suhi daw po baby ko :(

Hello po mommies . FTM here . 21weeks preggy po . Kakapa check up lang namen kanina ulit. Kaso sabi ni doc. Baliktad daw baby ko , nasa taas ang ulo tas nasa may bandang puson ko ang paa . Posible po kayang magbago pa posisyon ni baby? Tas ano po mga dapat gawin para ma normal po ang posisyon ni baby , natatakot po ako :( sana po matulongan nyo ko . Thankyou

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

On my 32nd week po breech din si baby ko pero sabi ng OB ko lagi lang daw patugtugan ng music sa may bandang puson para habulin nya yung sound and umikot sya + laging kausapin and pray. Thank God before sya lumabas last April 25 cephalic na sya. 😊 You can also do that Mommy. May mga videos din sa youtube that might help.

Đọc thêm

28 weeks (7 mos.) po ang ikot ng baby .... 21 weeks ka palang po...... malayo pa po yan.... kaya may pag asa pa na umikot baby mo.... kabahan ka po kung 8 mos. Na or 9 mos. D pa naikot baby mo... kac malaki na c baby mahirapan nang umikot.. kausapin mo lang po c baby mo na maging normal ang delivery mo

Đọc thêm

Maaga pa sis pwede pa siya umikot. Pero pag malapit lapit ka na try mo magmusic sa may puso mo o kaya flashlight sa puson mo lagay pwede na sundan yon. Effective yon. 34 weeks and 2 days na ko feel ko na sipa niya sa may ibaba ng breast ko pero di pa ko nagpaultrasound kung ano na posisyon niya.

Yes sis. Suhi rin baby ko before, ngayon 30 weeks na ako cephalic na siya. :) Kausapin mo lang sis si baby. May iba na tinatapatan ng ilaw or nakikinig ng music para ifollow ni baby (not sure if paano yun, akin kasi usap lang talaga hehehe)

21 weeks ka pa lng naman mommy maaga pa iikot pa yan si baby. Minsan kahit 8 months na suhi parin si baby pero pag malapit na due mo iikot yan. Tapat mo sa tyan mo ung music mommy pra umikot siya yan ang advise sakin

Thành viên VIP

Aq nga 30 weeks na suhi din c baby kaka ultrasound lng din nmn nkaka stress kc normal lang aq qng manganak auq ma cesarian at gngawa q lahat pra bumaliktad sana makinig sya skin pra d aq mahirapan manganak😞

28 weeks here and kinakabahan rin ako. Checheck pa daw next month kung umikot na. Sabi naman ng OB and iba iikot pa naman daw. Kaso nagaalala ko baka lumaki na and mahirap umikot si baby. 😔😔

maaga pa po, pwede pang umikot si baby mo. ganun din ako ng una.. kausapin mo po si baby mo na umikot at try nyo po maglagay ng music sa babang part para daw sundan ni baby nang marinig nya.

Thành viên VIP

dont worry mommi mag babago pa yan 21 weeks palang, :) iikot pa yan. baby ko breech dn nung ultrasound nmin ng 6Mos, tapos etong april 27, cephalic na sya... :)

kausapin m nalang si baby mo momshie .. matagal pa naman kaya pa yan ... buti ung akin puro cephalic talaga sya 1st hanggang ngaun 37 weeks na ako