Stressed si Buntis

Palabas naman ng sama ng loob mga mamsh. Di ko na keri. Nasstress ako habang papalapit yung panganganak ko. Currently 36 weeks and 6 days preggy ako with our baby boy and until now mukhang walang balak si partner na magtabi man lang para sa panganganak ko. May pera naman ako, pero nakakainis lang kasing makita na sobrang iresponsable nya pagdating sa pagbubuntis ko. Halos every week eh umiinom sya at kagabi lang nag-usap kame at sabi nya, nangutang daw sya sa company nila kasi ipapaayos nya yung motor nya?! Naloka ako. Yun talaga inuna nya?! Ang hilig hilig din nya magpabili sakin ng kung anu-ano, recently lang 2 shirts worth 600 pesos each. Both working po kame at nakuha ko na yung SSS matben ko worth 70k pero dahil madami kaming loans 15k nalang ang natitira ngayon. Akala ko once mas tumaas sahod nya eh mamomotivate syang mag ipon at tumulong sakin pero pakiramdam ko pasan ko lahat. Yung mga loans namin hindi ako ang gumamit ng pera kaso sakin nakapangalan kase mas madali ako maapprove ng banks. Sa umpisa sasabihin nya sya magbabayad tapos pag nanjan na yung bayaran eh sasabihin nya wala na syang pera. Ilang beses na namin napag awayan yung pera, gang ngayon parang di sya natututo. Nasaktan din ako sa tono ng pananalita nya na parang gusto nya magbalik trabaho agad ako after kong manganak. Need help mga mamsh! Pano nyo hinahandle yung ganitong partner? Pag nag aaway kame lagisyang naghahanap ng comfort sa ibang babae. Di ko na alam pano ibibring up yung ganito sakanya kase nauuwi lagi sa away at feeling nya eh minamaliit ko sya.

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Its the "negative" consequences if the wife is earning MORE than the husband and if makita nila na you are very responsible pagdating sa financial aspect. Im not saying this is bad. That is commendable actually. Pero in a long run, the effect would be nagiging pabaya and dependent ang husband mo saiyo. You need to change the cycle para matauhan siya. Alam kong mahirap kasi youre about to deliver na pero ang pinaka effective na strategy jan is for you not to work muna after your delivery. Hndi ka din gagawa ng means para maprovide ang financial need ninyo. In short, BE PASSIVE. Allow him to carry the burden. Mapipilitang magtrabaho at mag ipon yan if you force him to do his duty. That is the only way na makarealize siya na he need to ipon and workm if may hinihingi siya na tshirt etc, tell him strictly na wala kang pera...you need to be firm on that.. If wala ka pa ding makita na changes after doing that, youre in terrible danger. Meaning that is his nature and you cant change that. It may be hard but the key is in your hands. Remember not all love are worth fighting for. Your future children CANT choose their father but you CAN. Your freedom is in your hands. May our Lord guide you every step of the way. Godbless po

Đọc thêm
5y trước

thank you for your advice po. balak ko din talaga na hindi muna magwork after I give birth kaso inaalala ko yung mga bills and loans na nakapangalan sakin :( feeling ko kase di nya aakuin ang pagbabayad. 😭😭😭

Grabe napaka immature. Naalala ko tuloy dating bf ng bestfriend ko sa katauhan ng asawa mo. Ganyang ganyan. Live in sila, si bestfriend ko bayad lahat ng bills, si lalaki tuwing sweldo bili sapatos,alak,pabango,damit. Puro pansarili nya lng binibili nya. Wala silang anak, si bestfriend ko ang may anak na sa pagkadalaga. Imagine tumagal sila ng 5 yrs. Tapos nagyaya na ng kasal si bestfriend ang sagot ba nman may ipon ka na hahaha. Buti nalang na untog si bestfriend ko. Nasa tamang tao sya ngayon, sa japan na nakatira kasama anak nya sa pagka dalaga at asawa nyang napakabait. Iwan mo na yang asawa mo, napaka iresponsable. Habang kasama mo yan, lagi lang sasakit ulo mo. Lalo na't magkaka baby ka na, sobrang mai stress ka. Madaling sabihin na iwanan na si mister mo, nasa sayo yan. Pero sana mag isip ka. Hanggang kailan? Hanggang kailan ka magtitiis? Tandaan mo, ang tao di nman instant magbabago agad. Di yan kapag nag usap kayo sasabihin nyan o sige magbabago na ko, no! Di ganun kabilis, it takes years! Minsan magbabago tao kapag nadala na, o kaya nagkasakit na, o kaya mamamatay na. Kaya kailangan turuan ng leksyon para matuto.

