Pa advice ?

Pa advice naman mga mommy's tama ba na hinahatid at sundo ni mister yung katrabaho nya pero dati nyang kababata yun mas matanda sa asawa ako pero may asawa na rin yung babae hindi ko kasi maiwasang mag isip ng masama.

162 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nagsabi din sa ken ang asawa ko, kasama niya sa bahay. Aba, gusto e magpasundo sa asawa ko sa work! Ano siya prinsesa!? Nagtitiis nga minsan na magcommute ang asawa ko sa pagpasok sa work tapos siya e papasundo. Naimsg ko nga. Sabi ko, hindi ako payag. Sagot sa ken e may choice naman daw asawa ko para humindi at hindi lang naman daw siya ang may gusto na susunduin siya pati daw asawa niya. Sabi ko: nadyan naman ang asawa mo, e di sa asawa mo ikaw magpasundo. May choice nga ang asawa ko pero hindi siya makahindi kase nahihiya at nakikisama. Ofw kase ang asawa ko. Kasama nila sa bahay asawa ko. Share sila sa rent. Kakapal ng face. Tapos ginantihan ako. Ininvite ang x ng asawa ko sa thanksgiving e sinabi naman sa ken ng asawa ko kaya nalaman ko. Sasabihin pa sa ken nung una na sa kanila ko daw patirahin para mabantayan sa x niya. Nakakatawa! Kumare at kumpare namin ung mag asawa.

Đọc thêm

Bakit niya hinahatid sundo? Di niya na obligasyon yun. Gawain na dapat yun ng asawa nung babae din. Pareho na sila may kanya kanyang asawa, responsibilidad nila dpat pamilya nila, hindi ibang tao. Kung nkikisabay lang kasi otw lang din yung bahay/ niya papunta sa bahay niyo understandable naman yun. Pero kung yung parang obligasyon na ng asawa ko na dpat nahahatid and nasusundo siya, ibang usapan na yun. May asawa naman siya. May isip din naman siya. Di ba niya kaya bumyahe magisa?? Disabled ba siya?? Kung hindi naman. Di na kargo dapat ng asawa ko yun.

Đọc thêm

Pede natin analyse ang sitwasyon sis. Nabanggit mo na magkatrabaho sila, hatid-sundo ba ito o sabay sila pumapasok at umuuwi dahil isa lang sila ng opisina? Magkapitbahay ba kayo? Kung oo, maaring sagot din yan sa unang tanong. Kung magkatrabaho sila, ano ang nature ng work nila? Pareho ba sila ng shedule ng pag pasok at paguwi, kung oo maaring sagot din ito sa unang tanog bakit sila sabay umuwi at pumasok. Nakausap mo na ba si hubby about this? Nasabi mo na ba sa kanya ang nararamdaman mo? Anong sagot nya? Anong paliwanag nya?

Đọc thêm
Thành viên VIP

para sakin hindi ok yun, unang una may asawa sila pareho anong iisipin ng mga tao sakanila, pangalawa, bakit mawawala ba sya? hndi pa nya alam ang papunta at pauwi? o mahirap ba ang sakayan papunta sa trabaho pero kahit na. hindi pa din tama. pangatlo pano kung magkadevelopan sila? lalo na magkababata sila. yun ngang isang nabasa ko magpinsan nagtitikiman yun pang magkababata lang. kausapin mo husband mo mamsh. hndi kse talaga maganda tignan at nakakainis yan sa part natin. tsaka nasan ba yung asawa ni girl at pumapayag ng ganun.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Bakit ihahatid sundo pa. Pwede pa kung isabay lang pag uwi kung magkalapit lang mga bahay nyo pero yung ihahatid at susunduin pa, di na dapat ganun. May asawa na yung girl so yung asawa nya ang obligadong maghatid at magsundo sa kanya and not your husband. Di na nya problema kung walang sundo yung babae. May kanya kanya na kayong pamilya and besides di magandang tingnan sa lalaking pamilyado na ang magsundo at maghatid pa ng ibang babae kahit pa kababata nya. Dyan nagsisimula ang away e.

Đọc thêm
6y trước

Thanks po

hay momsh hnd tama yan tsk tsk.........just peace of advice momsh pagsabihan muna hanggang maaga pa..... base on my own experience sabi super close lng daw cla ni girl in the end iniwanan kami at nalaman ko cla pla hahaha.... how ironic d ba..... naging kaibigan ko pa ung mga pagbibigay pla eh suhol or bayad nya kc kinuha nya tatay ng mga anak ko..... kausapin mo na momsh hanggang kaya pa para maiwasan..... wag mo irelay purkit may asawa si girl dahil ang pangit tignan.....

Đọc thêm

First of all is ung question na bakit niya hinahatid sundo? regardless if katrabaho and kababata, nay handicapped ba siya para incapable siya to go and fro sa work? 😅 If I were you sis, try to tell your husband this topic tell him na it bothers you, walang mali dun first of all to clear up some doubts on your behalf. If ako yun ay, I don't like the idea, we both have our own spouse para gawin un na hatid or sundo thing

Đọc thêm
6y trước

Thanks again

ok lang yun kung once lang nya isabay pero kung palagi e iba na yun, may something na po pag ganun. saka kahit walang malisya sa kanilang dalawa para wala na lang gulo e dapat iset na nila limits nila dahil parehas na silang may pamilya. alam nyo naman nature na ng tao ang manghusga kaya kahit alam nilang wala silang ginagawang masama e mas ok na yung alam nila kung hanggang saan lang sila.

Đọc thêm

sabi ng asawa ko, okay lang daw yung paminsan minsan na nakikisabay at madadaanan. pero kung out of way at araw araw na, iba na yun. nag eeffort na po ang mister mo. may iba na po yun hindi po normal. kahit pa kababata at katrabaho. pero tanungin mo baka binabayaran pala? hahaha hingin mo bayad sa pamasahe.. kidding aside. its not normal po. its a no no for me. malinaw na red flag!

Đọc thêm
Thành viên VIP

I think it's not right. Single or married man ang isa sa kanila, hindi magandang tignan na mag hatiran at sunduan pa sila. They have to respect their partners, kahit pa ok lang naman sa mga partners nila. They have to consider what other people would think about them. Kahit pa wala silang ginagawang masama, hindi dapat na ganon. Have you tried talking to your husband about it?

Đọc thêm
6y trước

Hindi pa po nabasa ko lang po kasi sa messenger nya tuesday na sumabay sa kanya i dont know kong kaylan pa sila ganun