Medyo Malungkot
Mga mamsh ttc kami ni husband been taking folic acid since October till now. Medyo nalulungkot ako kase parang di ata na epek si vitamins. I wonder if mag ka baby pa kaya ako. Ramdam ko na si dalawa paparating na siya. Sana di na tumuloy. Medyo nalulungkot ako kase feeling ko wala yata talagang pag asa.
Sana makatulong to Sis: 1. Dont pressure yourself pati si hubby. Walang stress dapat, kasi the more na nasstress o pinipressure nyo, lalong di nangyayari. affected lahat ng hormones at body functions nyo pag ganun. Go magvacation, magpassage, pamper yourselves po 2. Enjoy one another. Love making is not just about sa pagbuo ng baby lang. kung sole reason nyo bakit kasi nagsesex is para lang makabuo at nalilimutan nyo na ang enjoyin ang isat isa, wala rin 3. Have a check up sa OB or fertility Dr for proper advice 4. Trust God's timing po. minsan may dahilan ang Panginoon kung bakit yung mga gusto natin e di oa nya ibinibigay ngayon. May oras ang bawat plan ni Lord sa atin 5. Always pray. Lahat ng yan ay based sa experience ko at ni hubby. We had our stillbirth baby 3yrs ago, 1 month na lang nun ilalabas ko na sana, and after that tragic part of our lives, we decided na wag na munang mag baby sa sobrang takot namin na baka maulit. But then last year, 2nd death anniv ng baby namin, we finally moved on (di namin nakalimutan yung Angel namin pero masasabi naming we are ready na emotionallu, physically sa lahat) so we decided na magbaby. Every month bigo kami konting delay lang PT ako agad tsaka isip ako ng isip kaya parang nagccreate na yung body ko ng pregnancy symptoms pero di naman pala ako buntis, umiiyak ako nun sabi ko nun bakit yung una kong baby sobrang bilis nabuo, isang try lang, bakit ngayon hirap ako, bakit kahit anong sunod ko sa calendar, sa discharge at lahat ng signs na fertile ako, di kami makabuo (pareho kaming walang problema upon check up). I became frustrated at umiyak na ko kay Lord nun, sabi ko hahayaan ko na lang na Sya ang magbigay kung ibibigay nya.. Ginawa namin nagenjoy na lang kami magasawa, nagtravel kami, nagleave, nagpahinga sa lahat ng stress, nagpamassage and all. basta di namin inisip na kung magkakababy pa ba kami ulit, basta okay na samin yung kaming 2 na lang nung time na yun kung yun talaga ioagkakaloob. sa amin. then after that bigla akong nadelay ng 2weeks na, actually di ko namalayang delayed na pala ako nun kasi working na ulit nun, sabi ko baka stress lang dahil pagod nga sa work. hanggang sa nagsusuka na ako, nahihilo, walang gana kumain, laging inaantok at masakit ang ulo, ang baho na ng pangamoy ko sa lahat. dun ko narealize na di lang ako basta delayed lang, so nag PT ako, at sobrang iyak at saya ko nang makita ko yung 2 clear lines at sa month pa kung kelan ako nabuntis din noon sa 1st baby ko nangyari. Now Im 31 weeks going 32 na, at take note, yung edd ni baby ko ngayon, ay same na same ng edd ng baby Angel namin noon. Kaya super duper naniniwala talaga ako sa plano ng Panginoon. Godbless you and baby dust po. Stay faithful to the Lord, Sis. 🙏🙏🙏
Đọc thêmhi momsh.,,try nyo poh paragis capsule ng nature...ako ndi po ako nagfolic acid,,after a month using paragis,without any expectation na mabubuntis ako agad at 35yrs old first time mom., pero binigay pa dn ni Lord 😊🥰..,,nawalan dn kc ako ng pagasa na magkababy kaagad dahil may hyperthyroidism kami same ni hubby..,but thanks God biniyayaan nya kami
Đọc thêm