Đọc thêm
5y trước

Tama ganyan din na experience ko dati pinili ko narin maging single mom mahirap pero kinaya ko . Pero now swerte na ako sa asawa ko kc alagang alaga na kmi at tanggap niya anak ko . . Magkakaanak na din kmi soon kc buntis ako 8months . Pero khit wala siya d2 hnd niya kmi pinapabayaan . Kya mommy pakatatag ka wag kang masyadong ma stress jan pag katapos mong manganak kung ganun pa din ugali niya gawin mo na ang nkakabuti sa iyo at sa anak mo . For sure kaya mo yan . Gudluck mommy be safe

Ganyan din partner ng ate ko dati, inasa lahat samin gastos ng mag iina niya, nagbibisyo pa. Kaya ayun natauhan ate ko hiniwalayan niya. Kalma ka lang muna sis, wait mo na lumabas si baby mo. Bigyan mo ng isa pang chance yang partner mo kausapin mo ulit tas sabihin mo ikaw nahihirapan kana sa sitwasyon niyo, lalo na my batang involve, mahirap naman kasi kung wala kayong ipon para sa baby. Sa totoo lang sis simula ng nagbuntis ako never na kami gumastos ng asawa ko nag pansarili namin. Nakuha ko din yung sa sss ko 70k din lahat nasa ipon namin kaya medyo malaki laki ipon namin dahil iniisip namin na need ni baby paglabas niya baka magkaemergency need ng pera my mahuhugot kami . Paintindi mo sa partner mo na mas mahalaga yung future ng baby niyo kesa sa mga luho niya. Importante mag ipon padin talaga magtabi para sa bata

Đọc thêm
5y trước

Ilang beses ko na po sya sinabihan. Actually against talaga ako na magbaby muna kame. Sabi ko sakanya next year pa dapat pero mapilit sya. Pinagbigyan ko sya hoping na marerealize nya na hindi madali ang magbaby. 3rd baby na po namin. Dun sa 1st and 2nd baby, hindi kase sya gumastos kaya di nya ramdam yung hirap. Ngayong 3rd baby namin, umasa din sya kase working ako at may healthcard so wala syang sagot ni piso sa check up. Mga vitamins ko ako lahat ang bumibili kaya di nya nararamdaman yung burden at gastos sa pagbubuntis.

Piste!sensya n sis ha?napamura ako,feel n ffeel ko yan ganyang sitwasyon mo,mahirap kapag ka ganyan sis,kong ako sau iwanan mo na yan,ndi namn na isyu ngaun kong mbuntis ka khit wla ka ng aswa,kong ganyan lang din pabigat,imbes n magtulungan kau,,kong anjan lang din mga magulang mo mas mabuti pa umalis kna lang jan s hubby mong pabigat,feel ko jan sa hubby mo piling binata pa yan,,,total may trabho k namn pagkatapos mo manganak makapgtrbhu ka ulit mabubuhay nnkau nyan ng anak mo,wagmo pahirapan sarili mo sis,ang babang marunong maghanap buhay ay hind takot mawalan ng asawa,lalo n kpag ganyang klase n lalaki,piste lang yan s buhay mo.may ask lang ako sis,panu ,mo nkukuha matben mo?bkit napaaga ang bigay?sakin kc wla pa noonh feb.pa ako nagfile s ompany nmin,naabutan nlang ng lockdown,untill mow puro sabi wait lang,,

Đọc thêm
5y trước

Company policy po samin ay one month before ng due date mo (base sa ultrasound na pinasa for Mat1) ibibigay/advance nila yung MatBen.

