wakwak/aswang
hi po mga mommies, Yung kapit bahay kasi samin d alam na buntis ako tapos nasa labas ako ng bahay ng hapon naka upo tapos yung kapit bahay namn tumabi sya "Sabi nya nung nakaraang gabi dumaan ako dito nakarinig ako ng wakwak/aswang may buntis" tapos paulit ulit nya sinasabi sakin "may buntis" totoo po ba ang wakwak? o naniniwala po ba kayo dyan?
Nung first trimester ko sobrang takot ko nun konting kaluskos lang takot na ko 🙏🙏 tapos sabayan pa ng mga weird na panaginip kesyo may babae na kukuha ng baby ko sa kanya daw, nakakita ako ng patay sa panaginip ko kumakaway pa sa bintana, kapitbahay namin nakakita ng pusa sa bubong namin malaki daw(dito di ako masyaso naniwala) nasa bangka ako tapos may kasama ako lalaki sa bangka kinukuha din anak ko(panaginip din) kaya everytime nagigiging ako umiiyak ako o kaya niyayakap ako ni hubbyF ko ng mahigpit tapos pinapakalma kasi umiiyak daw ako kahit tulog... Ayun kumakalma naman ako.... Ngayun 2nd trimester minsan may nakaluskos pa sa bubong namin minsan kalampag kinakabaha pero ang ginagawa ko yung radyo ng isang cp ko pinapatugtug ko nakakarelax❤..... Nanay ko naglagay po pala ng nakabaliktad na tingting sa bintana ko may dalawang pulang tela na may lamang bala at yung isang naman may bawang at konting orasyon na din...(mabuti na nag iingat kahit 2020 na😂😂😂✌) pero pinakamabisa PRAY kay Papa God po... Di talaga maiwasan minsan kabahan konti pero keribels naman... 22weeks here😂😂😂😘 haba na ata comment ko k bye😂😂😂😂
Đọc thêmnong first trimester ko, wala akong kasama dito sa bahay. Yong LIP ko weekly shifting ng duty niya morning at evening ang palitan. Pagweek na pang gabi shift niya hnd ako makatulog, may naririnig tlga ako. Worst pa pumpasok sa panaginip ko. Nakakakilabot. Inaabot na ako ng umaga dahil ayoko matulog. Sinasara ko lahat ng bintana kahit mataas at may bakal, pati pinto sa kwarto sarado, kahit sobrang init tinitiis ko. May naririnig tlaga kong kalabog at huni kahit nasa manila at malapit sa highway. Naiyak pa nga ako one time. Nanaginip ako nasa gilid lang daw namin habang tulog kami. Muntik na akong binangungot.Dinaan nalang niya ko sa comfort wala daw aswang sa mnila. Hahanapan daw niya ko buntot ng pagi, hanggang ngaun wala pa. haha. Buti naka lockdown andito tito niya, so far wala naman na akong narrinig baka dahil may kasama ako.
