Responsibility as inlaw
Hello mga mommies. Gusto ko lang maglabas ng hinanakit 🥲. Hindi ko alam kung valid ba yung feeling ko. May instances kasi na yung mother ni Lip is nanghihiram ng pera sa partner ko, kumbaga ang chat e "manghihiram sya ng pera at wag magaalala na ibabalik nya sa sahod need nya lang hulogan yung utang nya" tapos after nun napansin ko kay lip na parang bigla nag-iba mood nya. Parang nanlumo na wala syang mapaihiram sa mother nya. Saken naman kung may extra why not kaso wala din kame. Tapos nalaman ko na may hiniram palang pera ate nya dun sa mama nila and hindi pa nababalik ng ate nya, so tumawag po ate nya keso pahiramin daw po kasi nakakuha nako ng maternity pay (which is hindi ko pa po nakukuha and iba ang policy ng company namen sa maternity benefit). Medyo nastress lang po, hindi ko po alam if valid sya. Anyway nakabukod napo kame pero minsan po feeling madalas kargo po nmen sila. Hindi din naman po sa pag aano pero sa relasyon namen ni Lip ako yung breadwinner. Hindi ko po sinisilip na mas malaki yung kinikita ko kesa sknya pero kasi yung fam nya po e pag hindi napagbigyan akala po napagdadamutan 🥲