Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom of 1
hairfall
Normal po ba na may nalalagas buhok ng baby? 3 months old po. Ebf.
burp
Hanggang ilang buwan po dapat pinapadighay ang baby?
byahe
Pwede na po kaya sa 8-10hrs na byahe ang 3 1/2 months old na baby? Commute po. Kailangan na po kasi iuwi ng province eh wala namang private vehicle na pwede maghatid
pentavalent vaccine
Ask lang po. Naturukan kasi si baby ng penta vaccine kaninang umaga. Tapos ngayon nilalagnat sya saka iritable. Tanong ko lang normal ba na hindi sya agad dudumi? Kasi simula nung naturukan sya saka nabigyan ng oral polio di pa sya dumudumi tapos ire lang sya ng ire which is very unusual. Baka may same case po ng sa baby ko? Mag 2 months old na po sya.
poop
Hello po ask ko lang. Turning 2months na si baby ko this Nov. 11, normal pa ba na maya't maya ang poop nya saka pag utot? As in literal na pagkapalit wala pang 30mins. Or 1hr. Dudumi na naman sya? Maya't maya din kasi sya naghahanap ng dede. Ebf po ako. Thanks sa sasagot.
kabag
Ano po dapat gawin pag may kabag ang baby? Utot po sya ng utot tas mabaho which is unusual kasi di naman mabaho utot nya. Pag binababa namin sya sa higaan umiiyak sya.? Mahigit 12hrs na din since yung huling poop nya. Bukas pa kasi check up nya sa pedia. Kakagaling ko lang sa ospital para magpaappoinment kaso bukas pa daw ng umaga. Thanks sa sasagot.
sipon at ubi
Pano po malalaman kung may sipon at ubo ang baby? Lagi kasi sya bahing ng bahing tapos araw araw sya may kulangot. Tapos sa ubo po di ko alam kung nasasamid ba or what. Madalas kasi pag dumedede sya sakin umuubo sya tapos may halak minsan naman pagkatapos dumede pag nakahiga na umuubo sya. Pero ok naman paghinga nya pag natutulog malinis naman. Saka normal po ba na mabilis yung paghinga ng baby? 1 month po sya, mixedfeed. Nakaka kaba lang kasi ftm ako tapos wala kaming kasamang matanda sa bahay.
fan
Hanggang ilang months bawal mag electric fan ang baby?
formula milk
Pano po malalaman kung hindi hiyang si baby sa formula milk nya?
puso ng saging?
Pwede po ba sa bagong panganak ang puso ng saging?