Nalulungkot ako

Hello po mga mommy.. Normal lang po ba na malungkot after manganak? 9 days na po si baby ko.. nalulungkot po ako sa maraming rason.. feeling ko po kase namimiss ko yung asawa ko kahit na andito lang naman sya.. parang namimiss ko po yung kaming dalawa lang.. yung bonding namin dalawa.. feeling ko din na pagod na pagod na sya.. dahil kaylangan nya magwork.. tapos ako wala manlang ako maambag.. di ko rin kase mapadede si baby sakin dahil mahina ang gatas ko.. masaya naman ako na kasama na namin si baby kaso sobrang nalulungkot talaga ako mga mi..

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same feeling mie from bago panganak until ngayon 2 months 3 weeks, pero nilalabanan ko mga negative thoughts kasi naka apekto sa gatas. pinipilit ko talaga mag pa breastfeed kahit ano vitamins at pagkain nakaka dagdag gatas ginawa ko kasi yon lng ambag ko kay mr. mas mura bumili ng mga lactation kesa formula. keep strong mie post partum depression yan.

Đọc thêm
2y trước

thank you po