Budgeting problem
Hi. Any advice naman po what to do. Si LIP kasi malaki sahod: full and part time. Ngayon sabi ko sa kanya we need to make ipon na for my panganganak (April due date) and syempre gamit ni baby. Ngayon, may pera naman kami. Ako rin may sariling pera pero ayun nga medyo hindi marunong kasi sya humawak ng pera nya. As in sa buong relationship namin, halos kalahati lang yung sahod ko sa sahod nya pero mas nakakaipon pa ko na to think na parehas din naman kami nagastos. Hindi pa rin sya comfortable na hindi sya may hawak ng pera nya. Hindi naman kami nag-aaway or something regarding sa pera pero lagi ko sya nire-remind about pag-iipon and feeling ko medyo carefree pa sya. Wala naman kaming ibang malalapitan just in case ma short kami pero ewan ko bakit parang ang kalmado nya pa rin. Hindi ko alam if OA lang ako pero kasi mas gusto ko talaga na secured yung baby namin. Na wala kaming masyadong alalahanin when it comes to money plus ayokong napupunta sa kung saan lang yung pera nya. Very responsible naman sya. As in wala akong masasabi sa kanya. Hindi lang talaga sya marunong sa pera. What to do and what to say?