashare
Di ko po yan kilala nakita ko lang kaya share ko din sa ibang platform para mas kumalat. Kawawa kasi si baby pati family nya. Tinangay daw po ng yaya yung baby. Tas ibang name ata ginamit sa BIR I.D. https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10215203886239656&id=1508291218
my baby is moving?
i'm an FTM, and currently on 16 wks 6days of my pregnancy. My OB said i would feel my baby's movement on my 5th-6th month of my pregnancy pa. Maybe because aside sa 1st baby ko ito eh anterior yung placement ng placenta ko. Nararamdaman ko na talaga movement nya pero parang kulo-kulo lang. Yung pakiramdam na gutom. So tonight worried ako kasi i'm still taking heragest ever since 4th week pa ng pregnancy ko. Nag CR ako like 20mins pagkalagay ko, not sure if tama yung time. Tas naramdaman ko lumabas yung heragest medyo tunaw na sya pero buo pa din na parang nalusaw na nog lumabas. Huhu! Napapraning ako kasi wala d ko naabsorb lahat yung meds. Nangyari na din po ba sainyo yun? Nag lagay po ba ulit kayo? Natatakot ako maglagay uli kasi baka masobrahan naman. Tas eto nakahiga ako now, naramdaman ko may pitik n malakas sipa yata yun. First time ko na feel sa may baba ng pusod ko. Malakas pa sya kesa sa pintig ng malakas na pulse. Mga 4x na halos segundo lang pagita tas ika 5 medyo natagalan. Tapos the rest parang kulo na lang ulit parang gutom. Ok lang ba yun? Pero super saya sa pakiramdam grabe. Halata sa lengthy post ko. ? pasensya na po, natuwa lang ako ng sobra as if my baby's making me feel na ok sya and i shouldn't be worried. Waaaah?? super kilig ako.
worried?
Is this too big for a 15week 4day old aog? Feeling ko kasi batak na batak yung tyan ko? baka nasobrahan ako sa pagkain?