30 Các câu trả lời
Yes sis. First trimester naglilinis ako sa bahay ng husband ko pero during sometime napansin ko sobrang bilis ko ng mapagod at masakit katawan after maglinis. Ngaung 19th week na ako nd na ko masyado gumagawa ng mabibigat na workload sa bahay sis. Nagluluto lang at konting walis at di mabibigat nililift. Inadvise na listen to your body sis. Pwede ka magwork basta make sure di ka nasstress at never magbuhat ng mabibigat at mag iingat na wag madulas, madapa or mainjure/sprain.
Ako po 11 weeks preggy , nung minsang maglilinis sana ako nadapa ako paupo . Sobrang sakit ng pwetan ko . Yung buto yung natamaan hanggang ngayon hindi pa ko maka-kilos .. Buti na lang hindi po ako dinugo , pero takot na takoy ako nun , doble ingat na lang po siguro kung no choice ka na.
Opo naman, ako nga nun naglalaba pa ng mga comforter, peru pinatigil ako ng partner ko nung mag 4months na haha.. basta safe naman ang pagbubuntis mo okay lang, wag lang magbubuhat ng mabibigat till 5months kasi prone padaw dun si baby na malaglag ganun advice sakin ng mga nanganak na..
yes... wag lng yung mga mabibigat na gawain.. na gagamitan mo pa ng pwersa maxado.. ok na yung tamang walais walis momsh.. kung gusto mo mag redecorate ng bahay nio patulong ka sa lalaki.. na kayang magbuhat at magmove ng mga bagay bagay..
Yes, okay lang naman mommy as long as wala naman complications ang pagbubuntis mo. Naglilinis din ako before ng bahay namin kahit buntis ako, make sure lang na wag masyado magpapakapagod at take a rest in between paglilinis.
Yes, Mommy! Para may exercise ka din at hindi ka mamanas pero basta wag lang magbubuhat nang mga mabibigat. Mag mask kapag pag pupunas at magwawalis. Mag ingat lang din sa hagdanan kapag papanik at bababa.
Yes pwede basta hndi maselan ang pagbubuntis. At wag masyadong pagurin ang sarili, mas less na po ngayon ang galaw compared before na hndi kpa preggy and extra ingat na din 😊
Basta kaya mo Momsh. Ako kasi hindi pa, 13weeks preggy here. Sobrang hingal ako sa konting galaw ko. Ang bilis ko mapagod at nasusuka agad sa kahit anong maamoy.
1-9months ako gawa lahat, bilis ko lng nanganak, as long as hndi ka maselan bakit dika gagalaw diba.
Ok lang po pero wag nyo pwersahin lalo kpag nakkaramdam k ng pagod higit sa lahat wag magbuhat