wakwak/aswang

hi po mga mommies, Yung kapit bahay kasi samin d alam na buntis ako tapos nasa labas ako ng bahay ng hapon naka upo tapos yung kapit bahay namn tumabi sya "Sabi nya nung nakaraang gabi dumaan ako dito nakarinig ako ng wakwak/aswang may buntis" tapos paulit ulit nya sinasabi sakin "may buntis" totoo po ba ang wakwak? o naniniwala po ba kayo dyan?

40 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mag saboy ka ng asin sa harap ng bahay nyo sis every night. One time kasi dito sa amin may bigla kaming naamoy ng hubby ko na kakaiba ang sabi nya may aswang daw kaya pinagsaboy nya ko ng asin sa labas naglagay din ako ng bawang saka asin sa bintana namin after nun nawala yung mabahong amoy.

5y trước

ahh ganun po ba sge gagawin ko Yan salamt sa advice sis

Totoo yan..na experience ko yan sa isang probinsya ng visayas, nagbakasyon kmi dala ko 3months baby ko nun..one time madaling araw nun may dumapo sa bubong nmin, nagsitahulan yung mga aso, pra syang malaking ibon na umiingay, aalis mmya babalik na nman sa bubong.. sabi nila tiktik daw..

yes i believe that... and ngayon nga n preggy ulit ako may nkakalat n asin sa bhay nmin... sa loob at labas... at di ako plalabas ng bahay... kung lalabas nman ako nka itim n damit ako... o may nkasapin n itim na tela sa tyan ko...

Ano magagawa ng aswang? May bakal mga bintana namin tapos screen, paano siya makakaaligid😅 30wks na ako pero kampante naman ako matulog minsan nakalabas pa tyan ko.. sa village kami nakatira, metro manila.

Thành viên VIP

As much as possible po if meron nga wakwak o aswang precaution nalang po wala naman mawawala if maniwala. Magsuot nga itim na damit or yong bintana ng bahay noyo lagyan ng bawang at asin or kalamansi

Thành viên VIP

Totoo po yun.. May naririnig din ako ekk ng ekk ekk from 1am to 3am .. 2 months palang akong preggy that time. Naglagay kami ng asin sa bintana ngayon medyo tahimik na sana wag na sya bumalik🤣

Thành viên VIP

Totoo man o hindi, naglagay pa din ako ng bawang sa bintana namin. Hehe lagi kasing nagigising ako ng madaling araw nagwawala yung mga aso namin dahil sa mga pusa sa bubong mula ng nagbuntis ako.

ina aswang din ako ngayon lage ko naririnig yong boses na tiktik gabi gabi kaluskos sa bobong namin.. naglagay na ako ng bawang ...nanjan pa rin..ayaw mawala wala..

Sa provinces sure na meron, kapitbahay mo pa na old na talaga. Pero dito sa taguig 5months tyan ko now so far wala naman ako nararanasan. At sana wag naman hahahaha

yes totoo noon inaaswang ako lagi puyat asawa ko kkabantay minsan sinasbayan ko sya mag bantay d ksi ako mkatulog pero simula nung nag lockdown d na ko inaswang

5y trước

Nag ECQ din ang mga aswang, takot magka virus😂😂😂