Insecurities

Paano alisin or labanan ang insecurities? Mga exes ni hubby, puro degree holder, yung isa pa nga masteral pa. Samantalang ako, associate graduate lang (2 years) Magaganda buhay, may kaya sa buhay, samantalang ako, laki sa hirap at til now, nagsusupport pa rin sa family ko financially. Yung isa nagwowork as a teacher (graduate ng masteral) and yung isa, engineer. Samantalang ako, call center na hindi naman fluent mag English 😭 Naiinggit ako sa kanila kasi mukang, ang ganda ng buhay. Parang hindi nila naranasana ang maghirap (yes, ini stalk ko sila) Kaya napapaisip ako, minsan kaya iniisip ni hubby na minalas sya kasi ako napangasawa nya? Degree holder din si hubby, only child and may mga property din sila. Kaso si hubby, puro online games. We lived in his parents house kasi wala pa kami sarili house. Puro plan lang, walang actions Naiisip ko tuloy, kaya ba sya ganyan kasi laki naman ako sa hirap at kaya ko magtiis? Iba kaya ang magiging thinking nya kung isa sa mga ex nya ang napangasawa nya? Nakuwento nya rin sa akin na sya ang nakipag break dun sa dalawa. Nanliliit talaga ako sa sarili ko. 😭

29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

let me share.. at first, hindi type ng family ko ang napangasawa ko.. kasi undergrad si hubby at licensed professional naman ako.. but personally, hindi big deal yun sakin.. 1st, nasa kanya yung katangian ng maaruga at magalang na husband. mas magalang pa siya kaysa sa akin sa magulang ko.. which mararamdaman mong hindi lang in-laws ang turing nya sa parents ko but like his true parents. 2nd, masipag siya. pursigido. naisip ko, if nagkakilala kami at nagkataong graduate siya, mas o kasing pursigido kaya siya kung paano siya ka pursigido ngayon? 3rd, hindi siya kakikitaan ng angas o kayabangan, not because hindi siya graduate but humble lang talga.. to cut it short, for me he has a lot of potential. so isa rin ako sa nagpursuade na kumuha siya ng degree.. ako ang nagtatrabaho and silang dalawa ng anak namin ang nag aaral.. then he graduated after 2 years. yes, yung mga exes ko, may own business, may mga naipundar ng properties. but looking at the bright side. magkasama kami ng asawa sa pag angat o pag achieve ng mga bagay bagay.. kung kelan kami tumuntong ng 30s eh mas naging matibay at sweet pa kami sa isat isa. sweeter than the time na naging mag asawa kami. in your part, hindi mo man matapatan ang degree ng mga naging ex niya, bawiin at daigin mo sa pagiging mabuting asawa. mas maging malambing, maasikaso, mahinahon sa kilos at pagsasalita.. personality weights much than any degree.. and, personally, ako mismo kumakarenyo sa asawa ko.. hindi ko siya binibigyan ng dahilan na maghanap ng iba. and last but the most important, ikapit mo sa dasal at sa Diyos ang relationship nyo... mastitibay ang pagsasama kapag kasama nyo ang Diyos sa relasyon nyo.

Đọc thêm