15 weeks pregnant

Nakakasad na po tong nangyayari sakin, bakit ganito po ilang subo ko lang ng kanin ayaw ko na at nasusuka nako. Sa isang araw halos dalawa kutsarang kanin lang po nakakain ko kahit gutom na gutom na ko pero pag kumain naman ako ng kanin ayaw naman na agad. Ano po kailangan kong gawin parang wala ng sustansya baby ko?😢

18 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nagkaganyan din ako momsh. Buti di ako namayat, siguro dahil ng prenatal vitamins. Kahit tubig sinusuka ko nung 1st trimester. Nung una po skyflakes lang nakakain ko kasi nga ayaw ko ng rice. Kaso naaawa ako kay baby kaya po imbes na rice, pasta ang ipinalit ko para lang makabawi. Tsaka po pancit. Halos 2 weeks po ata ako puro macaroni, spaghetti at pancit lang 🤭 Tapos more on protein po ako, papak ng puro ulam pero less salt and oil po kasi nagsusuka din ako sa oily food. Then fruits like watermelon, cucumber, apple and ripe mango inadd ko sa food intake ko kasi di ako gaano makainom water. Pag iinom ako water, may kasunod agad na hard candy para lang di ako masuka. Ngayong 2nd trimester, okay na po ako. Nakakabawi na ulit ng kain and nag-gain na ulit ako ng weight 🤗 malalampasan niyo din po yan momsh. Fighting!

Đọc thêm
2y trước

ano gender ng baby mo po?

ganyan po ako nung early pregnancy, advise sakin kahit alam kong isusuka ko kumain pa din ako, kc hindi pwedeng papatalo ka sa paglilihi. ang nakatulong po sakin nun ung sabi ng ob ko na sweet candy na matigas like butter balls o lollipop. para din po hindi bumaba ang sugar level mo kakasuka. tsaka ung mga sopas at lugaw na maiiinit un po nagsalba sakin konti konti lang pero every 2-3hrs kelangan kong kumain kc nga nilalabas ko rin.

Đọc thêm

normal naman pero hirap haha. akonga pinakamatagal ko 4 days walang kain talaga ng kanin puro subo subo unti as in wala ako gana di rin ko nafefeel magutom kasi ayoko kumain haha kaya bagsak ang weight pero nitong nag 3rd trim ako grabe naman triple yung takaw😂

dumating po ako sa punto na pati amoy at lasa ng tubig ayaw ko po natural po iyan sa first three months Mam, sige lng kain po kayo ng gulay at prutas para may sustansya pa din si Baby samahan nyo rin ng healthy proteins para balanse ang kinakain nyo

Influencer của TAP

ako nman ayw q mkkaamoy ng khit anong klaseng mabaho or khit amoy araw pti ung amoy s labas ayw q, kpg naampy q sarili ko hnd mabango ngppalit agd aq, khit tubig naaamoy q,ayw q rn nddmpian lhat ng bagay n gngmit ko☹️😢

Influencer của TAP

same experience, Mommy. Don't worry, as long as you take your supplements, vitamins and milk prescribed by your OB, you're good! Hoping na malampasan mo na itong challenging phase ng pagbubuntis. Go go go!

Ganyan din ako nung mag se-second tri. Ang sabi lang ng ob ko part of the "paglilihi". Hanggang 5th month daw yung "paglilihi" like those month siya severe.

2y trước

Nag worry din po ako nung time na yan. Naisip ko rin po anong nutritions ang mapupunta sa kaniya kung ayaw tanggapin ng katawan ko mga kinakain ko. Try niyo po pa konti konti, pero maya't maya. Lilipas din yan. 🫶🏻

that's normal po, kaya dapat umiinom po kayo ng multivitamin at folic acid lagi kasi don mas nakakakuha ng nutrients si baby bukod sa kinakain natin

Babalik gana mo sa food after 3 months mam gNYan din Ko dati... After kain suka ako ng sukA.. Pero after 3 months palakain na..hehe

ganyan talaga mhie, minsan 4 mons. bago mawala ang lihi.. mag milk at vitamins. ka na lang para di mawalan ng sustansiya si baby