212 Các câu trả lời
Since nagresign ako sa trabaho at di inaasahan magbuntis kya walang pera, inuubliga ko hingan ng pera kinakasama ko pambili online ng gamit ni baby kahit pa2k 2k lang basta makaraos makabili, katwiran ko sa knya, hindi naman para sakin yung binibili ko para sa anak niya. Pagdating sa pag iisip ng pangalan baliktad po tayo momsh, ako nanlalait sa mga pangalang sinasuggest sakin ng kinakasama ko dahil ayoko ng common names. Now proud ako na unique name ang naisip ko for my baby boy. Kaya ikaw momsh kahit wala help ni hubby mo isipin muna yung name na kung ano gusto mo, dahil usually tayong mga babae naman lagi nagbbigay name sa mga babies natin.
Nung buntis ako, ako lang bumili ng mga gamit ni baby. Parang di kasi feel ng lip ko na magkakababy na kami. Hindi ko mafeel ang pagiging supportive niya pero yung araw na naglalabor at nanganganak na ako dun ko naramdaman yung care niya sa akin at sa baby namin. Ngayon kung ano ano na binibili na toys at nga costume ng baby namin. Madami din akong naging sama ng loob nung una pero pinagusapan namin at nagkaintidihan na kami. Siguro mommy awkward pa siya. Di pa siguro niya alam ang magiging reaction niya at kung ano ba ang dapat niyang gawin. Masiyadong dense kumbaga. Pero hopefully maging okay din paglabas ng baby niyo.
Sa akin na man sobrang supportive ng asawa ko. Mahilig ako mag online shopping lalo na nung nalaman ko na preggy ako. Pag may nakita ako sa online shop na maganda for baby o kahit para sa akin, pinapakita ko sa kanya for approval. At ang laging linya nya eh i'add to cart mo. Haha. Pero syempre alam ko din ang limitasyon ko. (Sya kasi nagbabayad haha). Kaya ngayon kompleto na si baby. Regarding na man sa name, matagal din kaming nakapagdesisyon. 7 months na ata ang baby bump ko nung magkasundo kami sa pangalan. Maging open ka lang sa partner mo. Sabihin mo sa kanya ang mga plano mo. I'm sure, magiging okay din kayo.
Hi , si LIP ko po ganyan din nung una . Kaya i decided na ako na bumili ng mga gamit ni baby. Tapos si mama ko naman dahil excited din namili rin. I also felt bad at first. Then nung lumabas na si baby, todo effort naman siya sa pamimili ng gamit ni baby. Ako na nga nagagalit minsan lalo na pag medjo mahal yong mga binibili nya. We did not discuss it , but I realized he was saving money for my delivery. Hindi naman sa wala siyang paki, he was worried and he was overthinking. He wanted to buy things , but he did not know what to buy kasi he knows medjo maarte ako sa stuffs ni baby and kuripot ako.
I feel u ganyan din partner ko puro matagal pa naman and saka na lang pero ang ginawa ko bumili ako paunti unti ng wala sya alam gulat n lng nya dami na gamit ni baby at sinabi ko sa knya kakahiya kasi sayo wala kang oras para aa gamit ng bata medyo inis din ako kasi wala effort sa name ng baby di ko sya binigyan ng chance or ask kung ano name ng baby ako nasunod wala naman sya palag kasi alam nya magagalit ako. Un partner ko kasi mahilig sa last minute sa lahat ng bagay kaya yun un ilan gamit na kulang binili nmin a day before ako mag admit schedule cs kasi ako nun galeng diba. 😂
Starting 3mos may gamit na baby ko And now going 8mos, 2-3 na gamit ni baby na lang ung need to buy pa. We have a name na rin. Im on maternity leave kaya almost lahat ng binili ko for baby sya gumastos, he let me handle his finances, too. 🙂 so blessed lang to have a partner na full support sa amin ni baby. Even my sisters in law, sila bumili ng crib, stroller and car seat. 🙂 try to talk to your partner, mahirap na if u experience contractions and wala pa gamit baby mo. Saka pa lang sya maghahagilap kasi on labor ka na. If u have the money, go buy for your baby. 🙂
Mas mahirap po bumili kapag gahol na gahol na. Nakakataranta. Pwedeng madaming makalimutan. Maganda nang prepared ka. Sabagay kung gahol nman, siya naman ang mahihirapan dahil siya ang mamimili kapag naglalabor kana at hndi pa kumpleto gamit ni baby. Ako nagumpisa bumili 6 months. Nakumpleto ko damit nya 6 months din ako at nilabhan ko din nung 6 months preggy ako. Ayun wla nako iniintindi ngayong 8 months nako. Kumpleto na kami, si baby na lang kulang. Mahirap kasi ung bibili ka last minute sa dami ng kailangan ng bata impossibleng hndi ka mataranta.
Mamili na po kayo malapit na po iyan . Sakin po hindi ganyan hubby ko hinahayaan lang niya po ako kung ano gusto ko para sa baby namin sinasabi niya lang sakin para paglabas ni baby wala tayo ibang aasikasuhin kahit nga po check up at ultrasound ko lage siya kasama napaka suportive niya puro siya positive . Ung asawa niyo kakaiba 8 months na po kayong pregnant pero dpa kayo namimili malapit na po kaya yan dapat nga 7 palang nagsimula na kayo eh . Parang lumalabas na d siya exited na lalabas anak niya .. pero think positive parin po kau
My savings ka.namn po ikaw nalng maprovide nun pinaka basic needs like , diaper , breast pump, higaan ni baby and clothes.. un pinaka basic lang muna gnyan dn un asawa dedma kaya gngwa ko po online ako ng oorder . Pag dumating na wla namn nya syang nagagawa kng hnd magcomment for sure po yan asawa nyo pag labas ng baby nyo aawayin pa kau kasi ssbhn kulang un gamit ni baby hahahha.. i experience that sinabi ko lang noon.. " puro ka saka na or next time ngayon obligations mo mg provide agad agd 😅😅😅" holdap nangyari 😂😂😂
Yung partner ko mamsh, ganyan din sya nung buntis ako. Ako lang bumili lahat ng gamit ni baby tsaka mga kailangan (Pero pera nya po hehe). Tapos nung nanganak na ako, doon na sya bili ng bili. Nagugulat nalng ako may bago nang gamit yung baby namin. Tapos ngayon, okay lang sa kanya kahit bili ako ng bili ng mga damit ni baby. Ang thinking ko kasi, magkakaanak pa namn ulit ako kaya may gagamit pa haha. Baka di pa nya maexpress excitement nya mamsh. wait nyo nalang po pag lumabas na si baby. Kung ganyan padin sya, dun na po kayo mag worry.
Same tayo momsh. Ako umoorder na sa shopee para magugulat nalang partner ko may darating na order wala na syang choice kundi bayaran😂 hahaha edi nakaipon ako dati ng gamit ni baby.
Anonymous