Insecurities

Paano alisin or labanan ang insecurities? Mga exes ni hubby, puro degree holder, yung isa pa nga masteral pa. Samantalang ako, associate graduate lang (2 years) Magaganda buhay, may kaya sa buhay, samantalang ako, laki sa hirap at til now, nagsusupport pa rin sa family ko financially. Yung isa nagwowork as a teacher (graduate ng masteral) and yung isa, engineer. Samantalang ako, call center na hindi naman fluent mag English 😭 Naiinggit ako sa kanila kasi mukang, ang ganda ng buhay. Parang hindi nila naranasana ang maghirap (yes, ini stalk ko sila) Kaya napapaisip ako, minsan kaya iniisip ni hubby na minalas sya kasi ako napangasawa nya? Degree holder din si hubby, only child and may mga property din sila. Kaso si hubby, puro online games. We lived in his parents house kasi wala pa kami sarili house. Puro plan lang, walang actions Naiisip ko tuloy, kaya ba sya ganyan kasi laki naman ako sa hirap at kaya ko magtiis? Iba kaya ang magiging thinking nya kung isa sa mga ex nya ang napangasawa nya? Nakuwento nya rin sa akin na sya ang nakipag break dun sa dalawa. Nanliliit talaga ako sa sarili ko. 😭

29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mahirap kalaban ang sarili mii 😊 lalo na kung yung sarili mo mismo dinadown mo. sa tingin mo ba perfect na buhay nila? may mga problema din mga yan na di mo alam. as long as kumikita tayo ng pera galing sa dugo't pawis naten at galing sa marangal walang dapat ikainggit mi. tanggalin mo sa mindset mo yan.idaan mo nalang din sa dasal mi, hindi lahat ng panahon ganyan ka or tayo. aangat din tayo sa ibang bagay tiwala lang❤️ at sipag❤️

Đọc thêm