Đọc thêmAKo Po narasan kupo ung gising naman ako peru di ako makaGalAw ..savi nila inaaswanG daw po akO nOn ..takot na takot ako kc nag.iisa ako sa bahay namin kc daling araw ang trabaho ng asawa Ko wala akong kasama taPos nUnG time na nakagalaw ako ksi nagdasal ako sa isip ko 😇kaya wag natin kalimutan magdasal bgu matuLog..... sobrang pawis ko tas kabang kaba dibdib ko andon kC ako sa pintu ng likod bahay namin kc nga SoBranG init kYa dun ako humiga..simuLa nong nanGyaring uN dina ako nakakatuLoG kpag walanG iLaw taPos paG aalis asawa ko pinalilipAt nia ako Sa SalaS namin..😔😔 dalawa pa naman kming buntis kapit bahay namin buntis din...taPos may kapapaNganak pa...😭😭
Đọc thêmYess..PO totoo na may aswang ..pag may Buntis...kasi Ang mga Buntis parang langka,mabango at Hindi namn Yan lalapit kapag may lalaki Kang kasama kasi takot Yan sila SA mga lalaki..😊 dito NGA samin gabi2x ko nlng na ririnig Ang wakwak😅at Hindi Naman ako nattakot dahil kasama ko hubby ko🥰atchaka pag natutulog ako palagi akung nkatagilid at magsuot Karin Ng damit na itim pag Gabi para Hindi nila Makita Yung tiyan mo😊at dapat Hindi ka nakatihaya Kung matutulog😊
Đọc thêmActually, it's true. Sometimes di natin daw namamalayan kasi tulog na tulog tayong mga buntis😅 naka experience ako niyan. Noong buntis ate ko sa first baby nila talagang ang lakas at parang di pusa ang apak sa bubong namin😂 simula noon naniwala na ako atsaka ang tyming kasi ang daming buntis dito noon kaya talaga tiba tiba siya pero tapang parin nang papa ko hahahahaha ayun bumabalik nga noon eh pero hindi parin nagtagumpay😂 hahahaha
Đọc thêmyes po totoo po yn base on my experience nsa metro manila ako pero nung pinagbubuntis ko pnganay ko dati nagstart umaligid ang tiktik sa bntana ng kwarto nmin mga 1am kya snbhn ako ng mother ko mglgy ng asin at bawang sa bntana plgi at isara ang kurtina . mlkas sila makaamoy at pg nsa baba dw ang ingay nsa taas dw ang aswang pero og nsa taas ang ingay nsa baba po ang aswang nsainyo pdin po kung mnnwala po kyo 😊😁ingat po
Đọc thêmTotoo to sis buntis din ako kaso di rin alam ng kapitbahay namin, nagkakalampagan yung mga bubong nila tas pag tinignan pusa lang na itim. Buti ngayon nawala natatakot din kasi ako wala pang may alam na buntis akk
Naku sis baka aswang kapit bahay niyo. Pero para sure n wlaang makakalapit sayo kuha ka ng kapirasong pulang tela. Tas lagyan mo ng bawang/asin/bigas saka mo tahiin tapos palagi mo yun kasama saan ka man magpunta wag mo ihihiwalay sayo. Tapos kapag matutulog ka lagyan mo ng walis yung bintana nyo nakabaliktad ang pagkakatayo wag mo aalisin yun. Tapos lagi mo sasabuyan ng asin ang bintana niyo or bubong para di sya makalapit sayo.
Đọc thêm1st pregnancy ko paranoid ako nyan, ung pinsan ko which is mgktabi lng kmi ng bahay sinasabihan nia ko ng "aga daw my nangwakwak skn kahapon" ganern. The thought plng makes me even terrified. But now on my 2nd pregnancy, d nko nabobother, ako nga lng mag isa sa room ko ntutulog most of the time kc weekends lng ako nauuwe smin due to work, weekdns lng dn kmi ni hubby ngkakasama. Just pray, prayers will shield you.
Đọc thêmRecently napupuyat ako sa mga galabog sa bubong ng kwarto ko.. My sisters told me magsasaboy sila ng asin at bawang sa paligid ng kwarto at labas ng bahay to prevent "aswang". Ang hirap maparanoid. Mas nakakapuyat knowing posible na mategi ka because of "aswang" haha. Ngaun wala na masyado galabog, and I tend to not think about it. Masstress ka lang.
Đọc thêmTotoo po yun..Ako rin lagi may bisitang tiktik, may time pa nga na 10pm palang pero kinukutkut na nila ang bubong namin sa mismong higaan kopa...Ginising lang ako ng LiP ko at pinatagilid ng higa tapos tulog ulit😅bali wala lang sakin antok ako ee😅😅Tapos pinag kiskis lang ng lip ko yung mga kutsilyo na nasa tabi ng higaan namin
Đọc thêm
Mommy of Althea