Pregnancy

Positive po ba na buntis ka.. 4times napo ako nag pregnancy tests all re positive, pro nung nag pa TVs po ako walang nakitang sack ng baby ang doctor.. wala po akong mga signs na nararamdaman sapag calculate ko nasa 6 week na po yung baby, possible po ba un na hindi pa nakita si baby Pero positive ang mga test ko sa PT..🥺

24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan nangyari sakin last year, mahal na araw April nag PT ako positive 3x... Pero pag TVS sakin walang SAC tapos dinugo pa ko during TVS nun... So inakala ko na mens na un,... Hindi na ko nagpatest sa Dugo nun kahit sinabi ng OB kasi duda xa bakit ako dinugo, eh positive PT ko... So May Dinugo ulit ako 3wks un inabot ng June 3 tapos biglang nagstop... Entire June-July wala and nag PT ako postive, nagpacheck up na ko expected ko around 7-8wks pa lang si tiyan ko kasi nga May un LMP ko... Pag TVS sakin na shookt ako kasi 13wks 5days na tiyan ko... Which means April pa lang buntis na ko... Nakipag inuman pa ko and all nun May-June kasi akala ko ko talaga un dugo ko regla... Mag 7mos na ngaun ang healthy baby girl ko... So ma advise ko mi, hintayin mo po baka maaga pa po mxado para makita sa TVS... Inom ka na rin po ng Folic para if ever meron na nga, makatulong po sa brain development ng baby... Goodluck!

Đọc thêm

Sa akin din po, 6 weeks baby ko nung una akong nagpa transvag ultrasound, kinailangan ko pa po iangat pwetan ko tsaka magpigil ng hinga para madetect si baby. Shy type po ata hehe. Try niyo din po after 1-2 weeks and ingat din po muna kayo at magpahinga

wait mo lang miii...bka too early lang po kya dipa ngpakita si bby..gnyan dn po ako kay bunso..6wks 1st tvs ko, 8 wks 2nd tvs, 10wks and 6 days 3rd tvs dun plang nagpkita with hb na...rest k lang muna miii and wait sa pperfect time😊

Thành viên VIP

magpa-tvs ka ulet after 2weeks mi, maaga pa kase masyado eh. ganyan din ako sa 2nd baby ko. 2 times nag-pt, positive pareho at wala pa nakita nung 1st tvs ko, pero after ilang days nagpa-tvs ako, may hb na si baby 😊

ako kahapon, 5weeks and days wala din nakita. wala din ako signs na pag susuka compared sa dalawa ko. meron yan tatlo pt positive sakin. 🙏 pray tayo mamsh

Try nyo na lang po ulit later, baka masyado pa maaga. Sakin 9 weeks lagi ako nagpapa-first ultrasound, pelvic/ abdominal na lang rin.

Salamat po sa lahat ng inyong mga encouraging words..it boost my confidence na makita na talaga si baby.. Salamat mga mommys

Thành viên VIP

Kung ganyan po eh ingat muna kau sa mga kinakain nyo at mga activities nyo. Bka masyado pa kc maaga kaya wala pa sac.

masyado pa atang early ang pregnancy ninyo. antay antay lang po pag mga 2 mos na po

Saakin namn puro negative at wala dn sa tvs ko pero almost 3 to 4 weeks na Ako delay

1mo trước

Wala nmn sinabi ng ob ko kc makkta nmn Ata Nila sa ultrasound