household chores
share ko lang... pampagaan lang po loob 9 kami family members nakatira sa bahay ng parents ko. kami ni hubby ay nakatira sa bahay ng parents ko, hindi kami makaalis kasi ayaw ng mga magulang ko mawalay ako ( bunso po kasi akong anak) at di ko din sila maiwan kasi naaawa ako sa kanila dahil sobrang tamad po ng mga kapatid ko kahit senior citizen na mama ko at may karamdaman si mama siya pa din ang umaasikaso sa kanila. tinutulungan namin sya ni hubby, hindi na namin pinapakilos pero etong mga kapatid ko wala talaga pagkukusa, minsan nga nagseselos na po ako sa treatment ng mama ko sa aming magkakapatid, kasi nagsabi lang na iempty na trashbin sabi ko mama wait lang ah hinga lang kami, kasi katatapos lang ng isang chores eh si hubby sobrang pagod na din, nagalit agad si mama sa amin. hayyy iniintindi na lang namin ni hubby. huhuh masakit lang kasi pag si ate o si kuya hindi magawa iligpit pinagkainan at itapon ang napkinsa trashbin walang imik si mama pero ako at si hubby na pagod maghapon gumagawa napag initan pa ng ulo ??? minsan gusto na lang namin alisan kaso nakakaawa talaga sila mama at papa ni hindi rin sila pinagluluto at pinaghahainan ng pagkain. wala naman problema sa akin household chords at contributions eh, yung masakit lang talaga eh yung kayo na ni hubby nag eeffort tapos hindi mo maramdaman na naappreciate ka kasi lagi may side comment kaysa magpasalamat pa. ano na kaya gawin namkn ni hubby, kung sino pa yung nagsisilbi sila pang hindi pakitaan mabuti. huhu buti n lng talaga mabait si hubby at mahaba pasensya, minamaliit kasi ng isa kong kuya dahil househusband. kala ba nila madali trabaho househusband... hay pati aila pinagsisilbihan din.. kaasar talaga.. kundinlang nangingibabaw pagmamahal namin sa magulang namin umalis na ako sa bahay nila ???
A loving wife & mom