Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Wisdom's Very Spoiled Wife
SSS Maternity Benefit
Hindi ko po naclaim since January 2020. Pwede pa po kaya un maclaim? Wala po kasi akong means para puntahan.
cloth diaper
Mommies, may nakapagtry na ba sa inyo ng Alva Baby cloth pocket diapers? Umorder kasi ako sa Shopee. Kumusta po experience nyo?
Lotion/Cream/Body Butter
5months preggy here and I'm starting to show. Ano pong gamit nyong moisturizer? I know hindi maiiwasan ang stretchmarks pero nagsstart na siya kumati eh. :(
coconut body butter
Hello! Meron na ba sa inyo nakapagtry ng coconut oil based body butter sa tiyan? Kumusta po stretchmarks?
SSS issue
Pregnant po ako, and nakapagpasa na po ako MAT1. Kaso nung July pinagleave po ako due to threatened abortion. Til now po di pa din ako pinapapasok. No earnings po ako and last hulog ko po is for July 2019. Bale bayad po SSS contrib ko from Oct 2018 to July 2019. Kaso magsasara ata ung company na pinagtatrabahuan ko due to bankruptcy. Hindi ko po alam kung kelan effective. May makukuha po kaya akong Maternity Benefits? Due date ko po is February 15, 2020. Thanks po.
Diabetic Mommy
Hay napakahirap maging diabetic. Before ako magbuntis diabetic na ako pero lalong tumaas ngayong buntis ako. Ngayon 6 times a day ang monitoring ng sugar ko, plus insulin injections pa. Sakit na sa katawan, sakit pa sa bulsa. Tapos maglilihi ka na lang, bawal pa. Naiiyak na lang ako minsan. Ang iniisip ko na lang, hindi lang naman ako ung magsusuffer kung magmamatigas ako ng ulo. Nakakalungkot lang talaga. :(
Diabetic Mom
Hi! I'm 13 weeks pregnant and I'm diabetic. For FBS ako next week, pero sa urinalysis ko kita na agad na mataas ang glucose. May nakatry na ba sa inyo ng insulin plant? Pinapainom kasi ako ng mommy ko ng boiled insulin plant leaves with turmeric kasi nakakatulong daw mapababa ang sugar. After pa kasi ng FBS ako babalik sa OB. Thanks in advance!
LBM (pasintabi po sa kumakain)
I'm 9 weeks pregnant with my first baby. NaglLBM po ako since yesterday. Watery po with particles. Whole day po ako halos walang kinakain kundi apple banana at gatorade.. til now po nahilab ung tiyan ko, pero soft pa din po stool ko. Lomotil lang po pinainom ni OB, kaso balik na naman hilab ng tiyan ko after a few hours. I'm able to eat and drink naman po. Is this bad? Kailangan na po ba paadmit? Kinakabahan po ako kasi high risk pregnancy ito since I'm asthmatic and diabetic ?
SSS Benefits
Hi Mommies! Pano po ba magfile sa SSS ng maternity echos? Zero idea po ako kasi first pregnancy ko po. Also, ako ang HR sa company, at ako lang ang babae kaya first time ko magaasikaso. Hehe pasensiya na po hindi ko po kasi talaga alam ang gagawin. Ask ko po sana sa SSS mismo kaso nakabed rest po ako. Thanks po.
Baby Wearing?
Sino nanpo nakatry ng baby wearing? Kumusta po experience nyo?