...

Share ko lang wala na kasi akong mapaglabasan, simula nung feb nakipag break ako sa father ng baby ko, di ko pa alam na buntis ako nun pero may mga signed na nacucurious ako kaya nag pt ako,. Nung nalaman ko na preggy ako sinabi ko agad sa ex bf ko ,, di ko alam kung anong mararamdaman ko ,. Nung malaman kong gusto nyang ipalaglag yung anak namin ,, sobrang sakit nun para sakin kahit na nung una palang tinggap ko na yung anak nya kahit di sakin nanggaling pero yung anak namin wala syang pakeelam ,, Im 20 years old independent woman minsan nga ako na gumagastos kapag wala syang pera kasi alam kong may anak na sya ,, sobrang sakit ngayong simula nung nalaman kung buntis ako hanggang ngayon 32 weekS na yung baby ko di manlang sya nagparamdam kahit ni isang sorry wala kong narinig sa kanya ,, hindi ko alam kung bakit ganun sya normal lang ba sa mga lalaki yung ganun? ?tapos kapag iniistalk ko yung account nya ni walang bahid ng kahit katiting na konsensya .. Hindi ko alam kung pano makakamove on, ginagawa ko na lahat para malibang pero dumadating parin yung time na pumapasok sya sa isip ko,.,, sobrang hirap maging strong sa paningin ng taong nakapaligid sau,, akala nila strong ka,,sobrang hirap ng walang napagsabihan ?

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mas mainam na hiwalayan muna.. anong klase yan na gusto nya ipa laglag.. buti at d ka gumaya sa makitid nyang utak

Be strong. Kaya niyo yan. Same ako ng situation pero tinitibayan ko na lang loob ko para kay baby and andito naman fam

4y trước

paano nyo hinarap sasabhin ng mga tao . pag nagtatanong sila kung sino ang tatay , maraming bakit na tanong mas nakkstresss 😥

Move on sis kaya mo yan para sa inyo n baby wag ka masyado Mag isip masama un para sa inyo n baby

Thành viên VIP

Cheer up momsh. Okay lang yan. Balang araw marerealize nya din yung mali at pagkukulang nya.

Kaya mo yan sis..at least alam mo na d sia deserve sa inyong magina...be strong lang sis..

be positive..lagi m isipin blessing ang baby sa atin...

Influencer của TAP

Wag mo na istalk sis, mas hindi ka nyan mkakamove on.

Mag focus ka nlang sa baby mo. Dont mind him.

Thành viên VIP

Focus na lang sa baby sis. Yaan mo siya hehe

focus kna lng kay baby momsh.