Nakunan pero hindi niraspa: Okay lang ba iyon?

Sino po dito na nakunan pero hindi po niraspa? Bakit po hindi kayo niraspa? Pwede po ba yung ganun?

68 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako po 2days ako nag bleeding nung 1st day ay patak2x palang. Pero kahapon madaming dugo na kaya pumunta ako ng center para sabihing dinugo ako kaya ayon consult daw ako sa dr. Kaya ni request ako ng pelvic ultrasound. Tapos umuwi muna ako sa bahay nung naglalakad ako ay may naramdaman akong lumabas sa ari ko pagkauwi ko ng bahay ay merong malaking dugo buo sya. Kaya tinawagan ko ang asawa ko na umuwi dahil mag papa ultrasound kmi. Nung nandon na ako sa ultrasound room ay wala nang natirang dugo buti nalang daw lumabas na. From PELVIC ULTRASOUND to TRANS V. Kaya no need to worry na. Pero masakit talaga iyak ako ng iyak . Pangalawang pag bubuntis na sana to. Multi-vitamins nalang ang nireseta sakin. Atang result ng ultrasound sakin ay COMPLETE ABORTION .

Đọc thêm

aku po last april nakunan 3 weeks hindi aku ni raspa sabi ng doctor complete pass out na daw lahat tapos after 4 months nabuntis ulit aku ng 5 weeks dalawang bisis aku may faint positive nung una sabi ng doctor masyadu maaga kasi nag pa transv aku kasi panay ulit pananakit ng puson at batang ko after 2 days bumalik aku sa doctor sabi ng doctor normal meansis ko lang daw pero sa sarili ko alam ko meron talaga kasi naramdaman ko ung mga signs lahat at yung lumabas sakin hindi rin yung normal na dugo pinkish na my white cell hindi gaya nung sa normal na dugo dark ang lumalabas simula nun di na aku naka balik sa doctor dito sa brunei pag uwe nalang namin sa pinas nawalan aku ng trust sa mga doctor dito :(

Đọc thêm

mga mommy tanong ko lang po 6 weeks lang po si baby and nung january 24 po ako dinudugo nung 30 po medyu maraming dugo yung lumabas and may isang parang buong dugo poba yun.. basta ganun and kinabukasan po nun halos wla ng dugong lumalabas sakin pero medyu meron pa naman po sakto lng sa isang pad... tas this fed 1 meron papo and masakit po ulo ko.. Ang sabi po kasi sakin nung nag pa check up ako mga 2 weeks ng nabugok si baby sa loob ko and need ko daw pong iraspa... ehh la namn pong pera para pamparaspa... ok lng poba na medyu matagalan bago ako maraspa? masakit papo likod ko and yung ulo ko po halos oras oras po sumasakit.

Đọc thêm
2y trước

Any advice po ano po ginawa niyo ma'am? Same situation po

Nalulungkot ako, ganito nangyare sakin april 25 dinugo ako base sa TVS UTS may bahay bata na pero 50/50 si baby onting dugo palang si baby pinauwi lang ako at walang niresetang gamot, paguwi ko dinudugo padin ako hanggang kinabuksan nong hapon may lumabas sakin buo bilog sumugod na agad ako sa cr at ayun after ng TVS tinanong ko doctor wala na daw nakunan na daw ako. Hindi ako niraspa kase nalabas ko na daw lahat yung placents nailabas ko din April 26 pagkauwi namin from hospital. Iyak kami ng husband ko pag naaalala namin until now, 2nd baby na sana to.

Đọc thêm

Pwede bang makunan nang hindi niraspa? May mga pagkakataong maaaring makunan ang isang babae nang hindi niraraspa. Karaniwan, maaaring ligtas na makunan ang babae nang may di gaanong kalaking komplikasyon lamang. Mabigat sa kalooban para sa mga babae ang paghihintay upang kusang makunan lalo na sa ganito kahirap na sitwasyon. Maaaring irekomenda ng mga doktor ang raspa sa nakukunan kung: nakunan matapos ang 10-12 linggong pagbubuntis may mga komplikasyon may medikal na mga kondisyon na nangangailangan ng agarang pag-aalaga

Đọc thêm

some choose to miscarry naturally but guided ng ob. pero meron naman na iba na kahit na D&C hindi nakuha lahat ng traces ng pregnancy kaya na iinfect sila and it can be fatal kapag di agad na diagnose. go to an OB and tell her what happened. normally, papa ultrasound ka to see if there are any traces. be safe than sorry sis. if you really need to go through D&C, ask help from friends. Pwedeng out patient lang yan at magward ka. my friend spent 6k sa ward sa chinese gen (after philhealth na yun).

Đọc thêm

It is possible not to undergo Dilatation and Curettage or also Called "RASPA", I myself had miscarriage way back 2014, that was my first pregnancy. Thank God I didn't have any problem within my reproductive system eventhough I didn't undergo any procedure after my miscarriage.. After 7 years I am Blessed and now on my 3rd trimester of pregnancy.. God is Good🙏 Eventhough it took me years to finally conceive. God has a plan for everything.. On the right time.🙏❤️

Đọc thêm

Maaaring ikabigla mo ang makunan. Normal lang na maramdaman ito. Huminto pansamantala at isiping hindi ka nag-iisa sa ganitong napakahirap na panahon. Anuman ang piliin mong treatment option, halos pareho lamang ang panganib ng impeksyon na may mababang posibilidad ng komplikasyon. Tiyaking kumonsulta sa doktor kung nakunan ka. Kausapin ang iyong partner tungkol dito. Magpunta sa doktor upang malaman kung anong uri ng gamutan ang pinakamabuti para sa iyong sitwasyon.

Đọc thêm

Hello po mga mommies, 5weeks and 4days na po akong preggy, ngayon po dinudugo nako at ang sabi ng OB ko need ko na maraspa pero natatakot po ako at isa pa kulang sa pera .. pwede kaya yon na hindi na maraspa? Kasi ang sabi dn naman ng nag US saken mailalabas ko naman daw yong baby ko.. Wala po kayang mangyayari sakn na masam if maghihintay ako ng ilang days para lumabas ng kusa si baby? Salamat sa sasagot.

Đọc thêm
3y trước

Ako po 8weeks ako nung dinugo ako pero walang lumabas na buo sakin tapos nalaman ni doc na 1week na palang walang heartbeat si baby niraspa ako agad kasi lalasunin daw buong katawan ko

Sis ako kelan lang nakunan sa 12weeks ko Pero nung nag patransV po ako my thickness na 1.2cm Pinabasa ko po normal naman kaya hindi na daw ako raraspahin kasi closecervix na ko @ natapos na ung bleeding ko .... Kasi sabi maisasama naman daw un sa pag regla ko Kaya ang ginagawa ko nag susuob ako sa my pwerta ko para ung thickness na nakita matunaw Tapus nag hot compress dn ako

Đọc thêm
5mo trước

hello, kumusta po ung mga nakunan na hindi niraspa tas may natira pero di na dinudugo?