BYENAN / MY MAMA
Una po sa lahat base kami ng Manila. Parehas kami may work ng asawa ko. Naiwan ang bata sa probinsya. Naku! Diko alam anong set up na gagawin. Every weekdays kay mama every weekend sa inlaws. Mama ko kasi pinaubaya sa mil ko magpaligo sa bata nung newborn kasi takot sobrang liit kasi since preemie baby din tapos sabi pag malaki na baby ko si mama ko naman. Everyday napunta sa bahay si mil. Pero 8mos na si baby, maduga si mil, sya pa din nagpapaligo. Napapansin ko kay mama nagtatampo na.? Napapaligo lang nya kasi si baby pag di makakapunta si mil which is once in a blue moon lang, base sa salita ni mama kita mo sobra tuwa nya pagpinapaliguan nya... Ang duga kasi ng byenan ko, isang beses kasama ako sa check up kasama sila dalawa, hindi na nga nya kaya patahanin ang bata kukunin ni mama, inilayo nya. Pinipilit patahanin, e di pa rin nya kaya. Di nakatiis si mama inagaw ang baby, ayun tumahan agad. Know it all si byenan. Lahat ng sinasabi namin ni mama, lagi may pang kontra sya kahit baluktot. Napansin ni mama sa ugali ni mil na di sya marunong makinig sa ibang tao, opinyon lang nya tama. Maski ako na nanay ng bata parang pinapamukha nya na diko alam ginagawa ko kung makaasta sya akala mo sya lang may alam ng lahat. Kinausap na rin ng asawa ko nanay nya, sya pa naging masama. Bat daw sya tinuturuan mas alam naman daw nya ginagawa nya. ?