kabet
Pwede po bang kasuhan. Ko. Ang asawa ko.. kase po. My kabet cia. Pero. Hindi kame kasal plzplzplz. Addvice po
"Ang live-in relationship ay isang relasyon kung saan ang magkapartner dito ay walang legal na obligasyon na maging matapat sa isat-isa o magkaroon ng mutual fidelity. Ang legal na obligasyon na maging matapat sa isat-isa o magkaroon ng mutual fidelity ay nagsisimula lamang kung nagpakasal na ang dalawang tao. Once na nakasal ang isang tao, siya ay may responsibilidad na maging matapat sa isat-isa at sumuporta sa isat-isa ayon sa Article 68 ng Family Code: "The husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support." Dahil sa depinisyon ng kasal o marriage sa Family Code kung saan ito ay itinuturing na permanenteng pagsasama o pagiging isa ng mag-asawa, ang mga obligasyon ng mag-asawa ay hindi nawawala o tumitigil kahit sila ay naghiwalay na o kaya may kanya kanyang buhay na sila. " Walang batas o regulasyon sa Family Code o Rules of Court ang nagsasaad na ang mga obligasyon ng mag-asawa under Artilce 68 ng Family Code ay nawawala o tumitigil kung sila ay naghiwalay na o kaya may kanya kanyang buhay na sila. Ang mga obligasyon na ito ng mag-asawa (mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support) ay patuloy kahit wala na sila komunikasyon katulad ng obligasyon ng suporta sa asawa at anak, katapatan sa asawa o kaya relasyon sa kanilang ari-arian at hindi tumitigil ang epekto ng kasal o marriage unless mamatay ang isa sa kanila o kaya ay magdesisyon ang korte na ipawalang bisa ang kasal sa isang annulment of marriage case. Kung kaya ang may asawa ay hindi pwedeng makipagrelasyon sa ibang tao kahit matagal nang hiwalay siya sa asawa dahil required pa rin siya ng batas na maging tapat (mutual fidelity) sa kanilang asawa at pwede silang makasuhan ng krimen na concubinage/adultery kung hindi nila ito susundin. Ang pagiging hiwalay ng matagal o walang komunikasyon ng mag-asawa ay hindi defense o valid na defense sa kasong krimen na adultery o concubinage."
Đọc thêmSorry, but its a No. Pero pwede mo sya kasuhan ng VAWC Under Republic Act No. 9262, otherwise known as the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (“VAWC”), the concept of “violence” against women and children includes not just physical violence, but also sexual violence, psychological violence, and economic abuse, including threats of such acts, battery, assault, coercion, harassment, or arbitrary deprivation of liberty.[1] The law penalizes any act or a series of acts “committed by any person against a woman who is his wife, former wife, or against a woman with whom the person has or had a sexual or dating relationship, or with whom he has a common child, or against her child whether legitimate or illegitimate, within or without the family abode.”
Đọc thêmSad to say pero No! Consider as GF/BF lng po kaung dalawa na pg ayaw na sau at nkahanap xa ng iba. Wala k habol. Pero my pede k ikaso incase d nya suportahan ang anak mo at cnasaktan k nya dba kamo. Un ay ang VAWC at physical injury na under parin ng VAWC free un wla k gagastosin. Una gawin mo lng mg file k case sa pulis tas bhala na cla ang mg lakad at ang mgiging abogado mo mismo ay ang piskal. Pero qng kakasohan mo ung bago at nya ang lip mo. Wala kpa ma ikakaso sa knila hanggat wla k mpakitang marriage contract. Gnun kasaklap pg dka kasal wla k laban.
Đọc thêmHi sis pwede po VAWC RA 9262 siguro di ka nga lang makakadwell solely sa pagkakabit nya pero pwede un maging source na nagbibigay sau ng emotional and psychological torment especially that you are pregnant. Sa RA 9262, hindi lang sya limited kung kasal kau basta may intimate relationship pwede mo syang kasuhan sa areas ng physical,emotional,psychological,and economuc abuse. Pwede mo iresearch din sis baka makahelp. Praying for you.
Đọc thêmhindi pwede po kasi di naman kayo kasal pwede po habulin mo na lang sustento para sa baby mo tsaka po wag mo po tawagin asawa hanggang kinasal kayo Ikaw lang masasaktan lalo na kung may babae din kinakasama mo. Marami pa diyan iba magmamahal sayo at tatanggapin ka ng buong buo wag mo hayaan ikulong mo sarili mo sa maling tao. mahalin mo sarili mo Lalo na Isang ganap ka na Ina. be strong. God bless
Đọc thêmPwede po, lapit po kau sa women's desk. Naipakulong mg friend ko ung lip nya kc nagkaroon ng kabit habng nagssma pa sila. Nakpag pyansa nga lang ung lip nya pero tuloy ung kaso s usaping sustento. Kpag ndi natupad ung uspan sa child support pwedw ulit sya mkulong. Pwede mo sya kasuhan kaht ndi kau kasal,
Đọc thêmkung pag uusapan po ang kasal pwedy sana kaso po di kayo kasal kaya wala po kayong habol..kasi according to raffy tulfo kahit ilang beses pa siya mag babae kung hindi kasal pwedy pero kung kasol kayo naku talagang sa kulongan talaga siya aabot .pero pwedy mo siyang habolin part lang sa anak niyo
Since sinabi mo naman na sinasaktan ka nya pumunta ka ng VAWC. Magpa medikolegal ka. Kapag meron kang proof na sinasaktan ka atleast don pwede mo syang kasuhan ng abuse. May laban ka kapag may nakita sa medical mo na sinaktan ka talaga nya.
Hindi mo po siya matatawag na asawa hanggat hindi kayo kasal...common law husband/wife o live in partner po kaya wla kang maikakaso sa kanya kc technically pareho kayong single..sustento lng habol mo sa kanya...
Try consulting your case at DSWD. Baka sakaling pasok sa VAWC. That is not just for married, kahit pa tomboy ang partner mo, nakakasuhan sa batas na yan. But ofcourse, you better consult po dahil may grounds na titingnan dyan.