Suppository

Hello po mga mommies. Tanong ko lang po kung sino na po sa inyo nakagamit n ng vaginal suppository? Masakit po ba? Kayo po ba mismo nag iinsert o mga asawa niyo po?

Suppository
57 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

nung sakin po ako lang , every time na ipapasok ko siya medyo nakakaramdam ako ng kunting kirot kasi malamig , hehe tapos ang nakaka inis lang sa kanya kasi palaging madumi yung panty ko kaya palit ako ng palit sguro kasi pag natutunaw na siya lumalabas

hindi po yan masakit. ipapasok mo lang po talaga sa loob ng pempem mo. laliman mo at dapat before bedtime. dapat nakaihi kana ksi pag tumayo ka ng nakainsert na yan, malalaglag. masasayang ung gamot. btw, ako lang din po nagiinsert sa sarili ko. :)

Ako po nung first tri ko. Normal lang din naman po, yung asawa ko pinag iinsert ko momsh. Insert mo sya bago ka matulog lagyan mo unan yung pwetan mo tas siguraduhin mo na nakaihi kana para di kana tatayo kasi lalabas yung gamot

Niresetahan dn po ako nyan 2weeks ago. Hnd sya masaket. Medyo uncomfy lng ung lamig kase dapat galing freezer. Ako lng din naglalagay. Just make sure na pasok na pasok ang paglagay para hnd masayang at manging effective

Gumamit din po ako nian, simple tip lang po. ilagay nyo po muna sa ref, bago insert dahil sobrang bilis po matunaw sayang naman.. bago matulog din po ang paglagay para sure na nakahiga napo.. ako lang po naginsert. (:

Usually po hahapdi lang siya sa 1st-3rd application mo kasi dun po yung madaming bacteria. After po, uncomfortable nalang pero di mahapdi. And di rin po mahapdi pag pinasok basta relaxed lang po 🤗

Hindi naman po masakit, malamig lang sa pakiramdam 😁 ewan ko kung ako lang pero pagnainsert na sakin napapasarap yung tulog ko, parang may pampaantok ganon 😂 asawa ko po naglalagay.

di namn po masakit kailngan ipasok mo po maigi kasi masasayang sya kung di maippasok ng maigi kasi mattapon lang sya at kailngan umihi ka na muna bgo mo ilagay at matulog..

Hi mommy!gumamit dn po ako ng ganyan nung pregnant ako pero ibang brand. Ung may anesthesia para less ung hapdi pagpasok. Ako mismo naglalagay after magwash before magsleep

Naka gamit ako nyan..sa una parang nakakailang pero masanay ka din..ipalagay mo sya pag magpapahinga ka na para di kana tatayo..tapos lagay ka unan sa bandang pwetan mo..