nanunumbat

Hello po, gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Siguro after nito makakagaan na rin sa loob ko kahit ppaano salamat po. First time mom po ako and dito ako nakatira sa mama ko since nanganak ako, 2 mos na si baby. Si hubby nasa malayo kaya dito kami tumitira sa bahay ng mama ko. Ok naman nung una tsaka si mama ngbayad ng pangospital ko. Wala kasi kaming naipon ni hubby, dapat sa public nalang ako manganganak kaso pumayag si mama siya muna mgbayad. Madaming gastos ang baby lalo na vaccines etc. Si mama ang nagbabayad kasi yung tiyahin ko pedia kaya gamot nalang kailangang bilhin. Tapos kaninang umaga out of the blue habang naguusap kami ng kapatid ko biglang nagsabi ang mama ko na, "Magpasalamat kayo kung anong hinahatag sa inyo mapa pagkain man yan. Pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng vitamins, pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng bakuna." Na stunned ako sa mga sinabi nya. Pagkain lang pinaguusapan namin ng kapatid ko tapos nanumbat na si mama. Di nalang ako nagsalita pero naiyak nalang ako sa sama ng loob. Siya may gusto na tumira kami dito dahil sapat na sapat lang ang kita ni hubby at umuupa pa. Iniisip ko rin na kahit mgkalayo kami ni hubby kahit papaano ok lang para makasama ng mama ko si baby pero may masasabi pala na parang labag sa loob nya ang pagaruga sa amin mag-ina. Malaki ang pasasalamat ko kay mama pero sobrang sakit nya magsalita. Tinawag pa nya kaming kawawa ni hubby nung makalawa dahil wala daw kaming pera, umuupa pa at walang ipon. Inaamin ko naman na kawawa talaga kami pero mas naramdaman ko na kawawa ako dahil sa mga pananalita nyang masasakit. Nahalata nya yata na nasaktan ako kaya bigla nyang nabawi pero nasabi na nya. Plano ko umuwi na kay hubby para wala na kami marinig na masasakit na salita, kasi kung si hubby naman tatanungin gusto nya dun kami umuwi sa kanya kahit mahirap ang buhay. Talagang si mama lang nacconsider namin pero may masasabi pa pala. Yung isang tiyahin ko lihim kami tinutulungan financially. Nagaabot paminsan kasi kapag nalaman ni mama siguradong magagalit. Ok lang naman sana kung tipid talaga pero kung makapagwaldas sila ng kapatid ko ng pera minsan kakain sa labas, grocery ng mga tinatambak lang naman minsan nageexpire pa dahil di na makain, pinammigay nalang. Salamat sa mga nakabasa. Pasensya sa mga nainis. Kailangan ko lang po talaga ilabas ang saloobin ko.

57 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Wag sumama loob mo mamsh nakakafrustrate din sa part ng mama mo yan. May sarili na kayo pamilya tapos mama mo padin palagi ang nagpoprovide. Kung matampuhin ka umalis na kayo sa poder ng mama mo. Kung hindi nyo kaya magsarilu tiisin mo mga pangaral ng mama mo para din sa inyo yan. Para matuto kayong magbanat ng buto at hindi asa ng asa.

Đọc thêm
5y trước

Hehe FYI po di po kami asa ng asa. Siya po ang naginsist na dito kami tumira kasi gusto nya naka monitor sa apo nya although umuuwi po kami kay hubby dahil nakabukod naman po kami at nagbabayad ng rent kaya kami kinakapos. Yung vaccines and vitamins lahat po yan siya ang naginsist and thankful ako don. Iba lang tono nya kapag usapang gastos kaya nakakatampo na rin minsan.

ganyan din mama ko e kaya lang ako di ko papansinin masasaktan ako pero hahayaan ko lang kasi kung tutuusin pag nag asawa na dapat di na tayo responsibility ng nanay natin e kaso wala e hirap ng buhay kaya kung may masabi natural lang yan labas sa kabilang tenga nalang dapat nextime mag ipon na kayo para wala kayong maririnig.

Đọc thêm
Super Mom

Ganyan tlaga mga nanay momsh. Ang nanay ko mas worse pa jan, pranka kasi mga nanay at yun po tlaga ang reality. Hug your mom and say thank you, napaka swerte nyo po sa mama nyo. Wag po kayo magalit kasi totoo naman po ang sinabi nya at sa way ng pananalita ng mama mo mahahalata mong she cares for you at yung anak mo.

Đọc thêm

Kailangan tanggapin mo ang mga pagkakamali mo para matuto ka. Walang pagkakamali ang nanay mo kung tutuusin napakaswerte mo dahil lahat pala nabibigay ng nanay mo sa inyo at gumastos man ang nanay mo ng maraming grocery at kumain sa labas eh kasiyahan na nya yun kaya magsikap din kayong mag asawa para magawa nyo rin yun.

Đọc thêm
5y trước

Alam ko ho ang pagkakamali ko na nabuntis ng walang pera at plano sa buhay. Ilan beses na po nasabi ng mama ko yan sa akin at tanggap ko po yun. Siguro lahat naman po ng tao may limitasyon at nasasaktan.

ganun talaga.. okay lang na ma offend ka sa mga salita ni mother...kasi nasa poder ka pa din nya hanggang ngayon at patuloy na sumusuporta sayo sa kabila ng kakulangan nyong mag asawa bilang bagong magulang.. 2Months palang kayo ng baby mo at nasa stage kapa ng PPDepression at yan ang iwasan mo kung maaari.

Đọc thêm

normal lang yan sa nanay ikaw ba naman pa gastusin kahit may partner ka, unplanned pregnancy nga ako with my partner pero kahit wala syang ipon nagawa parin nyang humanap ng paraan para makapag ipon. diskarte tlga kailangan jan sis pasalamat kana lng kay mom mo syempre nagtataka rin yun

ang mga mama ganun lang sila tlga magsallita although d naman ganun mom ko pero normal na un e, kung wala syang care ant walang pakialam d na nya un gagawin sa inyo. isa lang ang mama mo appreciate na lang wag na maging sensitive, biruin at lambingin mo na lang sya pag sinasabi nya un.

5y trước

Yes sis. Salamat sa comment. God bless.

it’s true. may right naman sya dun and sa pagkkakwento mo parang hinde naman in a bad way ung pagkakasabi ng mom mo para sinasabi lng nya na u need to learn how to be thankful. i mean, konting kunswelo cguro hinahanap din nya sau

Kaya ako, inaway ko boyfriend ko Kasi gusto niya dun kami magstay sa bahay NG Lola niya. Eh sobrang sikip dun. At mabunganga Lola niya. Nagbabahay bahayan daw kami. Sabi ko mag condo na Lang kami at hanap na bago dumating si baby.

Wag kasi mag anak Kung walang ipon.... Ilang taon ka na ba? Mama mo Lang cinonsider niyo NG hubby mo? Meaning, siya nakikita niyo as gagastos para sa baby niyo? Huy grabe!!! Tapos ikaw pa galit diyan hahahaha Wala kwenta asawa mo