Stressed si Buntis

Palabas naman ng sama ng loob mga mamsh. Di ko na keri. Nasstress ako habang papalapit yung panganganak ko. Currently 36 weeks and 6 days preggy ako with our baby boy and until now mukhang walang balak si partner na magtabi man lang para sa panganganak ko. May pera naman ako, pero nakakainis lang kasing makita na sobrang iresponsable nya pagdating sa pagbubuntis ko. Halos every week eh umiinom sya at kagabi lang nag-usap kame at sabi nya, nangutang daw sya sa company nila kasi ipapaayos nya yung motor nya?! Naloka ako. Yun talaga inuna nya?! Ang hilig hilig din nya magpabili sakin ng kung anu-ano, recently lang 2 shirts worth 600 pesos each. Both working po kame at nakuha ko na yung SSS matben ko worth 70k pero dahil madami kaming loans 15k nalang ang natitira ngayon. Akala ko once mas tumaas sahod nya eh mamomotivate syang mag ipon at tumulong sakin pero pakiramdam ko pasan ko lahat. Yung mga loans namin hindi ako ang gumamit ng pera kaso sakin nakapangalan kase mas madali ako maapprove ng banks. Sa umpisa sasabihin nya sya magbabayad tapos pag nanjan na yung bayaran eh sasabihin nya wala na syang pera. Ilang beses na namin napag awayan yung pera, gang ngayon parang di sya natututo. Nasaktan din ako sa tono ng pananalita nya na parang gusto nya magbalik trabaho agad ako after kong manganak. Need help mga mamsh! Pano nyo hinahandle yung ganitong partner? Pag nag aaway kame lagisyang naghahanap ng comfort sa ibang babae. Di ko na alam pano ibibring up yung ganito sakanya kase nauuwi lagi sa away at feeling nya eh minamaliit ko sya.

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hiwalayan mo na momsh.. ma stress ka din lalo niyan. Pag anjan na ang LO ninyo 😉✌

Sis. Bangko ka ba? Iwan mo na yan iresponsable masyado. Feeling binata. Kagigil

alam mo na po na ganyan ugali nya,. wag kayo mangutang na sayo mkapngalan po

Hiwalayan mo na yan momsh... Wala kayong future dyan... 😥

nkakainis yang mga lalaking gnyAn,,,asA lng sa aswa,,,

cs kapo ba mamsh?