gamit ni baby
pwede na po ba bumili ng gamit ni baby 22 weeks palang po ako alam ko na po gender nya? sabi po kasi nila may ka sabihan nadapat daw po 7 months up po bago bumili ?
ako sis 24weeks pero di pa namimili ng gamit. may mga nabasa kasi akong post na nung nanganak sila iba ang gender ni baby sa nakita sa ultrasound.. hehehehe. if ever bibili ka na sis, make it gender neutral na lang muna siguro. tas basic needs lang. saka na ung iba pag nanganak ka na. mabilis din daw kasi makaliitan yung mga damit eh..
Đọc thêmpwede na momsh😊 gender neutral na tie-sides ang mga una kong nabili hihi... hirap na kc mamili ng mga gamit ni baby kpag malaki na bump mo. inunti unti ko bumili from 16 weeks gang ngayong 8 months na ako konti nlang bibilhin ko... at para hindi ka din mabigla sa gastos, medyo mahal din kc ang mga gamit ni baby.
Đọc thêmok lang po mamili ng maaga. paunti unti po. mahirap po kpg malaki na tyan natin tsaka tau bibili. hirap makipagsiksikan at sobrang init pa po. kaya sa online nlng ako namili paunti unti. ngaun ok na kumpleto na. si baby nalng ang kulang hehr
Once na alam nyo naman na po yung gender pwede naman na po kayo mamili ng pakonti konti. Maging practical na lang din po sa pagbili lalo na sa damit ni baby. Ambilis kaso nila kaliitan ang damit halos ilang suot lang hindi na agad kasya. Haha
Naku momsh napana daming sabi sabi. Simula mabuntis hanggang sa manganak. Pero always think of what is best for you and baby if gusto mo na mamili ng maaga why not. Kapag malaki na din tummy mo hindi na convenient mag gala gala.
22 weeks din po ako. Kating kati na bumili ng gamit ni baby. Pero advice sa akin 7 months na para di mausog. Bed rest din kasi ako buong pregnancy ko. Yung ate ko po namili ng maaga, nagdeliver siya 25 weeks and 5 days.
pwede naman na sis unti untiin. mahirap kasi din biglaang bili. mabigat financially kasi may iba talagang kelangan na gamit na pricey tska kahit small items pag nagsabay sabay bili, malaki din aabutin.
maybe mga gender neutral muna bilihin like mga color white na damit. or baka unahin muna mga crib, stroller, etc. 5 months pa lang ata ako nun nagshoshopping na ako. hahaha
Ako sis nung nalaman ko na gender, inunti unti ko na gamit ni baby.. Bukod sa excited nako bumili naisip ko din pra di isang bagsakan gastos. 😊😅
Hi mommy! Wala naman po masama kung maniniwala tyo sa mga kasabihan pero siguro mas ok kung sa 3rd trimester kana bumili at mag ayos ng gamit ni baby