Zerlyn Grace Paz profile icon
Kim cươngKim cương

Zerlyn Grace Paz, Philippines

Contributor

Giới thiệu Zerlyn Grace Paz

Queen of a prince and princess

Bài đăng(6)
Trả lời(222)
Bài viết(0)

swab test

Goodmorning mommies. Ako po si Dra Janine, frontliner sa isang hospital dito sa Manila. Nananawagan po ako sa lahat ng mga mommies na term na o 36weeks pataas na magpa SWAB TEST na po in case biglaang manganak. May ilang pasyente po na hindi mapaanak sa ibang hospital dahil walang swab test. Ang swab test po ay ginagamit upang madetect virus. Kailangan po ito mommies bilang proteksyon nyo at proteksyon ng mga doctor/nurses na mag aalaga sa inyo. Pag wala po tayong SWAB TEST at nagkaroon ng EMERGENCY, maaari po tayong maadmit kasama sa WARD ang mga positive case. Sa kasalukuyan, PUNO po ang mga ward na may positive case sa ibat ibang ospital kung kayat hindi maadmit ang mga mommy na nangangailangan ng paunang lunas. Muli po, magpa SWAB TEST na po kung 36weeks pataas at huwag nang lumabas ng bahay. Tanungin po natin ang OB natin para sa test na ito. Sa mga nanganak na po, hindi po senyales ng BINAT ang pagwala ng pang amoy at panlasa. Ito po ay mga sintomas na positive, kasama ng: Lagnat Ubo Masakit na lalamunan Pagtatae Pagsusuka Pananakit ng katawan Hirap sa paghinga Kung nakakaranas ka nito, maari po tayong magpa SWAB din. Maaari din tayo mag self isolate sa loob ng 14 days. Lumayo sa ibang mga kaanak, kay baby, sa mga senior citizen, o sa may mga sakit tulad ng cancer. Panatilihing malinis ang kapaligiran, maghugas ng kamay at magsocial distance po tayo. Maraming salamat po Inuulit ko po, SWAB at hindi RAPID test ang kailangan. Ang SWAB test ang nakaka detect ng mismong virus sa katawan. Ang RAPID test ang nakakadetect ng ANTIBODIES laban sa virus. Ibig sabihin pwedeng positive ka na sa katawan ngunit hindi pa nakakagawa ng antibodies ang katawan mo kaya negative ang resulta nito. Ang SWAB ay kinukuha mula sa nasopharynx at oropharynx (sa dulo ng ilong at sa lalamunan) ang RAPID ay sa dugo. To all our friends in Metro Manila, If you have symptoms such as cough, colds, fever, sore throat, loss of smell or loss of taste, here is a list of facilities where you can have Swab tests done. Note that RT-PCR is the confirmatory test. 1. Asian Hospital *PHP 6k ( 4k+ for seniors) max of 4 days sunday not included (update) (02) 87719000 2. Cardinal Santos MC PHP 7,500 (Online Booking) PHP 8,000 (Walk-In) 3-5 days 87270001 3. Chinese Gen Hosp PHP 5,500 - drivethru 48H will text result/ send to email PHP5,000 - walk-in *PHP3,409 (if w Philhealth deduction) * PHP1,591 (for PWD and senior citizen, 20% dc) 4. Makati Medical Center PHP 8,150 1-2 days (02)88888999 5. Phil Red Cross Boni - 1158 - 4500 pesos ~1 week 6. St Luke’s Global PHP12, 300 if through ER PHP 8150 drive thru (Needs prescription of doctor for RT-PCR) 2-3 days 87897700 7. St Lukes QC PHP12, 300 if through ER PHP 4,300 (Needs prescription) *PHP 6,500 Drive thru 2-3 days 87230101 8. St. Martin de Porres Charity Hospital PHP 4,000 3 days (02) 8723 0743 9. The Medical City Ortigas PHP 8,150 3 days 89881000 10. VRPMC PHP 7-10,000 pesos through ER 3 working days Please, please repost for everyone who might need this. By: Dra. Janine isyasa-coquia

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi