Insecurities

Paano alisin or labanan ang insecurities? Mga exes ni hubby, puro degree holder, yung isa pa nga masteral pa. Samantalang ako, associate graduate lang (2 years) Magaganda buhay, may kaya sa buhay, samantalang ako, laki sa hirap at til now, nagsusupport pa rin sa family ko financially. Yung isa nagwowork as a teacher (graduate ng masteral) and yung isa, engineer. Samantalang ako, call center na hindi naman fluent mag English 😭 Naiinggit ako sa kanila kasi mukang, ang ganda ng buhay. Parang hindi nila naranasana ang maghirap (yes, ini stalk ko sila) Kaya napapaisip ako, minsan kaya iniisip ni hubby na minalas sya kasi ako napangasawa nya? Degree holder din si hubby, only child and may mga property din sila. Kaso si hubby, puro online games. We lived in his parents house kasi wala pa kami sarili house. Puro plan lang, walang actions Naiisip ko tuloy, kaya ba sya ganyan kasi laki naman ako sa hirap at kaya ko magtiis? Iba kaya ang magiging thinking nya kung isa sa mga ex nya ang napangasawa nya? Nakuwento nya rin sa akin na sya ang nakipag break dun sa dalawa. Nanliliit talaga ako sa sarili ko. 😭

29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mahirap kalaban ang sarili mii 😊 lalo na kung yung sarili mo mismo dinadown mo. sa tingin mo ba perfect na buhay nila? may mga problema din mga yan na di mo alam. as long as kumikita tayo ng pera galing sa dugo't pawis naten at galing sa marangal walang dapat ikainggit mi. tanggalin mo sa mindset mo yan.idaan mo nalang din sa dasal mi, hindi lahat ng panahon ganyan ka or tayo. aangat din tayo sa ibang bagay tiwala lang❤️ at sipag❤️

Đọc thêm

you are already insult your self pag kinompare mu sarili mu sa iba .. ano naman kung degree holder exes ng husband mu, ikaw ang pinili and kasama nya until now.. alisin mu sa isip mu mga naabot ng mga exes nya dahil hindi ka uusad nyan sa buhay.. mind your own.. pag usapan nyo ng asawa mu yang saloobin mu, mas makakatulong yan sayo at baka sakaling maiba din yang pananaw mu sa buhay at please stop stalking your husband exes..

Đọc thêm

maraming maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng advice nila.. pinalakas nyo po ang loob ko. tama po kayo, siguro may nakita si hubby sa akin na hindi nya nakita sa dalawa. Iimprove ko po ang sarili ko. comparison is a thief of joy, ika nga nila.. 😍 kapag nakakaramdam ulit ako ng insecurities, babasahin ko ulit mga comments nyo para matauhan ulit ☺️ salamat ng marami! ❤️❤️❤️❤️

Đọc thêm

mii.. ikaw po nagda.down sa sarili mo.. yan ang mahirap e yung kino.compare mo yung sarili mo sa iba pero may kanya kanya tayong pinagdadaanan sa buhay.. oo mayaman or matalino sila pero kung ikaw madiskarte at nagsisikap e diba parang magka level lang kayo or mas higit pa. minsan di maiiwasan na magiging insecure ka pero that's life. its up to you of how you live with it.

Đọc thêm

Wala sa natapos yan mami kaya wag kang mainsecure 😊. Same sa exes ng asawa ko teacher yung isa, then tourism naman natapos nung isa, ako di ko natapos 4 yrs sa college kasi nagwork na ako. Ang lagi niyang sinasabi meron ako na wala sila, yun din lagi kong iniisip para di ako mainsecure. Isa pa may trabaho ka, it means strong independent woman ka ❤️.

Đọc thêm

Don't get offended ah? Sometimes kasi we make our own insecurities e. We compare our situation sa ibang tao, we make imaginary situation na we all know na malabong mangyari. Don't make suchlike insecurities na ikaw lang nagbigay sa sarili mo, kasi 1 day kung di mo ititigil yung mga mindset ikaw lang din masisira. Gagawa ka pa ng dahilan para mag away kayo.

Đọc thêm

para malabanan insecurities, dedmahin or gumawa ng paraan para maging ka-level mo sila or higit pa. mag-aral ka ulit at magmasteral din. pero sa totoo lang sis, maganda na ang career mo. call center? nako, kahit maghirap ako at mawalan ng trabaho, never akong mag-aapply sa call center. tsaka mas magiging fluent ka sa english kung sanay ka na.

Đọc thêm

isipin mo nlang Kung okay sila Di Sana sila pinakasalan Ng asawa mo at Hindi ikaw. it means minahal ka Ng asawa mo at Di nya tiningnan kung anu natapos mo. mga ex ni hubby professional din pero never ako na insecure dahil Sabi nya never nya inisip pakasalan mga yun. mismo sya pa nagsabi sakin na I block ko mga yun sa account nya.

Đọc thêm

Wala naman sa degree po yan o yaman. It's about how you handle your husband, family and situation. Lalo na sa budgeting. Make his parents proud of you na kahit di ka degree holder o magandang trabaho, kaya mong gawin lahat ng maayos. Simulan mo sa negosyo at pag gawa ng bahay para matupad na. Ikaw na maging leader

Đọc thêm

Hi dear...a piece of advise, you need to learn to love yourself and be proud of who you are. It's not always the degree or luxury in life that will determine your success...as long as you are happy, contented, a family and friends who loved you for the person you are...then you have nothing to be insecure about.

Đọc thêm