IN LAWS PROBLEM
Need advise pano sasabihin kay LIP ang gantong sitwasyon ng hindi niya mamasamain.
when you're planning talaga na pumunta sa buhay may asawa, much better talaga na bumukod kayo to avoid conflicts and misunderstanding, at makapagdecide kayo ng kayo lang pero syempre depende yun sa sitwasyon kung ano ung napagplanuhan nyo or masmaluwag sainyo. ngaun na nasa bahay kayo ng in laws mo, I think ikaw talaga magaadjust, yes mahalaga talaga ang privacy pero hindi natin mapipilit kung ganun sila, ang mahalaga good terms kayo, tanggap ka nila at ramdam mo na pamilya ang turing sayo. sa totoo lang mahirap sabihin sa asawa mo, lalo't parents nya un, baka magkaroon ng misunderstanding pero sana marealize na lang din nila na, na need nyo din ng privacy ganun din ang asawa mo lalo't yun lang naman ang main problem. sa ngaun, ikaw muna magadjust lalo't nakatira kayo sa bahay nila. baka gusto ka nila kilalanin maigi, try to open your self to them also, makipagkwentuhan ka sa kanila sa salas, makipagbonding, pagpagod ka, just excuse your self na lang na idlip ka muna saglit ganon, or may gagawin ka lang saglit para malaman nila na need mo ng privacy, sabihin or iparamdam mo sknla un in a way na- di sila masasaktan or maghihinala na iniiwasan mo sila coz magiging conflict. unawain mo na lang din ung sitwasyon, pakisamahan para wala kayong maging problema and also love them na parang magulang mo na sila kasi in laws sila ng asawa mo. hindi ko alam ung buong pinagdadaanan mo, but I hope nakatulong. 😇💗
Đọc thêmmomsh kayo ang nakikitira kaya kayo tlaga ang mag aadjust. Pero kami nsa in laws din nakatira now for 2yrs na yata. Ako kasi makapal mukha ko eh 😅🤣 Nandito kami sa 2nd flr nagroroom. Hindi sila pumapasok sa room namin ng hnd kumakatok. saka ako kasi honest at prangka ako, kapag mah ayaw ako sinsabi ko sknila diretsyo at sa hubby ko. Kaya kapag ang hubby ko magsabi sknila " Wag kayo aakyat/ingay kapag after lunch na kasi si ate nyo at mga bata ay natutulog baka magising." ganyan. kasi ako una nagrereklamo sa hubby ko kapag meron ako hnd gusto sa ginagawa nila. Tpos saka nya pagsabihan mga kaptid at papa nya. Pero kapag wla si hubby ako nagsasabi sknila diretsyo. I think magalaga na malaman nila kung ano routone nyo like us. alm nila oras ng shift ko since wfh ako. alm nila oras ng kaen at tulog namin kaya minsan nag aask sila if ano gisto namin food, alam nila na kapag after lunch tulog kami kaya bawal kumatok unless emergency. khit dpt nsa inlaws dapat alam don nila limit.
Đọc thêmAng sweet naman ng in laws mo ☺️ bka minamake sure lang nila na okay kayo o comfortable kayo o bka need nyo ng kausap baka kase nabobored kayo o nahihiya ka kaya sila na ung nag aapproach sa inyo. As long na hindi sila nakikialam sa mga desisyon nyo sa buhay o plans nyo okay lang yan. Ang sarap ng feeling na parang pamilya ang turing sayo ng in laws mo ♥️
Đọc thêmsame momsh. pero ayun nga. since nasa bahay tayo ng parents, we don't have a choice. Ang dami kong experience ng bigla bigla na lang pumapasok si MIL sa room namin. tapos sobrang aga pa. gigisingin si baby. Minsan nga dun pa nakikitulog yung MIL ko kasi gusto daw niya makatabi apo niya.😩
same po dito din natutulog MIL ko kapag tanghali which is gusto ko din matulog. nahihiya po ako makitabi dahil baka masagi ko siya at magising. kaya ako uupo nalanh ako sa sulok hanggang magising siya kahit gustong gusto ko itulog sa tanghali. 😅😅
24/7 mommy, happy wife