?

Hi gusto ko lang po mag labas ng sama ng loob sa Asawa ko . medyo mahaba 7months preggy napo ako Alam nyo po yung feeling na stress na stress kana sa gastusin ? Ang sakit sakit ng ulo ko ngayon . Kanina kasi bumili sya ng gamit ni baby natuwa naman ako kaso nakita ko may binili pa sya na supplements halos mas malaki pa yung gastos nya kesa sa gamit ng baby namin Hindi nman po sa pinag babawalan ko sya pera nya naman Yun eh. Ang ayuko lang bigla nya ko sasabhin na I hold mo muna yung bayarin naten sa mama mo mukang kukulangin yung budget naten may utang kasi kami sa mama ko eh , Kesyo ganto andami nateng bayarin sabay Sabi na napasobra ata yung gastos ko sa gamit ni baby sinong di maiinis halos lahat ng luho nya pinapayagan ko sya kasi pera nya naman Yun pero ayuko naman na parang sinusumbat nya na napasobra yung bili nya sa gamit ng baby namen anjan na yan eh nabili na nya bat kelangan pa Yun sabhin akala nya diko Alam presyo nung binili nyang supplements sobrang Ang sakit sakit ng ulo mga mossssh halos Wala pa kaming ipon lagi nalang akong umiiyak ? Ang hirap ng ganito huhuh?? Tapos isang Yaya lang sa kanya ng katrabaho nya go agad inom kahit pagod sa trabaho ?? Sobrang naiinis pako ngayon Kasi nakiusap yung papa ko na dun kami matulog sa bahay namin Kasi walang mag babantay sa pamangkin ko umuwi Kasi sila sa probinsya 5 days lang naman . sagot ba naman nya sakin ayuko nga matulog dun Ang kulit mo naman Kung gusto mo ikaw nalang dun may pasok nga ako eh . oh diba nakakasama ng loob halos di ako lumalabas ng bahay nila Kasi sobrang napakaseloso nya pati sa pananamit bawal maikli sando etc. sinusunod ko lahat Kasi nga Mahal ko sya. pahingi naman po ng payo mga mossh

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kausapin mo sya,sabihin mo s kanya mga nararamdaman mo...buntis ka so sensitive feelings mo kaya dapat me adjustment..wag ka maxado pastress makakasama kay baby yan,kung wala parin mangyayari after mo sya kausapin hayaan mo nlng sya as long as maibibigay nya mga needs nyo ni baby,mahirap pero dedma mo nlng muna sya then after mo manganak magwork ka para dka umaasa s knya tsaka mas maganda talaga me work ka yung bout s mag aalaga kay baby gawan mo ng paraan makahanap ng mag aalaga..on the other side nmn e try mo nlng unawain si darleng first baby nyo ata,so mag aadjust pa sya darating din ung time na puro kay baby na bibilin nya for now kasama pa talaga sarili nya s budget nya pero kapag tumagal makakalimutan din nya sarili nya at puro ke baby na iisipin nya..(hopefully)

Đọc thêm

Usap lang yan. Alam mo mga lalaki di magbabago yan hangga't di mo sasabihan. Lip ko laki ng pinagbago kasi lahat ng ayaw ko sinasabi ko sakanya. Aun nagaadjust naman sya. Di na nya inuulit ung dati nyang gawain. Pag magpapaalam sakin na gusto nya lumabas, natatakot pa, parang bata na gustong gumala... Nakakaawa din kaya pinapayagan ko na lang. Naguupdate din naman sya pag nasa labas tas uuwi din on time. 😊. Communication lang po parati. Sabi nga nung isang business man, magkaiba kayo ng magulang, the way kayo na pinalaki.. Kaya parehas kayo magaadjust para magkasundo at tumagal kayo ☺️

Đọc thêm

mag usap po kayo. wag ka pong magpakastress kasi makakaapekto kay baby yun. although nakakainis nga pag ganyan ang mga lalaki. kami din ni hubby may ganyang eksena pero dinadaan namin sa biruan na lang. although mas maganda talaga ang work ko sa kanya pero pinatigil nya muna ako kasi may third baby na uli kami. alam kong hirap sya pero dinadaan namin sa paguusap at biruan kapag kinakapos kami. nasa pag uusap nyo lang pong mag asawa yan at pano itatake ng isa't isa ang mga sasabihin ninyo.

Đọc thêm
6y trước

sige po kakausapin kopo sya salamat po ☺️☺️☺️☺️

my mga ganyan tlga asawa or ka live in patner ganyan dn asawa ko hati pa kami sa gastos ng baby namen sa mga gamit ako tas ung nanganak ako sya nag bayad pero pag sa alak kahit mahal black label or jack bbli sya isang aya lang go kagad dn sya sobrang sama ng loob ko sa knya pero ung mga damit naman mommy ok lang sa knya di nya pinapakelaman dun kaso sobrang higpit din kwarto lang ako di ako nkakalabas kailngan mag paalam pa

Đọc thêm

Ganyan din asawa ko. Walang sawa sa inom. Hahaha. Pero nasanay na ako. College palang kami, naglilive in na kami pero alcoholic talaga e. Ngayun, 7 months na ko preggy, eto nasa tabi ko, alagain pa at lasing sya right now. I guess, need natin maging patient mommy. Pero kung di nyo na kaya, it's up to you. Ako pinili ko to e, at nagpakasal at nagpabuntis pa ako sa taong lasinggero. Sana nakatulong momsh. 😊

Đọc thêm

If I saw something wrong with the attitude of my hubby. I tell it directly to him and what will be the solution. Same with him. Communication and understanding is the key. Let your partner understand na mali na minsan ang ginagawa nya. Kami ng partner ko nagusap kami paano namin gagastusin ang pera every sahod. And Thanks God all is good naman hanggang ngayon.. Magwalong taon na kami..

Đọc thêm

mas mabuting mag usap kayo mag asawa, sabihin mo sa kanya yung nararamdaman mo para alam niya.

6y trước

Thank you po ☺️