For CS moms.

Hello po, ask ko lang sa mga cs moms lagi kacng patayo ang hiwa... Binigyan din po ba kau ng choice kng gusto nyo pa bikini cut?? I have a friend kac nasa abroad tas nabuntis..natawa ung doctor kac Old School daw ung cut. Just sharing. God bless po sa ating mga mom to be?

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

pataas hiwa sakin. tinanong ko ung doctor kung ano ang mas maganda kase ako lang sa bahay so i need to do multiple task at ayaw kong mahirapan ng dahil sa tahi ko. after i gave birth 3rd day ko aa hospital nakaka tayo na ako, nung naka uwi na kami nakaka ligo na ako, wala ng sakit. kahit nga malamig. now sinasakyan ni baby ay kinkabayo walang sakit. kaya kong mag buhat ng 7 litters na galon. i can clean, carry my child, i can do laundry, do heavy stuff. and minakesure ng OB kong malayong bumuka ang tahi ko. and in 10months nag light na ung peklat dahil sa cream na bigay ng OB.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hello mumsh! Ako, yes. I was given a choice 7 years ago sa 1st child ko, it was an emergency CS kaya sa OR ako mismo tinanong ng OB ko, kung nagbbikini daw ba ako, I said yes kaya ayun, low transverse ginawa but then, mas mahal singil. 😅 Then a month ago lang I underwent my 2nd low transverse CS delivery.

Đọc thêm

Patayo madalas kase laging sasabihin emergency CS kaya walang time pagandahin. Pero if planned ang CS pag-uusapan ng OB at patient if bikini cut ang gusto. Vertical cut sa akin kase emergency Cs. Di kinaya na normal. Mas madali syang nag-heal compared sa ibang alam ko na bikini cut ang CS.

Patayo ang hiwa sakin. Di naman ako tinanong ano preferred ko. Reading comments here saying na mas madali magheal ung vertical cut eh alam ko na tama ung desisyon ng OB ko since kailangan ko gumaling agad dahil wala naman ako kasama sa bahay pagaalaga sa mga bata

usually ngayon bikini cut na pero depende pa din sayo yun. sa kin patayo kasi super emergency yung cs ko as in nung nakakausap na ko ng matino after, sinabi sa kin na dahil kelangan na talaga at segundo na ang binibilang kaya patayo na ang hiwa.

patayo mas ok po... kasi mabebendahn mo siya at mas maganda ang peklat hndi maitim... maputi at prng wala lng po... hndi pa sia prone mabuksan agad kc naiipit ng maige ng benda...

Diniscuss ng ob samin and she asked for our preference naman. But some ob may not do so. Siguro kasi hnd nila gamay ung isang tahi. Just what im thinking haha

Emergency cs ako,bikini cut.pero dko po un nrequest,pag uwi ko s bahay dun ko lng namin nkta n bikini😁dpende po ata s obgyne nyo n mag oopera sau mommy.

Pwede naman mag bikini cut, pero tell nyo in advance sa OB mo po, kasi medyo madugo ang bikini cut so dapat may nka reserve kayo na blood just in case po.

Sakin po patayo din cut, after kasi ilabas si baby diretso na myomectomy, pwede naman daw bikini pero di maalis ang myoma, same din pag nag normal delivery.

6y trước

Nung mga time po na nasakit, hindi naman ako nag bleed. Katakot lang po kasi nung 6 months ako dun ako nag bibleed (color brown). Mga 2-3 consecutive days. Up to 6 months din kasi sinabihan ako na possible daw mawala si baby gawa ng myoma. Pero sa tulong na din siguro ni God, 8 months na si baby. Pero naka bantay parin ob ko for preterm labor. Dasal parin po para umabot kahit hanggang 37 weeks lang.