24 Các câu trả lời
Don't give him/her formula, hindi maencourage si baby dumede po sa inyo. Maliit pa po tummy nila nasa tip nail lang ng pinky finger mo, ang colostrum ay hindi pa visible sa mata. Hindi din basehan if soft boob ka pa kasi kakapanganak nyu pa lang po. Hindi rin po basehan na kahit nakadede sya sayo iyak parin ng iyak means gutom yan, normal po yung iyak niya kasi nanibago sa paligid niya. 9mos po yan sa tiyan natin, madilim, warm at nacocomfort agad sa boses at tunog ng ating internal organs kaya nagaadjust pa po sya sa new environment din nya. Noong pinadede nyu po ba si baby sa inyo may pupu/ihi na sya within 8-16hrs? Tyaga po magpapagatas, hindi basta2. Unli latch po kasi laway lang ni baby makakasend ng signal sa boob to produce more. Kaya nyo yan, momsh :) Baka gusto nyu po basahin ito to enlighten you.. https://ph.theasianparent.com/unang-tulo-ng-gatas
Once na bumigay kna sa formula.. mawawalan kna confidence sa milk mo kahit mag ka milk ka pa..iisipin mo lagi na kulang, gutom pa, mas madaling patulugin pag formula and etc. Mahirap na mag Sabi na meron Kung wla k nman nkikita and easiest way is formula. Hindi Po tlga madali sa una ,4th day Lang din lumakas milk ko. Kaya dusa tlga 1-4th day ko nang aaway na ko sa hospital. Good thing Lang na may mga doctor na breastfeeding advocate sa hospital Kaya namomonitor baby ko, nakakaiyak talaga. Pagod kana, puyat, masakit tahi, masakit katawan tpos mag aalala ka pa n wla ka milk. Kaso dedication tlaga kailngan and lakas luob✌️ pero nasayo pa rin yan, pa latch lng palatch.makikita mo rin Yan tumulo in 3-5th day.
Mommy, meron yan. Hindi pa nga lang napipiga, pero pag ipa dede mo c baby, may makukuha yan sila. Ganyan din ako, sabi ng pedia nya meron tayong gatas right away, it doesn't have to be visible. In few days, pag lagi nag dede c baby, saka lang yan may lalabas. I was also in doubt when I gave birth, kasi baka gutom na c baby, but my pedia assured me there's nothing to worry kasi may nakukuhang breastmilk c baby. Hanggang sa ma discharge kami, breastfeed lng tlga ako kahit wala ako nkikitang milk na lumalbas, as long as consistent pag poopoo and wiwi ni baby, it means na ffeed mo sya.
Dont worry too much sis,july 9 lang ako nanganak then after 5days pa bago ako nagkagatas meaning kusang tumutulo yung gatas sa dede ko..nagha hot compress din ako minsan before feeding minsan after..massage your breast para walang milk na bumara..inom ka lang lots of water(not cold),eat vegetables and masabaw na ulam like tinola basta with malunggay..then paunli latch mo lang kay baby yung breast mo..yung pic na nasa baba mga breastfeeding supplements ko yan..milo din iniinom ko cguro 3-4x a day 😊
Ganyan din po ako ala gatas na lumalabas first 2 days after manganak kaya iyak ng iyak si baby.. ayaw naman magbigay ng pedia ng formula since yung hospital ko po ay mother-baby friendly hospital.. as long as may ihi daw po ang baby meaning may gatas cia na nakukuha,mahina lang po talaga. Ang ginawa ko po unli latch kay baby then inom po ako ng inom ng water at sabaw..nagpapump din po ako myat mya tapos pinalatch ko din sa asawa ko po. Sa 3rd day madami na cia, sobrang lakas na rin po..
Try and try lang talaga sis. Ipadede lang po talaga kay baby. Pwede niyo rin po imassage yung bandang dibdib niyo at likod niyo. Pwede niyo po isearch sa Youtube kung paano. Iwarm compress niyo po gamit face towel. Inom ng maraming tubig. Yan ginawa ko po yan para magkagatas po. Kaya niyo yan. Magkakaroon din kayo ng breastmilk.
Unli latch lng mamshie.. ganyan din ako buong araw feeling ko wala naman nadedede si baby pero after two to three days ayun lumakas nalang milk production ko.. kala mo lang wala siya na dedede pero meron yan unti unti pa nga lang..
Maglaga ka po ng malungay mommy tas inumin mo kung gstu mo nmn may nbibili po sa pharmacy nkalimutan ko lang po ang name pero gawa din sa malunggay un bsta sabhin nio po na pang pa gatas ng susu alam na ng pharmacys un
Aq din po ganyan pero after 3 days lumabas na po sya ng kisa tuloy mo lang po breastfeeding mo po mommy puro sabaw o gatas inumin mo c baby ngbobite prin kc qlang sa knya mga gatas q kaya continue parin po aq👍🏻
Ganyan din ako dati sis wlang gatas n lumalabas kaya pinadede ko muna sya ng formula ipa dede mo meron yang nakukuha ginawa ko nun sabaw lng ng sabaw ngaun apaw apaw na gatas ko 5mos n pure breastfeed si lo ko.
Sunshine Ejercito