instant noodles
Okay lang ba kumaen ng mga instant noodles? Gusto ko po kase laging may sabaw
Sis, ang lkas ng msg nyan. Ma uuti ka nyan. Mhrap magka uti ang buntis madami pwde mangyari. Delikado ky baby pagnag ka infection ka. Saka hindi po healthy ang instant noodles. Ano mkkuhang sustansya ng anak mo sa kakainin mo.
Pwede pero sana once a week or month lang. Wag lagi. Damihan mo rin water para di masyadong maalat. Di naman masama kumain kahit isang beses lang. Masama lang pag lagi at madami.
Pwede in moderation pero di parin siya advisable mommy kasi process food po yan. 😔 Magluto nalang po kayo ng mga may sabaw like sinigang, tinola. Mga ganun hehe
same tayo mamsh, laging may sabaw din ang gusto ko. Madami naman option aside from instant noodles. Sinigang, Nilaga, Bulalo, Tinola, mga sinabawang gulay.
Kumakain din ako nyan pero bihira lang tapos inom agad ng madaming tubig😁 so far wala naman akong UTI. 38 weeks preggy here😊
Tinola nlang o di kaya sinigang. Hindi madaling matunaw ang pasta, tsaka isa pa, prone tayo sa UTI. iwasan dapat ang mga instant noodles.
No, not healthy. Mas okay po kung tinola lagyan mo dim ng malunggay pamparami ng milk supply and at the same time healthy.
Iwas lang po muna... Pede nman kumain pero paminsan minsan lang.. Magmamanas ka pag parati salty kinakain mo..
Kung gusto mo ng masabaw, magluto ka nalang momshie ng masabaw like tinola, sinigang, mga ganun
Pwede naman po, more water lang kasi maalat ang instant noodles. Wag din madalas kumaen. 😊
Dreaming of becoming a parent