Nakakawala na ng pag-asa mabuntis ulit after ma miscarriage last year😭

Pa rants lang po ng sakit ng nararamdaman ko.. sobrang bigat at sakit lang po sa loob ko na every month na magkaka mens ako. Nag-expect ako monthly na ma buntis na. Umiinom ako ng gamot, nagpapaalaga sa OB pero wala pa rin since nakunan ako last year. Halos mag 1year na akong makunan. Umaasa ako na ibabalik samin iyon ulit ni Lord pero wala pa rin😭 ang sakit lang. 32yrs old na ako, nanganganib na edad ko para mabuntis pa. Pag may nakikita o nababalitaan akong buntis specially kung mga kilala ko sobrang inggit ko. Sobrang lungkot ko para sa sarili ko😭 Lord sana po ipagkaloob nyo na po yung pinakamimithi namin mag asawa🙏🙏 Sana po Lord pagkalooban nyo na po kami ng anak🙏🙏😭😭

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

share ko lang din po experience ko mga mii, nakunan din po ako dati 6 weeks lang siya sa tiyan ko dinugo po ako ng sobra hanggang sa tuluyan na siya nalaglag sobrang iyak ko noon at sinisisi ko sarili ko kasi feeling ko kasalanan ko at hindi ko naalagaan ng maayos ang pagbubuntis ko gawa po ng stress sa trabaho akala ko po hindi na ko bibigyan ulit ni God ng baby kasi ung una diko naalagaan ang tagal ko din po naghintay na biyayaan ulit kaso 2 years na nakalipas nawawalan na ko agad ng pag asa baka kako hindi na ko magkaka anak kaya masakit man at nakakalungkot unti unti ko ng tinatanggap na baka ganun nga until last year diko namalayan delayed na pala mens ko naisip ko nun delay lang talaga ako hanggang mag 1 month na ko delayed kakahintay ko ng mens hindi ko naisip na buntis ako dahil nag stop na nga ako umasa then tuwing umaga suka ako ng suka doon ako kinutuban na baka buntis nga ako at parang ayaw ko pa mag PT dahil bka unasa nanaman ako pero nilakasan ko lang loob ko kung ano man maging result tapos ayun nag 2 lines siya sobrang linaw once lang ako nag PT ksi naisip ko bka pag inulit ko mag negative na haha kinabukasan nagpa check up ako agad sa lying in clinic na malapit samin 8 weeks na pala akong buntis nun kaya naman pagka confirm ko naiyak ako sa sobrang saya at nag decide na mag resign na sa trabaho ng tuluyan pra maalagaan ko pagbubuntis ko, sa una tlga mahirap ksi kelangan masakripisyo ung work which is mahirap tlga ksi mababawasan ung income nyo pero mas importante syempre ung blessing ni God kaya advice lang mii wag ka po panghinaan ng loob ksi ibibigay yan sayo ni God sa tamang panahon na hindi mo inaasahan na bigla nalang dadating dasal lang po mii

Đọc thêm

hello mommy, share kolang po experience ko 2 times napo ako nakunan, and may pcos din ako at hirap mabuntis, plus nalaman ko na May APAS po ako 🥺 sa totoo lang po sobra nakakabaliw, dalawang sunod na taon ako nawalan ng baby, after non nalaman ko na may APAS pala ako kaya ako nakukunan, tapos may pcos po kaya mahirapan daw ako mag buntis, nag dasal po kami ng Partner ko tapos bago po kami mag do nag dadasal kami hanggang sa napagod nadin, hindi muna kami nag try and then birthday ko ang wish ko mag ka baby na, pero hindu parin kami nag tatry withdrawal parin kami tapos sept. delay na ako dahil siguro kako sa pcos pero 6days na nag try lang ako amg PT at yun preggy ako, at nagpunta agad ako sa OB perinat. para maalagaan si baby, and now 31 weeks napo ako, samahan nyopo nh dasal mi , walang imposible kay Lord.

Đọc thêm
2y trước

fist mc kopo is nov 2020 7 weeks po no HB hanggang 12 weeks no HB parin and hindi sya nag gogrow, naka stay lang sya sa 1month, kaya naraspa ako, 2nd po 2021 naman, 5weeks suspected na Blighted Ovum daw sabi nung una ko na OB, tapos bigla ako dinugo, lumabas na sya. after ng ikalawa ko na mc nayan, pinag pa test ako ng OB ko ng Apas test, ayun nakita na APAS nga po ako. iba iba po kasi yung iba naman kung kailan malaki na ang Tiyan dun namamatay ang bata, yung kakilala ko kasi 6months na tiyan na bigla nawalan ng HB. apas din sya.

