1st Trimester

Hello po, I feel so useless and unproductive. Ilang araw na ako absent sa work dahil sa selan ko sa pang amoy, pagsusuka, pagkahilo at sobrang nakakatamad gumalaw. Kahit sa bahay hindi ako makapaglinis. Ganun din ba kayo mommy? Nakaka anxious lang 😢#Needadvice #askmommies #pregnancy

19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Although iba iba ang pregnancy it's normal mi same tayo sobrang selan ko din 2 months ako bed rest dahil sa threaten abortion tapos nasundan ng UTI kinailangan ko din magresign sa work para sa safety ng baby ko since FTM ako tapos 8 years pa namin hinintay si baby 13 weeks nako ngayon medyo okay okay na madalang nadin ang pagsusuka and lagi nadin gutom 😅 just be gentle with yourself mi kaya natin to ❣️

Đọc thêm
6mo trước

28 yrs old mi May God continue to keep you and your baby safe and well protected mi 🙏🏻pahinga ikaw mabuti ♥️ Kahit di nako nagbibleeding nakabed rest padin ako thankful talaga ko sa family ko kasi di talaga nila ko pinagkikilos sa bahay kain tulog lang hirap pag maselan yung pagbubuntis di maiwasan minsan na maikumpara ko sarili ko sa ibang kasabayan ko magbuntis sakanila parang wala lang pero okay lang bawi nalang paglabas ni baby ang mahalaga safe mga baby natin ♥️

mi it's normal iba iba ang selan ng bawat babae sa pagbubuntis , wag mo pilitin mi kung di talaga kaya possible po sa 2nd Trimester maging okay ka , same po sakin 1st trimester walang gana kumain ni tubig sinusuka ko as of now na 2nd trimester ko na medyo may gana na kong kumain pero yung hilo at pagsusuka andun parin , gawin mo lang mi yung kaya mo wag mo pilitin kasi makakabawi ka rin nyan stay safe po.

Đọc thêm

wag mu e stress sarili mu ,isipin mu yung safety nyu ni baby.kung pwed mag bed rest ka kasi masilan talaga ang 1st trimester, ganyan din ako ngayon .wag mu isipin mga gawain bahay . pag sabihan mu mga kasama mu sa bahay na sila muna at sana maka intindi sila. At always pray sa kaligtasan nyu ni baby mu.

Đọc thêm

same sakin momshie, may 3 akong maliliit na anak at may hanapbuhay mister ko. tapos ganito klagayan ko ngayon hirap na hirap. mabuti nalang tinutulungan ako sa gawaing bahay at sa pag alaga ng mister ko kahit may hanap buhay sya para lang gumaan ang gawain at pkiramdam ko ngayong first trimester

same po kaya nung 1 month na nalaman kong buntis ako at sobrang selan nagresign nako sa work kasi may hemorrhage pa ako . Pangatlong pagbubuntis kona tska pa naging maselan . Ingat lang palagi for yourself lalo na sa baby mo mahirap ang 1st trimester pero soon makakaraos din 🩷

oky lang po yan . ako nga po nung nalaman kong buntis ako nag resign agad ako dahil alam kong maselan ako mag buntis dahil last yr na miscarriage ako dahil sa palakad lakad ko sa work .. ngaun tambay na lang sa bahay . 7weeks and 5 days base sa app na to at sa OB

Normal lang po yan, same with me, as in parang tumigil ang mundo ko nung first tri, lagi nalang nakahiga since high risk ako, super bigat ng katawan, hindi ako naliligo, nasusuka pag nag toothbrush, pero naging ok na nung nag 2nd tri, malalampasan mo rin yan 💪

Some pregnancies ay medyo maselan and sensitive po. Just ride through it, magiging magaan din yan during 2nd trimester. Dont feel bad na di po kayo masyado makakilos sa bahay now. Your body needs rest to keep your baby safe and healthy.

Mommy, pampalubag-loob po ako almost due na useless and unproductive pa rin haha! Trying to lighten the convo lang :) but remember, your body’s carrying a child, and that’s more than being useful and productive!

Yes! Ako noon iniisip ko pa lang magluto nasusuka na ako. Tapos hahawak pa lang ako ng kaldero nasusuka na rin. It’s okay. It’s normal. Sabihin mo yan sa OB mo para masupport ka nya ng gamot.