Mag lalabas lang po ng problem kase feeling ko sasabog nako 😭

Since nabuntis ako mejo nag bago yung moods ko mostly emotional ako which is masama kay baby, pero mga mommies may times talaga na kahit alam mong makakasama kay baby hindi mo macontrol yung emotions mo yung parang feeling mo pasaan mo na lahat lalo nat naiisip ko na financially unstable kame ngayon, kausap ko si mister a while ago tinanong nya ako kelan ako magpacheck up and sinabi ko sa june 11 pa and need ko mag pa laboratory tinanong nya ako magkano need ko then sabi ko kung meron sya 1k kasama na sana dun med and vitamins if reresetahan ako after malaman laboratory result ko. Bigla nabago yung tune ng boses nya and sabi nya wala syang pera, sabi nya pa, ako daw muna maghanap ng paraan pag may pera na sya saka na sya magpadala. Nasaktan ako sa part na nag iba tune ng boses nya, although naaawa ako sa kanya kase alam ko naman na pinipilit nya makapag provide sakin ng pera gipit lang talaga ngayon. Hindi ko na alam mararamdaman ko I'm at 16w6d and lately napapansin ko sumasakit tyan ko minsan mild pain lang naman.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

wow ano yon gagawa gawa tapos walang pera tsaka yung 1k kulang pa yon sa checkup,vitamins at laboratory. Hanapan nya rin kamo ng paraan ikaw na nga yong buntis ikaw pa tong gagawa ng paraan para magkapera

3y trước

actually po ngayon lang sya hindi nakapagpadala, hindi naman sya irresponsible na asawa at ama and alam po namin yung pinasok namin ngayon lang talaga walang wala dun lang ako nasaktan sa tune ng pagkakasabi nya, yun lang po yun.