Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Soon to be mommy..
NESTOGEN USER
Hi mommies, sino po nestogen user sa inyo? Pwede malaman anong normal poops ng lo ninyo? 3mos na baby ko trinay namin mag nestogen kasi ayaw na niyang dumede sa bonna. Okay naman ang poops niya sa nestogen, once or twice a day kaso parang basa? tapos may parang seeds? normal po ba yon? Pasagot po pls. Thank you.
LIGO TIME
Mga mommies, yong lo niyo po ba takot sa tubig everytime mag bath? Ang lo ko kasi 3weeks na pero sa tuwing liliguin grabe umiyak, maligamgam na tubig naman pinapanligo namin sa kanya. Sana habang tumagal magustuhan na niya ang tubig.😔
BIRTHING STORY
Long post ahead. CERIE P. DIANASAS EDD:SEPT 21 DOB:SEPT 08 NORMAL 2.6 KILOS im officially a mom. ☺ Sept 7 check up ko at 1cm p daw. Sept8 1am sumasakit na yong puson ko at every 10-12 mins ang interval. Hindi na ako nakatulog sa sakit. 10AM every 5-8 mins na ang interval niya. Naiiyak at luha na ako sa sakit kaya nagpdala ako sa lying in around 1pm kaso 3cm pa daw. Uwi muna baka madaling araw pa ko manganak.Hnd ko expect na sobrang baba ng pain tolerance ko. Kaso sobrang sakit na tlga. Feeling ko hihiwalay na yong balakang ko. Sabi ni lip gabi na kami bumalik pero dko kaya. Lumuluha na ako sa sakit at nginig na buong katawan ko. 4Pm nagpdala ulit sa lying in. Diretso Dr kasi kala manganganak na pero 6cm pa lang kaso pagtayo ko tumagas andaming dugo kaya admit na. Nagsalpak ng primrose at swero na. Practice ire sa may upuan para tumaas daw agad cm ko. Kaso kapos ako sa hangin hnd ko mafeel yong matatae na ire. Tulo luha na ako pero d ako umiyak. Lupaypay na,walang lakas at gusto na pumikit ng mata ko. Pero ang tiyaga nila sakin kahit lumulubog na ako sa sahig. Tapos nagsalpak pa ulit ng primrose hanggang sa humilab ng humilab. Kaso dko mailabas labas si baby kasi kulang ako sa hangin bumabalik siya sa loob. So nagdecide na sila tulungan ako. May dumagan sa tiyan ko at may tagahawak sa hita kasi ubos na lakas ko. Sabi ni doc, dasal bago ire. Hindi ko mabilang ire ginawa ko hanggang mailabas siya. Sa isip ko kelangan na niya lumabas. And at 7:12pm baby's out. Super worth it lahat ng sakit at hirap. Nagtatawanan na kami sa loob ng dr after lumabas ni baby. Im so happy kasi ang babait nila. Cordcoil po si baby pati paa niya napulupot din pero ang strong niya kasi never siya na stress at ang lakas padin ng heartbeat kahit hirap na hirap akong ilabas siya. pero yong tahi ang sakit pala tlga. 😁 Kaya to all waiting moms, goodluck and Godbless. Kaya niyo din yan. ☺😊.
SOBRANG HIRAP MATULOG
Sino po dito kabuwanan na? Nahihirapan din ba kayo matulog? Sobrang hirap makakuha ng tulog. Kahit matulog ako ng maaga nagigising tlga ako ng 1am tapos makakatulog na ulit ako ng mga 4am. Minsan naman yong tulog ka na parang hindi. Yong parang lutang. Minsan naman as in walang tulog tlga.😭😭 Sa araw naman kahit sobrang antok d padin ako makatulog. 38weeks na ako bukas tapos check up. Baka mababa na naman dugo ko.
POOP
Mga sis, normal po ba nakakapoop ako 2-3x a day? wala naman po akong LBM. Sadyang tintawag lang ako ng kalikasan. 😂😅 37weeks&1day. Sign din ba ito na malapit na manganak?
SINOK NI BABY SA TUMMY
Normal lang ba na sa isang araw 3-4 times na parang sinisinok si baby sa tummy? Feeling ko tlga sinok kasi rhythmic yong pattern. Everyday ko po siya nararamdaman. Ako lang ba nakakaramdam nito? Madalas sa hapon o gabi, madaling araw o morning na. 35weeks na po ako. Sana may sumagot. TIA po.
AKO LANG BA?
Schedule namin mamili ng kulang na gamit ni baby sa labas bukas. Ako naman excited kasi sympre iba yong feeling na nahahawakan at nakikita mo yong gamit. Kaso simula kanina hanggang ngaun d na ko matigil sa online shop. Gusto ko pa tuloy mag add to cart ng madami kahit lalabas naman kami. Dko mapigilan magbrowse. Ang damu kasing cutie na gamit. Hays. Ganito pala ang feeling ng FTM. 😂😂😂🤗🤗🤗🤗
FETAL WEIGHT
mga moms, 30weeks na po ako. Lastweek yong result ng utz ko si baby ay nasa 1.4 grams. Sa tingin niyo po kaya ko ma sustain na nasa 2+ kls lang siya hanggang manganak ako?Medyo natatakot kasi ako lumaki siya masyado. Hnd naman po ako palakain ng rice at sweets kaso napapadalas ang tulog ko sa tanghali ngaun, dko mapigil.😔Nkakalaki po sa baby yong tulog? Madalas 2hrs yong tulog ko sa tanghali.
Cephalic position
Kahapon nagpaultrasound ako. Nakacephalic position na si baby. Pero nagdisclaimer si doc, sabi niya cephalic sa ngayon pwede pa daw magbreech position ulit. May tendency po ba tlga na ganon?. Matutuwa na sana ako kaya lang nahaluan ng pag.aalala. 29weeks na po ako.
PHILHEALTH
Mga moms, sino pong nanganak ng first baby sa lying in?ask ko lang if nacredit po ba yong philhealth ninyo? Dito po kasi sa pinapacheck upon ko ang sabi sakin nong staff pag first baby daw hnd sila tumatanggap ng philhealth kasi dapat daw po sa hospital pag first born. Sino po may same case? Gusto ko lang po malaman. Bale nxtmonth pa po kasi balik ko kaya don ko pa lang makaclarify kay doctora.Salamat po sa sasagot.