first time

hello po mga mommies. . first time ko po magbuntis, im on my 10th week, dahil po sa lockdown knina lng po ako nkpagpacheck, my bleeding daw po sa loob kya binigyan po ako pampakapit at bedrest daw muna, cno po dto nkaexperience ng ganun at kmusta na po kau ngaun?

first time
42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Meron din po ako subchorionic hemorrhage nung nagpaultrasound ako 7weeks last Feb. 2...then spotting followed. My ob advice me na magpaconfine na kasi magtuloy tuloy ang bleeding. Then after 3 days nadischarge na ako dahil sa awa ng Diyos nagstop na ang bleeding. Then she advised me for bedrest...tatayo lang kapag popopo at maliligo. Even pag-ihi nakahiga po ako...gumagamit ako ng bed pan. Pati kapag kumain at iinom...nakahiga for 2 months. 5 months na po ako ngayon...nakakapagluto na ako. Pinahinto na din ang pagtake ng pampakapit.

Đọc thêm

Same nun first trimester ko po. Ganyan din binigyan ako ob ko ng duphaston 4x a day and duvadilan 2x a day. Then complete bed rest ako may arinola ako sa tabi ko noon para di ako naglalakad masyado pa cr.. kapag maliligo ako dapat naka upo din so meron kme maliit na upuan for me.. Today i am on my 17weeks 3 days of pregnancy to our rainbow baby. Sunod lang po sa payo ng ob ninyo.. dobleng ingat na din po kase delicate po tlaga ang first trimester. Stay safe and eat healthy.

Đọc thêm
Thành viên VIP

ganyan din ako momshie, 2nd month ko nakita sa transV ko my internal hemorrage ako, my nireseta sakin OB ko, ENDOMETRIN VAGINAL TABLET ang name, iniinsert sya. for 2weeks ko un ginawa every night kasi pag natunaw na sya sa loob ng vagina magleleak sya sa underwear. after 2weeks nagpa ultrasound ulit ako momsh naging ok na. ngayon 33 weeks na ako, ok naman, sabi ni OB wla naman un side effect sa baby.

Đọc thêm

Me po 9weeks 10th weeks may bleeding din ako sa loob same volume 2.1 at 2.0. Ganun din may pampa kapit for 2 weeks 3x a day. Tas bed rest pero dahil di kami lang bahay di rin nakapag bed rest dahil sa mga gawain. Basta iwasan lang mag buhat ng mabibigat, at stress wag din mag puyat. Tapos bawal po yung buko juice lahat ng mga malalamig,matatamis at maaalat bawal. Tas less rice more water at rest

Đọc thêm

Nung 8weeks palang din po ako buntis ganyan din. First time ko rin po. Nag take din po ako ng pampakapit at 2months bedrest ako dahil mababa din inunan ni baby. Okay naman po kami ni baby, 30w2d na po akong buntis ngayon. Ano man po maramdaman niyo, message niyo po agad OB niyo para aware siya. Ingat po palagi at mag pray lang 🙏🏻

Đọc thêm

I have my subchorionic hemorrhage when I was in my 11 weeks po, pero wala pong bleeding then nung 16 weeks na po ako mas madalas na sumakit tiyan ko, binigyan ako ng pampakapit and complete bed rest po as in tatayo ka lang kapag iihi. Less stress din po, ngayon po I'm on my 24 weeks and healthy po si baby ☺️ wala na ding hemorrhage

Đọc thêm
5y trước

Pacheck up kana para mabigyan ka ng pampakapit sa bata tapos bedrest lng

Thành viên VIP

8 weeks po ako nung nag pa 1st trans-v ako, same tayo ng findings with subchorionic hemmorhage. Mag bedrest na po kayo, kasi may possibility na mag bleed kayo. I was working that time kaya nag bleed ako. All throughout of my pregnancy may spotting po ako, kaya on my last trimester nag indefinite leave na po ako to save my baby.

Đọc thêm

Hi same po! 11th week ko po. Nov19 po EDD ko.. same din po tayo, 1st ultrasound may subchorionic hemorrhage o bleeding daw po. Pinainom po ako ng duphaston then 2nd ultrasound wala na bleeding pero may contraction daw kaya tuloy pa din ang duphaston. Bed rest din po ako ngayon. Higa lang talaga. Iwasan daw po muna magkikilos..

Đọc thêm

me nung preggy ako.. hindi ko alam na may ganyan ako kaya napagalitan ako ni OB (wala kasing sinabi sakin yung sono na nag ultrasound sakin) na hindi ako nakapag bedrest.. pero dont worry bibigyan ka naman ng OB mo ng pampakapit.. nabasa ko din before na it will heal naman on its own.. pero syempre dapat ingat pa din :)

Đọc thêm

Ganyan din findings ng OB sakin nung 1st checkup ko when I was 6 or 8 weeks preggy. Niresetahan ako pampakapit (Duphaston) and bed rest for 2 weeks. 😊 I'm now on my 6th month, basta sunod ka lang momsh kung ano ang advice sayo ng OB mo. Wag pastress, bawal magbuhat lalo ng mabibigat at bawal mapagod 😉

Đọc thêm