Insecurities

Paano alisin or labanan ang insecurities? Mga exes ni hubby, puro degree holder, yung isa pa nga masteral pa. Samantalang ako, associate graduate lang (2 years) Magaganda buhay, may kaya sa buhay, samantalang ako, laki sa hirap at til now, nagsusupport pa rin sa family ko financially. Yung isa nagwowork as a teacher (graduate ng masteral) and yung isa, engineer. Samantalang ako, call center na hindi naman fluent mag English 😭 Naiinggit ako sa kanila kasi mukang, ang ganda ng buhay. Parang hindi nila naranasana ang maghirap (yes, ini stalk ko sila) Kaya napapaisip ako, minsan kaya iniisip ni hubby na minalas sya kasi ako napangasawa nya? Degree holder din si hubby, only child and may mga property din sila. Kaso si hubby, puro online games. We lived in his parents house kasi wala pa kami sarili house. Puro plan lang, walang actions Naiisip ko tuloy, kaya ba sya ganyan kasi laki naman ako sa hirap at kaya ko magtiis? Iba kaya ang magiging thinking nya kung isa sa mga ex nya ang napangasawa nya? Nakuwento nya rin sa akin na sya ang nakipag break dun sa dalawa. Nanliliit talaga ako sa sarili ko. 😭

29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Wag ka mag stalk para di ka ma insecure..ikaw ang pinili.at wala yan sa degree.ako nga may masters din at dating mataas position at malaki sweldo nagawa pa ng mr na makipagchat at landian sa chat sa isang estudyante na later nalaman ko parang rape victim ung girl tapos ako first and only bf ko si hubby and 10yrs kami mag gf/bf bago nagpakasal pero nagawang makipag chat sa iba..so, wala yan sa edukasyon o natapos o mukha.alagaan mo na lang siya at gawin mo best mo ma inspire siya to strive para sa future niyo at di niya maisip ung exes niya.😅

Đọc thêm