IV BURN ( dextrose )

Share ko lang pinagdaanan ng anak ko sa public hospital dhl sa kapabayaan ng mga nurse🥺 3 months na si baby buti nalang guhit na peklat nalang yung natirang bakas. Kaya sa mga mommy dyan double check nyo si baby kapag nakadextrose kht nasa nicu pa yan dhl baka hindi mamalayan namamaga na pala yung kamay nya

IV BURN ( dextrose )
19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ito na kawawa talaga Pilipinas. di na nabantayan ng maayos ang mga pasyente dahil sa kakulangan. nurse ako at masasabi ko na di na talaga kaya maibigay ngayon ng nurse ang best nursing care dahil understaff. understaff din kame imagine ICU pero 3 to 5 patient ang hawak panu mo mababantayan lahat ang mga nakatubo na yun? wala kase nagbbigay maayos na pasahod kaya nag aalisan na ng Pinas. Ang hirap mo mahalin Pilipinas. Ni wala pagpapahalaga sa mga Nurses na overworked yet underpaid. Nakakawa ang nangyari kay bebe nagextravasate na malamang sa mga matatapang na gamot at di nicheck kung intact pa ang line. ang alam ko kapag pedia patient doctor ang nagiinsert ng line hindi nurses. pero dapat nabantayan din. kung nasa nicu yan pwede kayo magreklamo dyan. kase alam ko mas onti hawak na pasyente dun parang 1 nurse to 2 to 3 babies lang. Pero pag nasa ward at kasama ang mommy or daddy dapat pinansin nyo po agad para maireport yan. usually kase sa ward mataas ang census at nurse patient ratio kaya di na mafocus ng nurse lahat2. parents or bantay unang magrereport nyan. lalu na at kulang na kulang nurses dito sa Pinas. Apply flammazine or Bactroban ointment kung ano reseta ni doctor. nakakaiyak naman yan. kaya di talaga ako kampante na binabalutan ng diaper o tinatakpan ang IV lines. kung may transparent dressing mas maganda na yun ang ilagay para kita kung may redness, irritation at phlebitis na. sobra sakit nyan kay bebe. 😭😞 Magreklamo po kayo para magsilbing lesson ito sa ospital to train their staff and address the problems bat nangyayari yan. minsan kase need gulantangin ang mismong management kasama c director.

Đọc thêm
2y trước

okay na po mi sugat ni baby 3 months ago. peklat na guhit nalang sya ngayon🤗