I think nasa process ka pa rin po ng grieving after your miscarriage.. Hindi pa po nanganganib ang edad na 32, hindi pa din high risk ang age na yan, going 34 na ako, currently 32 weeks, got pregnant 10months after preterm birth at after a month namatay yung baby. Minsan kasi Psychologically or emotionally hindi tayo ready, dahil na rin sa desperation to have a baby ulit after miscarriage, minsan we are hard towards ourselves, kaya in our desperation parang umaatras din eggs natin. Valid naman po yung feelings niyo, and I can understand where your sentiments coming from. Kaya as much as possible try niyo po wag magpressure sa sarili, relax, gawin niyo pa din yung healthy habits niyo, sabayan ng dasal, baka magkakaroon din kayo.

Đọc thêm

nagka unexpected miscarriage rin ako yr 2020. bago lang kami partner ko non then after 3mos binawi ni God. siguro kasi hindi pa right time para sa lahat. plus puro kami pagtatalo ng partner ko dahil wala pang trust sa rs namin. ngayon may baby boy na kami turning 8mos. pinalitan NIYA yung nawala samin and kahit maselan pagbbuntis ko, normal ang lahat pati operation ko. naniniwala ako na kahit ilang beses natin subukan kung hinfi pa para satin ang oras, hindi pa satin ipagkakaloob. tho walang masama mag try ng mag try. magugulat ka nalang, hindi mo inaasahan dun NIYA ibibigay ❤️❤️ samin rin, wala naman sa plano namin magkaanak "agad" pero bigla nalang nagkaron. kapit lang ❤️❤️🙏

Đọc thêm

hi mami.. May 01,2021 nakunan din po ako 5weeks lng baby ko nun. as in nag lalabor ako sa araw ng Labor day 😁😅 June 2022 nag positive ako sa PT. may kaba factor kasi nga nakunan na ako last year. then itong march8 nanganak ako via cs 😊 wag ka po mawalan ng pag asa. darating din ang bagay na gsto natin sa panahong hndi natin inaasahan. Nawalan ndin po ako ng oag asa last year balak ko na ulit mag take ng pills kaso natatakot na ako makunan ulit. sbi ko last regla ko mag pipills nko. ayun hindi na po ako niregla 😊 buntis na pala ako. kapit lang po ay dasal mangyayari din po ang ninanais ng iyong puso 🙏

Đọc thêm

naku mii sa truma ng asawa ko( 2 preterm labor at 1 miscarriage) gusto nya noon after miscarriage magpa ligate n ako pero di ko sinunod buti n lang hindi now buntis ako 6 months at sana this time full term ko mailabas c baby tsaka ako magpa ligate, Sa 2nd preterm ko po muntik n po ako tanggalan ng matres dahil natigil ang pagdurugo buti tumigil in time bago aq maoperahan uli ngaun un baby ko after ng preterm baby ko. he is now 11 years old kung natanggalan ako ng matres wala ako 11yrs old at magiging baby girl, nakakatrauma po sobra ang mawalan ng baby ng sunos sunod

Đọc thêm

kaya mu yan sister. 32 ako nabuntis first baby ko rin. 6 yrs din namin hinintay from marriage. sa loob ng 15 yrs namin relationship heto na siya. alam ko yang inggit sa loob loob ko na sinasabi mo. sobrang lungkot. papaalaga rin ako pero nung tumigil kami at pinagsawalang bahala nalang i mean, bahala na si Lord, ayun nabuo siya mommy. 3 months na sya ngaun. kala ko nga mag aapon na kmi sa malaung lugar or gagastos.na.kmi ng malaking halaga para mag subok if magkaka anak, pero Hindi, ayan na anak ko na, 3 months na xa ngaun ❤️

Đọc thêm

wag kang mawalan ng pag asa sis, at wag kang mainip kasi si God ang nakaka alam kelan nya ibibigay sayo, 32 years old ka pa lang , at naranasan mo naman mabuntis kahit panu, wag kang mawalan ng pag asa, ako nga 38 years old na nabuntis, first pregnancy ko to, never ko na inisip na mabubuntis ako since PCOS patient ako, lagi mong isipin na lahat ng bagay may timing si God para doon, just keep on praying lang at si God ang bahala para doon, wag mong i pressure ang sarili mo masyado, ipagkatiwala mo lang kay God ang Lahat. ❤️

Đọc thêm

Momshie, if that's how you think then that would be your reality. You still have a lot of chances. I'm 40 and pregnant. I had miscarriage last year but didn't dwell on it much. I grieved yes but it didnt stop me to focus on things I can change for myself (diet, supplement, good environment, great support system) The first time was planned much more the second one. Monitored my period and schedule the "DO" 😅. Be positive always and praying for youand your partner.. 🙏🏼

Đọc thêm

Don't lose hope, maniwala k lang & in God's perfect time, ibibigay Nya dn sayo ang wish mo. Wag mo na lang istressin masyado sarili mo kase the more na nag eexpect ka, mas nadidisappoint ka. Enjoy your life, 32 k pa lang nman. Ako po nabuntis 34 na s 1st baby ko after 7 yrs of marriage. Ngayon 38 na ako di ko inexpect na mabubuntis ulit ako despite having PCOS. Always pray to God and believe that whatever you prayed for, you will receive it in God's perfect time. 🙏🙏🙏

Đọc thêm