Mommy magkatuwang dapat kayo ng mister mo. Di mo dapat solo lahat.. kung ganyang parang kaw pa ang may bitbit sa kanya mas okay pa yata na magsolo ka na lang... lapit ka po sa parents mo at iopen mo ang problema mo.. tapos kung talagang di mo na kaya magstay kna lang muna sa kanila at wag ka magparamdam.. sabi mo pa humahanap sya ng comfort sa ibang babae.. hindi mo deserve ang ganoong klaseng tao mommy... di ko alam kung ganu mo sya kamahal..siguro mahihirapan kang gawin ang sinasabi ko, pero isipin mo masmahirap at magiging miserable ka in the future na kasama sya kung hindi sya magbabago.. mamili ka mommy kung alin ang maskakayanin mo, ang mawala sya, o ang mawalan ng sakit sa ulo at dibdib.. sana makatulog sinabi ko sayo... tapangan mo ang loob mong magdecide mommy

Đọc thêm

Kawawa ka sa partner mo sis. Inaasa niya sayo lahat dahil din siguro alam niya malaki sahod mo. Sakit lang yan sa ulo. Ngayon pa lang mag isip isip ka na kung kaya ka ba talaga nyan panindigan habang buhay. Kami ng husband ko sis nung di pa ako nag resign both kami malaki ang income pero never umasa sa akin husband ko. Yung sahod ko akin lang kasi siya lahat sa gastusin kaya nakapag ipon ako ng malaki din. At wala din kaming utang. My point is malaking kaginhawaan sa atin mga babae na magkaroon ng mature at responsible partner. At yung feeling of security andun din eh. Ang hirap ng ganyang lalake.

Đọc thêm

Sa marriage po, si guy po dapat ang financially responsible sa basic needs ninyo. If hindi po sya ganon, and kayo po ang earning, better if hindi po ninyo sya i allow na itake advantage kayo financially. Do what you must for your baby pero push him to do his part, do not be like a sugar mommy kasi partner po kayo. Be stern nalang po and if it doesn’t work and toxic na, walk away po and just make arrangements sa sustento nya sa bata para di po mamihasa. RA 9262 will protect you po and your child from economic abuse kapag di po sya nagsustento.

Đọc thêm

mahirap magpayo especially hindi namin naiintindihan nangyayari sa loob ng bahay pero mamsh based sa kwento mo I think it's best for you and your baby to go muna sa family mo. Lalo pala at di makuha sa mabuting usapan si partner, kasi if mastressed kalang at si baby sa partner mo baka makasama pa sa inyo. It's bad enough that it seems na wala syamg plano mag ipon for your delivery eh 36 weeks ka na tapos mas inuuna pa ang sariling luho. You have to make a move or else hindi sya magbabago. Hope things will get better soon 🙏

Đọc thêm

Ilang taon na po ba kayong magpartner? Bakit parang wla syang pkialam sayo? Nakikita mo n kung gaano sya kairesponsable , so bakit pa po humantong sa dame ng loans at sayo pa nya ipapangalan! Mag isip ka ng mbuti if dapat mo nb syang hiwalayan.. kc nakikita ko ikaw lng ung may pangrap na gustong makamit, mahirap magtiis sa gnyn.. kakausapin mo tungkol sa problema nyo pero nauuwi sa away, ang malala pa naghahanap pa ng kalinga sa iba.. Hiwalayan mo n ganyang klase ng tao.. Be brave enough to get out of that toxic relationship..

Đọc thêm
5y trước

Since highschool po mag bf/gf na kami. Year 2007 pa pero almost 5 years kaming naghiwalay dahil nagcheat sya at dahil din sa pagiging iresponsible nya. Akala ko this tima na nakipagbalikan sya magbabago na pero sa umpisa lang pala. Bumalik lang din sya sa dati at feeling ko lumala pa nung lumipat sya ng work at mejo tumaas ang sahod. Di ko na po alam kung ano tumatakbo sa isip nya kase hindi sya nakikipag usap ng maayos sakin sa twing nagtatalo kame. Mas pinipili nyang hindi ako pansinin gang mawala yung galit ko tas okay na ulit.

Stay focus Po sa pregnancy mo Po, wag mong sabihin sa kanya na may pera ka pa at hayaan mo syang mag inom inom bsta wag ka Lang yang saktan at pag nangyari un if kaya mo Po syang layasan layasan mo Po Muna pra d ka Po masyado mastress , hahanapin k nmn Po nyan if ever if Hindi eh d Hindi bsta safe ka . If makipag bati ilatag mo lahat condition mo sa knya at never ever say Yes lahat Ng sasabihin nya Lalo Nat about sa pera. Take away the stress nakakaapekto sa baby Po. Stay happy kahit sobrang toxic na pra d maramdaman ni baby

Đọc thêm