‼️ STREAK CHALLENGE WEEK 3, DAY 5 ‼️ Make sure you complete a 5-day streak to get a chance to win!

Hi moms! Welcome to Day 4, Week 3 of our streak daily challenges! Just answer this question, momshies: ✨Kung may isang araw kayo para mamuno ng bansa, anong batas ang ipapanukala nyo?✨ For a chance to win, make sure you have a five-day streak ka hanggang Friday, Jan. 24. Pwede kang manalo ng 350 app points! If you don't complete this week's streak, kahit ikaw ang napili, we'll pick a new winner. Sagot na, moms!!! Curious kami kung ano ang answer niyo, mga madamshies! 👇

‼️ STREAK CHALLENGE WEEK 3, DAY 5 ‼️ Make sure you complete a 5-day streak to get a chance to win!
12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

If ako maging Presidente I ban ko ang lahat ng galing sa China, Yung mga congressman at senator tatangalan ko ng access sa budget unless maganda nmn ang kanila gagawin project at resonable (tignan natin cnuh tlga masipag), Then Healthcare for all citizen hindi lang mahirpa pati OFW and private sector. Hindi ko din paasahin mga tao sa ayuda taging Senior, mga buntis/mga nanay n my anak at studyante ang my ayuda (yung necessary like food pack, milk, school supplies, and uniform) para hindi lahat ng pinoy aasa sa government AKAP,AYUDA, AT 4PS.

Đọc thêm

kung may pagkakataon akong pamunuan ang isang Bansa ng isang araw nais kong maisabatas ay yung pagkakaron ng trabaho para sa lahat ng walang halong diskriminasyon at makatarungan pasahod sapat para makabuhay ng isang pamilya.. marami sa atin dito sa pinas ang nais magtrabaho subalit sa taas ng standard ng ibang mga kompanya Ultimo dishwasher ay kailangan college level/graduate pa ang hinahanap kung kayat higit na marami ang nangingibang bayan umaasang sa knilang paglayoy makaahon man lng sa hirap ang kanilang mahal na pamilya...

Đọc thêm

Mabigyan ng pangkabuhayan ang mga tulad kung full time mom na walang naman maipangpuhunan.Dahil bilang isang fulltime mom gustong gusto ko tumulong sa asawa ko lalo na sa gastusin namin sa araw araw .Ngunit dahil na din sa baba ng pasahod ay di naman ako magkaroon ng puhunan kaya ang ipatutupad ko ay bigyan ng panimulang puhunan ang mga full time mom na gusto magkasmall business gaya ko

Đọc thêm

kung bbgyan Ako ng pagkakataon mamuno sa aying bansa kahit Isang araw lng Ang una kung ipatopad ay ang lahat ng senior citizens automatic my matatanggap pag tong2x ng 60 Hindi ung Pinipili pa o naka pila.para nmn pag tumanda tayu mga momies khit d n tayu pansinin ng mga anak natin kaya parin nating bumili ng ulam at kanin kc my bwan2x tayu na tatanggap.

Đọc thêm

kung bbgyan ako ng pagkakataon na pamunuan ang bansa gagawa ako ng batas na naglalayong paigtingin at bigyan ng pansin ang seguridad ng buong bansa, bumili ng malalakas na armas pang dagat at panghimpapawid, advance weapons and machinery at i mandatory ang training ng bawat pilipino. ito ay para maging desiplinado ang ating bansa.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Kung ako ang mamumuno ng bansa sa loob ng isang araw, ang unang batas na i-a-approve ko ay ang pagkakaroon ng libreng healthcare at educational support para sa lahat ng bata, lalo na ang mga nasa marginalized communities. Dahil ang pag-alaga sa kalusugan at edukasyon ng mga bata ang pundasyon ng isang maunlad na bansa.

Đọc thêm

kung may isang araw ako para mamuno, ang unang batas na aking iapprove ay ang libreng edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo since wala na tayo magagawa sa inflation ng bansa. magkaroon ng ganitong batas ay malaking maitutulong sa mga magulang lalo na mga sumasahod ng below minimum to middle employees.

Đọc thêm

Batas na una kong gagawin maging pantay pantay ang binibigay na benepisyo sa mga buntis. Hindi porket single parents ka lang sila lang priority paano naman yung mga need din ng assistance na may pamilya. Opinyon ko lang to 😊

Influencer của TAP

Batas para magkaroon ng maternity fund ang mga nanay kahit anong status mapa single or married. Katulad sa ibang bansa na 1 year benefits ang nkukuha ng mga bagong panganak.

Siguro alisin yung mga kurakot. Sobrang rampant na nila ngayon talaga at tayong mga nasa laylayan ang nadadamay sa kasakiman nila sa resources. Haaaay.