help naman po 😭😭
Pahingi naman po ng advice nyo 😭 kumakain naman po ako ng tamang pagkain, sinusunod ko naman po yung meal plan na binigay ni doc pero mataas padin po blood sugar ko. Diko na po alam gagawin ko, gusto ko po maging safe at healthy yung baby ko 😭
hi momsh, nagmomonitor ako ngayon ng sugar ko due to GDM. sabi ni doc mas prone daw tayo ngayon dahil sa pandemic, kaya if possible magexercise mas maganda and control sa food bfast ko, 1 wheat bread, mayo, lettuce and scrambled egg no oil morning and afternoon snack ko oatmeal with full cream birch tree milk or same ng bfast ko or fruits (apple, 1/2 banana, pear, 10 pcs grapes, orange) lunch and dinner 1/2 cup brown rice, kung hindi tataas sugar pwede mo dagdagan tapos bumabawi ako sa ulam, veggies maganda ampalaya then meat dinadamihan ko yung protein intake para di masyadong gutom basta no sugar added dapat di ka pagutom 3 meals 2 snacks diet plan ko, tas nagadd ako bedtime snack sobrang light lang like almond, apple with sugar free peanut butter drink more water, 5 liters ata naiinom ko ang pinaka culprit ko white rice and anmum choco mataas pala sugar nun tapos halos di ako kumikilos sa bahay before dahil low lying kaya natin yan mommy
Đọc thêmexercise po everyday atleast 30mins po ako po mataas din sugar ko umabot po ng 187 tas sugar monitor din po MWThSun tas ngayon po normal na umaabot na lang po ng 123 sugar ko balance po sa pagrice, more water po, tsaka po pinaka snack mo lang po dapat mga biscuit na walang tamis like skyflakes, egg crackers, breadsticks, half lang din ng fruits tas ang iniinom ko po glucerna hindi po anmum. kung maaari po sun exposure ng 6am-8am mas maganda po pag ganon.
Đọc thêm1cup red rice po ako lunch and dinner tapos 1cup veg iwas sa starchy veggies like potato and kalabasa tpos 1matchbox meat or fish..ginagwa kong snack ung Half serving lang ng fruits pero depende po sa fruits kasi may iba na mataas glycemic index..check nyo din un. Kung mataas parin gawin nyo 1/2cup red rice or brown rice
Đọc thêmampalaya, toge at munggo po hindi nakakapagpataas ng sugar. try nyo din po brisk walking, pre-natal yoga saka stretching para magamit po yung sugar na naconsume nyo and inom po kayo at least 3 liters ng tubig everyday para maflush out po yung sugar sa katawan.
Ganyan din ako noon. Kahit nagda diet na ako halos wala na ako kainin nkakagutom pa lalo sa gabi mataas pa rin blood sugar ko nag insulin na nga ako nun e. Until nag lowcarb ako mas naenjoy ko foods ng low carb d akk naggutom.
sa akin po nawala na ung taas ng sugar ko. ang ginawa kopo exercise puro lakad at pag papaaraw sa umaga. them more water po. mas maganda bawasan nyo din ang pagkain ng kanin.
lowcarb ka po. bawas ka muna kain ng rice at mga sweets..
Same tayo momsh ganyan din po ako 😔😔
more water and kain ka po marami ampalaya
red rice po instead of white rice