Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mum of PCOS and sugar baby ❤️
35 weeks (LMP), 37 weeks (BPS)
Hi mga ma. Question lang po sana kasi naguguluhan na din ako kung ano ang susundin. Ang EDD ko po naging paaga ng paaga, from Nov. 11 to Nov. 2 based sa latest kong BPS utz tapos based naman po sa LMP from Oct. 29, naging Oct. 28 na ang due date ko as per my ob. Tinanong po ako ng ob-sono/perinatologist, kahapon nung nagpaBPS ako kung wala pa daw ba akong nafifeel na labor pain kasi pwede na daw po akong manganak anytime at full term na si baby. Okay naman ang result ng BPS and Doppler utz, hindi na asymmetric iugr ang case ni baby kaya sabi ng ob-sono pwedeng pwede na daw lumabas ang LO ko. Pero yung placenta ko grade 2 pa din daw. Medyo naguluhan po kasi ako at contradicting yung sinabi na pwede na ko manganak tas grade 2 placenta pa lang. Pwede na po kaya ako maglakad lakad and uminom ng salabat/pineapple juice? Medyo worried kasi ako baka ma-overdue si baby due to confusion kung alin po yung susundin na AOG. And para din po sana makapagpaschedule na ng swab test. Any inputs/thoughts/advice po baka may same case kasi sakin. Salamat po! :)
Any honest reviews?
My friend is selling me her wisemom pomona. Not really sure sa model pero eto daw po yung latest na wisemom pump. Any honest reviews and feedback po? Ang nakita ko lang kasi na reviews yung sa pocket wisemom. Thanks mommies!
Lampein Freebie/Sample
Anyone na nag sign up din po sa free samples ng Lampein and Super Twins? Natanggap nyo na po ba yung sa inyo? Sa akin I registered 2 weeks ago and nareceived ko today. Okay po ba tong Super Twins na diaper sa mga nakasubok na? On the cheaper side kasi ata ang brand na to kaya gusto ko din sana subukan para kay baby ko. November pa naman po edd ko. Baka may mommies na gumagamit ng Super Twins diaper, pahingi naman po feedback. Thank you po! ❤️
Baby Clothes
Mommies, ilang weeks kayong pregnant simula naglaba kayo ng baby clothes? And ano po mga ginamit nyong panlaba na pasok sa budget na marerecommend nyo talaga para sa mga nagtitipid? 😊 Pass na sa reco ng tiny buds and cycles, baka meron pa pong mas murang option na pwede makabili din agad sa grocery. Thanks po. ❤️
Serious MD
Hi mommies! May gumagamit po ba sa inyo nito? Paano po ba to for telemedicine and ano po ang payment option nila? Thanks po!
Selling Maki Platter
Baka may interested po, delivery namin will be on Aug. 19, 2020 (Wednesday). Location is Valenzuela. Payment po COD or Gcash. Shipping thru Lalamove/Grab po. Kung may gusto pong umorder, msg nyo po ako sa Facebook. facebook.com/esisaquino18 Thank you po, be safe! 💝
De Los Santos Medical Center
May mommies po ba dito na ob si Dr. Restituto Buenviaje? May idea po ba kayo kung naghahandle sya ng diabetic patients? Saka sa rate nya din po sana. Thanks po!
TDAP Vaccine
Mommies, nabigyan na kasi ako ng Tetanus Diptheria (TD) sa brgy. Ngayon yung ob ko gusto nya pa ako bigyan ng isang shot ng TDaP pag full term na ako, ihahabol daw. Okay lang po kaya yun? Saka magkano po ba ang TDaP vaccine? Private hospital yung ob ko sa Valenzuela, baka may marerecommend din po kayong clinic na medyo mas mababa yung presyo ng TDaP kung sakali. Thanks po!
mommies with DM
May nanganak na po ba sa inyo sa lying-in sa 1st baby nyo kahit diabetic po kayo? How was it po?
hiccups and kicks
How do you differentiate hiccups from baby kicks? Start na po kasi ng kick counting ko and lahat ng nararamdaman kong movement binibilang kong kicks. 😅 Di din kasi inexplain ng ob ko kung paano po proper kick counting. Any advice po? Thank you! 😊