pusod ni baby
nakalimutan ko natanong sa hosp nung nanganak ako if pano linisin ang pusod ni baby. sabi ng byenan ko, patakan ko daw ng 70% alcohol tapos yung friend ko naman na kakapanganak lang hayaan ko lang daw kase kusang matatanggal. ano po talaga ang dapat?
Tama po yung 70% solution alcohol pero di po yun ipapatak lang sa pusod ni baby. Kukuha po kayo ng cotton balls babasain nyo ng alcohol saka ipupunas umpisa sa pinaka base ng pusod ni baby paikot kasi ito usually ang nagkakaron ng langib langib make sure na malilinis itong mabuti. Isa o dalawang ikot pag madumi na itatapon ang bulak. Kuha ulit ng panibagong bulak basain ulit ng alcohol ideretso lang ang paglinis pataas hanggang sa may clip ng pusod. Ang paglilinis po ng pusod 3 beses sa isang araw walang ilalagay na kahit ano (e.g bigkis, piso o papel) ang ipanglilinis 70% solution alcohol at bulak lang. 😊
Đọc thêmBoth tama po sila 😂 Pero di patakan mommy.. sa cotton ball ka maglagay alcohol saka mo dampi dampihan ung pusod mismo.. then another cotton with alcohol, linisin nio next ung surroundings nun pusod palabas :) tpos after linisan, hayaan nio lang ma air dry, everyday lang pong ganon gang sa maalis ng kusa :)
Đọc thêmLagyan nyo ng alcohol then linisan ng cotton buds yung gilid ng pusod. Kusa nman sya matatanggal. Need nyo lang tlaga linisan ganyan din ako dati dko nalinisan bumaho sya. Pinagalitan tuloy ako ng OB ko. Hehehe
Wag po direct sa pusod ni baby. Put some 70% alcohol on a cotton ball then isang pahid sa harap & isa din sa likod. Pag pinatak kasi sa mismong pusod masasaktan si baby since patapang alcohol
Dalasan niyo po ang pag patak ng alcohol mas better kung isopropyl alcohol recommended by pedia po yun at wag din po balutin ng bigkis. Baby ko wala pang 2weeks tanggal na pusod...
70% Isoprophyl three times a day mas maganda every diaper change nga e. tas yung palibot linisin mo rin cotton buds. Tas may binigay na ointment yung doc ko kay bb non e.
Patakan po ng alcohol atleast every 4 hours kasi magkakacause ng bacteria accumulation yan manonotice mo nalang bumabaho na pusod ni bbay kasi di nalilinisan ng maayos
70% alcohol then bulak panlinis ng mga gilid gilid. Kada palit ng diaper linisin mo momsh, ganun ginawa ko kaya 4 days lang natanggal kagad pusod ng baby ko
dating practice po ung alcohol pero now po bsta linisan lang po ng cool boiled water using Cotton buds. wag po cotton. ngkakalad un bka maiwan p
70% alcohol yung walang moisturizer tapos air dry lang ginawa ng doctor sa baby ko kasi 16 days nag stay yung baby ko sa ospital.