104 Các câu trả lời

October 10 2018, Bday ko po nun and nag order sya ng cake na pondant at sa isang restaurant kmi nagcelebrate at d ko po alam nagpareserve po pla sya lahat ng crew dun ang babait at inaassit tlga ako tas may video pa. at ito nga nagstart nkmi magcelebrate at pinahatak nya sakin yung nasa ibabw ng cake na happybday kadaming pera yung sunod2 na lumabas at merong blank na paper walang nakasulat ang d ko alam kasunod nun WILL YOU MARRY ME NA PALA😍 at sympre npa upo ako at umiyak haist best feeling ever😍

My hubby proposed to me in a theatre 😊😊😊. Inaya niya aq manuod ng sine sa mall way back 2018. After nmin magdinner, pumunta n kmi sa sinehan, natakot pa aq kc kmi lang dalawa nasa loob, ung iba late na pumasok. Ang choice of movie p nmin Tarzan haha. So nung tapos n ung movie binuksan na ang mga ilaw bigla siya lumuhod sa harap ko saying "Will you marry me, I want to be your hubby". Palakpakan nman ung ibang mga manunuod and syempre I said YES 😊😊😊. After a year nagpakasal n kmi.

VIP Member

8th anniversary celebration namin naka staycation kami kasama mga friends. super unepected kase walang paramdam na my pag propose na magaganap.😍😇maraming balloons at pics kase 8th anniv naman namin, tapos habang tinitingnan ko mga pictures namin pag harap ko nakaluhod na sia with a ring😍😇. grabe! super happy at nakaka iyak talaga!after 8th yrs na in a relationship.bago pala yun alam na ng parents ko kase kinausap nia sa bahay nagpa alam na sia na hihingin nia na yung kamay ko😍😇

VIP Member

Matagal na siya nagsabing gusto nyang magpakasal kami at nagpropose siya gamit ang takip ng swero, ung plastic cap ng IV bottle na bilog hahaha pareho kasi kaming nurse. May plan kami pareho pero di kami naguusap kung kelan. Two years later, April 17, 2018, umuwi siya sa bahay na may dalang choco butternut so sa katakawan ko inuna kong kumain hahahaha tapos narinig ko tinawag nya ko, ayun meron siyang hawak na tunay na singsing. Hindi na siya nagsalita, nagiyakan na lang kami hahahaha

magppropose sana si hubby after namin magcelebrate nun nung advance monthsary date namin. nagdala siya foods sa bahay (pancit, ice cream, cake) . the usual na ako, mahilig mag kapkap ng bulsa ni hubby 😅 i was so curious sa suot niyang shorts kasi parang bago, bago sa paningin ko. i was just checking kung gano kalalim bulsa niya sa back pocket 😅 and there it was, lo and behold, yung engagement ring 😅😅 na sana ibibigay niya saakin daw kapag ice cream time na 😅

We’re 10 years bf/gf bago nagpropose si hubby. Kakunchaba nya buong school kung san ako nagwwork as admin staff. Nagdala cya ng live band sa school. Tpos kumanta cya nung favorite nyang song for us. Daming tao mga teachers and students. Pati ung may ari ng school alam din pala gagawin nya pag ppropose. Kaya pala dami utos sakin sa second floor un pala magseset up na sila sa baba malapit sa office. Haha ung mga bata kinilig e. Sympre ako din haha! 😊

We were in Vietnam with his family and it was his birthday. Just the two of us sa loob ng hotel room namin when he proposed, bago kami umalis for a day tour. Iyak ako ng iyak haha! We were dating for 9 years na at that time. Hindi ko sinuot yung ring kasi natakot ako mawala sa tour. I wore it nung dinner na. We were in a cruise, celebrated his birthday and showed the ring to his family. Then, we got married on our 10th year anniversary 🥰

Birthday Celebration namin ng mga ka birthmonth kong kaworkmate ko, then syempre may mga games at nakablindfold kame, ndi ako nagtaka kase wala tlga akong idea na may pa ganun si hubby and then nung sinabi na tanggalin na ung blindfold, biglang tumugtog ung "beautiful in white" and nag abot na sila ng flowers, last si hubby . Sobrang iyak na ko nun kc unexpected tlga ih . Then he ask me, will you marry me,Lalabs? So I said "YES" 😊

Nagpunta kaming barber shop kasi nanalo sya sa raffle, right after nun sabi nya daan muna kami ng simbahan to pray. Nasa loob lang kami ng car, we prayed. Pag open ko ng mata ko, sabi nya "Wag ka iiyak, kinausap ko na parents mo..blah blah blah.. Will you marry me?" Kala ko joke lang kasi lagi nya ginagawa yun (nagpapraktis pala), pagtingin ko sa kamay nya hawak nya yun ring. Kinikilig pa din ako. 🥰

Kame sa bhay ng lola nya gabi nkahiga na kme tas bigla sya tumayo diko pnsin kla ko mag cr lng sya tas nung mayat mya kinuha nya kamay ko walang tanong walang sagot suot agad ng sing sing sa kmay ko tas bigla dun nya lng ako tinanong haha sagot ko iyak lng haha shock ako ee haha november 20 2017 non peo ngaun plng ikakasal ngaun august 28 2019 and now im 28weeks 1day po 1st baby 💕💕💞😀

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan