Paano po icheckup ang buntis?
Paano po ba ichececkup ang buntis first time lang po kasi ako di pa po ako nakakapagpacheckup simula po nung nalaman kong buntis ako natatakot po kasi ako diko po alam gagawin ng doctor sakin para macheck up si baby#advicepls
Kapag unang checkup mo sa OB magtatanong palang yung doctor about sa medical history mo and ng family mo, kung meron ba sa inyong may diabetes, asthma, sakit sa puso, etc. more on tanong-tanong muna. Magbibigay na din ng request yung OB para sa transvaginal ultrasound and sasabihan ka kung kelan follow-up checkup mo. And depende sa OB kung isasabay na niya yung request para sa mga laboratories at reseta ng vitamins or sa follow-up checkup mo nalang. Congrats! 🎉 Makinig and sumunod lang po lagi sa payo ng doctor.
Đọc thêmTatanungin ka kelan ang first day ng last mens mo, then dalhin mo na din yung PT result mo, magrerequest ang OB mo na magpa transv ka then pababalikin ka para sa ipakita mo result ng transv ultrasound mo, saka ka bibigyan ng reseta for vitamins and laboratories na din.
Transvaginal utz po gagawin sa inyo, if first check up niyo pa lang. Wag ka matakot di naman masakit yan, and para mabigyan ka prenatal vits for u and baby. Good luck and stay healthy:)
Tatanungin ka lang naman ng doctor, my ibang ob nag iie agad tulad saken. Tapos mag rerequest siya ng transV and mga laboratory test.
Mi mas matakot ka po pag di ka nagpacheck up. Di mo alam kung maayos ba pagbubuntis mo.